Dylan's POV
"L-laz. Namumutla ka. Okay ka lang ba?" Tumingin ako sa likuran ko ng marinig kong nagsalita si Kesha.
Namumutla si Lazelle. Anong nangyayari sa kanya?
"Lazelle!" Bigla akong napasigaw ng matumba sya. Buti nalang at bampira ako na mabilis kumilos kaya nasalo ko agad sya.
"Pumunta tayo sa clinic, Kesha. Tara na!" Tumakbo ako ng napakabilis. Alam ko namang mahahabol niya ako dahil mabibilis kumilos ang mga bampira.
"Pindutin mo ang doorbell." Mabilis na saad ko kay Kesha at ginawa niya nga ang utos ko.
*dingdong *dingdong
Tiningnan ko ang mukha ni Lazelle. Kanina napapansin ko ang kakaibang aura sa paligid. Parang may isang fumei na nandito.
Hindi kaya sila ang may kagagawan nito?
Pero, bakit naman nila gagawin iyon?
At bakit may isang Fumei na nakapasok dito sa Prechanesus?
Maraming tanong na pumasok sa isipan ko. Kung may fumei rito, bakit saglit ko lang sya naramdaman?
Alam kong mabilis kumilos ang mga bampira at may mga bampira na may kakayahang makapag teleport pero nag iiwan sila ng amoy na naamoy namin kahit umalis na sila.
"Mr. Nordell? I'm telling you to lay down the patient at that hospital bed!"
Nabalik na ako sa realidad ng sumigaw si Dra. Felice.
'Naku, lagot ka Dylan kapag nagalit mo ng sobra itong si Dra. Mukha pa naman syang nangangagat kapag nagagalit!' >___<
Marahan kong hiniga si Lazelle sa sinasabing Hospital bed ni Dra. Felice. Habang sinusuri niya ito, naramdaman kong nagva-vibrate ang hawak kong cellphone na pagmamay ari ni Lazelle. Muntikan na itong mahulog kanina ng tumakbo ako papunta rito pero kinuha ko ito para hindi mabagsak.
Celina Calling. . . . .
Ibibigay ko sana kay Kesha ang cellphone para siya ang sumagot ng tawag kaso nakita kong kausap ito ni Dra.
Mukhang mahalaga itong tawag na ito kaya sinagot ko nalang.
"Hoy Sherina Lazelle! Kanina pa kita tinatawagan at buti naman sinagot mo na! Tumatae ka ba sa CR kaya busy ka na--"
"Kaano ano ka ni Lazelle?" Pagpuputol ko sa pagdada nung kausap ko.
Masyado syang madaldal para pang nakalunok ng mega phone ang bunganga niya dahil sa lakas ng kanyang boses. -__-
"Ako lang naman ang maganda niyang pinsan! At teka, sino ka ba?! Saan mo dinala ang pinsan ko?! May balak ka bang rape-in sya?!! Taena! Magsalita ka!!" Nalayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil kahit hindi naka loud speaker ang phone, nakakarindi at nakakabingi ang boses niya."Naku! Paano ba 'to?! Hindi naman pwedeng mama niya ang tawagan ko para ipaalam 'to. Hoy! Maawa ka sa pinsan ko, mabait yan kahit minsan isnaber--"
"Hindi ko kinuha ang pinsan mo at mas lalong hindi ako rapist. Hello Pinsan ni Lazelle. Nandito lang naman sa clinic ang pinsan mo dahil bigla na lang syang nawalan ng malay kani--"
BINABASA MO ANG
This Vampire Is My Soulmate? [HIATUS AND UNDER REVISION]
VampirKahit na magkalayo kayo, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa. Gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang tadhana para kayo'y magsamang dalawa. Started Date (FOR THE REAL STORY): 05/31/2016 End Date: --- This Vampire Is My Soulmate? ©2016