Lazelle's POVOctober 5, 2016 (Wednesday)
Alas nueve ng umaga ang pasok namin sa bago naming papasukang paaralan. Alas siyete palang ay ginising na kami ni Daris para makapag ayos.
"Sige na Lazelle. Ako nalang ang gagawa niyan." Nakangiting suhestiyon ni Daris habang nagluluto ako ng sinangag.
"Hindi na, saglit lang naman 'to." Tsaka ako tumingin sa kanya at tumango siya.
Ewan ko ba. Nakakahiligan ko ng magluto. Aminado naman akong totoo ang sinasabi nila.. na masarap akong magluto.
Aangal ka pa ba? Subukan mo lang at papatikman kita ng luto ko ng manahimik ka.
'Parang ang hangin ko na yata.'
Naalala ko ang sinabi ni Ethan noon. Dapat daw humble lang sa mga bagay bagay. Kaya pag sinasabihan ko syang "gwapo" noon ay todo tanggi sya.
Nasobrahan sa pagiging humble. Kingina. Hindi nalang magpasalamat na pinuri siya. Ang sarap lang sakalin.
Nagprito ako ng tuyo at nag scramble na rin ako ng itlog. Luto na rin yung sinangag na niluto ko.
"Waaaah! Ang sarap ng amoy." Parang bata na sabi ni Gerome at sininghot ang inilagay ni Daris na almusal namin sa mesa.
"Edi yung amoy nalang kainin mo." Sagot ko sa kanya at inirapan niya ako.
'Parang babae na naman sya. Tsk.'
"Wait lang ah. Picture-an ko muna." Sabi ni Daris habang nakangiti.
"Ayan. Naupload ko na sa IG!" Tuwang tuwa na sabi nya at nginitian ko sya.
Kakain na dapat si Gerome ng tinampal ko ang kamay niya. Bastos talaga. Psh.
"Bakit na naman ba?!" Angal niya.
"Pray first." At nagdasal na ako.
-
Matapos naming kumain ay dumiretso na kami sa labas.
"Bakit ang daming tauhan dito Daris?!" Nagtatakang tanong ni Gerome. Maski ako ay nagtataka rin.
"Pinadala po sila ng FVL. Pasensya na po at nakalimutan kong banggitin. Ang sarap kasi ng luto ni ate e. Hehe. Dagdag seguridad na rin daw po dahil na rin sa epekto ng nangyari kahapon." Pagpapaliwanag niya at naliwanagan na kami.
"Hi Ma'am at Sir! Ako po si Marlboro, ang magiging driver nyo. At siya naman po si Fortune, ang bodyguard nyo." Sabi ng isang bampira na blonde ang buhok. Hindi sya mukhang driver, mas gwapo pa nga siya kay Gerome. Haha.
'Teka, ang gara naman ng pangalan niya. Siya si Marlboro at yung isa si Fortune. Baka naman yung ibang tauhan ay sina Winston at Phillip?'
Sumakay na kaming apat sa kotse ni Marlboro. Katabi niya si Fortune sa passenger seat at kami ni Gerome ang nasa likod.
"Winston! Buksan niyo na ni Phillip yung gate." sabi ni Marlboro at nagkatinginan kami ni Gerome.
"Cigarette squad." natatawang sabi ng katabi ko.
"Kingina." yan lang ang tanging masasabi ko.
-
"Ma'am, anong gusto niyo pong tugtog?" tanong ni Fortune sa akin.
"Basta po kay Taylor Swift." sagot ko naman.
Nakakaboring din pala. 8:15 A.M. palang at 30 minutes ang byahe namin papunta dun. Yung katabi ko ay nakasound proof barrier. Kausap niya si Ferreah, naka vid call sila.
BINABASA MO ANG
This Vampire Is My Soulmate? [HIATUS AND UNDER REVISION]
VampiroKahit na magkalayo kayo, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa. Gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang tadhana para kayo'y magsamang dalawa. Started Date (FOR THE REAL STORY): 05/31/2016 End Date: --- This Vampire Is My Soulmate? ©2016