Chapter 17

58 5 11
                                    

Gerome's POV

Nakakainis talaga iyong si MDSS! Hindi man lang ako ginawang habulin matapos kong mag walk out. Hays.

Hindi ko na natiis at napagpasyahan kong bumalik ako sa kwarto. Malapit na ako roon ng marinig ko ang boses niya.

"Gerome. Sorry na. Bati na tayo." Malambing na sabi ni MDSS.

Kahit kailan talaga amg tanga niya! Tsaka siya nagso-sorry kung kailan wala ako doon sa loob?! Tsk.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumilip mula sa loob at.. napahawak na lang ako sa bibig ko ng makita ko ang sarili ko na hinalikan si MDSS.

'Shifter ba siya?' Nakatulala pa rin ako sa kanila. Hindi kumikilos ang aking katawan na lumapit sa kanila.

Napahawak ako sa puso ko.. Ewan ko ba, kung bakit parang bigla akong naghina.

"Namimiss na kita She. Hanggang ngayon, mahal pa rin kita." Nagpalit ito ng anyo kaya agad akong tumakbo sa pwesto nito pero bigla na lang itong naglaho.

Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa pwesto ko. Balak ko siyang sapakin! Nanggigigil ako sa kaniya at hindi ko rin alam kung bakit! >______<

*

Daris' POV

"Miss Lazelle, okay na po ba kayo?" Marahan kong tanong kay Miss Lazelle ng makadilat na siya.

Tumayo ito at marahang pumikit.

'Nagpabaya ako masyado.' Kausap ko sa sarili ko.

Matapos ang nangyaring panghahalik ng isang nilalang hindi ko pa alam kung sino kay Lazelle ay nagising na ako.

Napanaginipan ko ang lahat. May kapangyarihan akong ganoon. Ang makita, ang nais kong makita habang ako ay natutulog.

"S-si Gerome?" Nakayukong tanong niya sa akin.

"Miss Lazelle. Hindi si Gerome ang humalik sa iyo."

Halatang bakas ang gulat sa mukha niya. Maya maya pa'y namula na ang kanyang pisngi.

"Nag iilusyon lamang ba ako?" Takang tanong niya.

"Hindi po Miss Lazelle. May humalik po sa inyong shifter kagabi. Hindi ko pa po alam kung sino iyon."

"Kingina. Mapapatay ko kung sino ang lapastangan na kumuha ng unang halik ko."

"Lazelle? Ayos ka na?" Sabi ni Prince Gerome na nasa gilid ko na ngayon.

"O-oo." Halatang naiilang pa si Ms. Lazelle dahil sa nangyari kagabi.

'Sino kayang lapastangan ang gumawa ng ganoon?'

Wala naman syang nilagay na spell kay Ms. Lazelle at tiyak na hinalikan lamang niya ito dahil gusto niya.

"Miss Lazelle at Prince Gerome, aalis po muna ako saglit." Nakangiting paalam ko sa kanila at tuluyan na akong umalis.

~

"Sino ang may gawa po niyon?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Sinabi niya ang sagot sa akin at bakas ang gulat sa aking mukha ng sabihin niya sa akin ang lahat.

'Kung ganoon, mukhang naglalaro ang tadhana.'

*

Kissel's POV

"Ethaaaaaan!" Sigaw ko mula sa labas ng cr ng kwarto niya.

Ang tagal tagal kasi niyang lumabas. Hays, sinabi ko na sa kanya na 'wag na siyang magpagwapo ng bongga. Dahil, kahit pagsuotin mo siya ng panggusgusin na damit.. napaka-gwapo pa rin niya!

This Vampire Is My Soulmate?  [HIATUS AND UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon