Ka-Hara's POV
"Queen Yra, kailan nyo balak sabihin sa kanya ang katotohanan?" tanong ko sa pinakamataas na reyna na kaharap ko ngayon.
"Gusto kong siya mismo ang dumiskubre niyon sa kanyang sarili."
"Maaari ko bang malaman kung bakit?" pangalawa kong tanong.
Hindi ko kasi lubos na maunawaan ang planong gusto ng reyna. Ang plano niya tungkol sa pagsasabi ng totoo tungkol sa LAHAT.
Alam na namin ang lahat ng mangyayari sa hinaharap pwera lamang sa bagay na iyon.
"Ito ang pinakamadaling paaraan para matanggap niya ang kanyang mga malalaman."
Kahit na hindi ko naintindihan ang sinabi niya ay tumango nalang ako. Tsaka, nagpaalam dahil ako'y aalis na. Sapagkat, ngayon ang unang araw para turuan ko si Lazelle gamit ang apoy.
-
"Magandang umaga dyosa Ka-Hara." bati ni Lazelle ng makita niya akong pumunta sa tirahan ni Kazeria. Inabutan ko sya ng kulay pula na candy.
"Para saan ito?"
"Para hindi ka matusta sa loob ng teritoryo ko." at dumiretso na kami sa lkmagand a tinitirhan ko.
Pagkapunta roon ay napansin ko na namangha si Lazelle. Binasa ko ang kanyang isip at siya ay panandaliang nagtaka kung bakit normal lang ang kanyang nararamdaman sa lugar na ganito. Ngunit, agad iyong nawala ng maalala niya ang binigay ko sa kanya na candy.
"Sa unang araw ay kailangan mong matutunan kung paano tawagin ang apoy at kontrolin ito. Gaya lang ng ginawa niyo ni Kazeria ang kaibahan lang ay hindi hangin ang tatawagin mo ngayon."
"Sa maling paggamit ng apoy ay maraming posibilidad na isang aksidente ang mangyayari. Na maaaring makapanakit sa'yo o sa ibang nilalang na nasa paligid mo." patuloy ko pa.
"Simulan mo na. Alam kong magiging madali na ito para sa'yo."
Base sa pagmamasid ko sa kanya, hindi pambihira ang katalinuhan ng dalagang nasa harap ko. Madali syang makakuha at matuto ng mga bagay bagay na sinasabi sa kanya.
Pumikit siya at pinagdikit ang kanyang dalawang palad. Sa unang tatlong minuto ay walang kakaibang nangyari ngunit sa ikaapat ay sumunod na ang apoy. Lumabas ang magma na naging lava sa bulkan. Pinapaikutan siya nito.
Hanggang ngayon ay nakasara pa ang kanyang mga mata. Tila hindi niya alam na nakokontrol niya na ang apoy ngayon.
"Wag mong hayaan na mawala ang iyong konsentrasyon. Idilat mo na ang iyong mga mata." at iyon nga ang kanyang ginawa. Muntik ng mawala ang kanyang konsentrasyon dahil sa kanyang pagkagulat nung una. Ngunit, pinilit niya na ituon ang atensyon sa kanyang ginagawa.
Hindi ko mapigilan na ngumiti. Napakadali niyang turuan.
-
Sa lumipas na ilang linggo. Natutunan na ni Lazelle na kontrolin ang lahat ng elemento pati na ang mga depensa gamit ito.
"Ngayon naman ay kailangan mong malaman ang iba pang dependa gamit ang mga pinagsama samang mga elemento." ani ni Tsuchi Eriniella.
Naglabas si Kayc Sui ng kanyang snake at naglabas rin si Kazeria ng ganoon. Pinagsama nila ito at agad itong naging yelo.
"Sa katamtamang temperatura ng tubig at malamig na hangin ay makakabuo ka ng ganito." sabi ni Kayc Sui.
"At eto naman ang kalalabasan kapag mainit ang hangin na inihalo mo sa tubig." patuloy niya pa.
Isang umuusok na water-air snake. Napangisi ako, mas maganda na haluan ito ng nagbabagang apoy. At walang pasabi na nilagyan ko ito ng apoy na ikinagulat nila.
"Lagyan din natin ng Tsuchi Eriniella's shield!" naiinggit na sabi ng isa dahil lupa na lamang ang wala na elemento roon.
"I-try mo na gumawa ng katulad nito." utos ko sa kanya at sinimulan niya ng gumawa.
"Ngayon, ikaw at ang mga dyosa ang maglalaban para malaman namin kung totoong ikaw ay natuto." hamon ko sa kanya at halatang kinabahan siya.
Alam kong siya ang mananalo dahil mas malakas talaga siya sa amin.
Nagbuga ang kanyang snake ng fire blast at agad na dinepensahan ito ni Kayc Sui ng water blast.
Mukhang alam niya ang mangyayari kaya sabay sabay na elemento ang ipinalabas niya at ganun din ag ginawa namin.
Pero, dahil nga sa siya ay nakakataas. Mas malakas na ahas ang nagawa niya at nawasak ang ahas na aming ginawa.
"Binabati kita Lazelle. Mukhang natuto ka talaga ng labis." nakangiting sabi ko sa kanya at binati rin sya ng tatlo.
"Ngayon na ang oras Lazelle para umuwi ka sa inyong mundo." sabi ni King Simon.
"Ihahatid na kita." sabi naman ni Queen Yra.
"Maraming salamat sa inyong lahat." maiksing tugon ni Lazelle pero mararamdaman mo ang kanyang sensiridad sa kanyang sinasabi.
"Rio, ano ito?" tanong niya kay Queen Yra ng suota siya nito ng element necklace.
"Ayan ang element necklace. Magagamit mo sa inyong mundo ang mga bagong kapangyarihan mo ng walang kapaguran dahil dyaan. Tara na." at umalis na silang dalawa.
-
Lazelle's POV
Nasa loob na akong muli ng aking kwarto at nakaalis na rin si Rio matapos nyang makapagpaalam sa akin.
Humiga ako sa kama na nadoon at nag isip mabuti.
'Sino ba naman ako para makakuha ng maraming kapangyarihan?' takhang tanong ko sa sarili ko.
Noong mga unang araw palang na naroon ako kasama ang mga dyosa ay natanong ko na yan sa sarili ko. Kapag tinatanong ko sila, sinasabi lang nila na ako ang biniyayaan ng gan'tong kapangyarihan.
'Pero--'
Pinigil ko nalang na makipag argumento sa sarili ko. Mababawasan ang coolness ko nito e. Para na akong nababaliw, kingina.
Matutulog muna sana ako dahil ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Pero, bago pa ako mahimbing na makatulog ay nakaramdam ako na may fumei sa paligid.
'Nanggaling iyon sa baba.'
Dumiretso ako agad doon at nagulat ako na maraming fumei ang nakakalat sa paligid. Wala ang mga bampira na nakatira rito.
'Nasaan sila?'
Gaya ng inaasahan ko ay nakita nila ako kaya agad silang parang mga tanga na sumugod.
Nag invisible mode ako at napansin kong nagtaka sila nung una. At nung pangalawa ay nainis sila pare pareho.
Gumawa ako ng earth shield at naglabas ng Kazeria's fox, Ka-Hara's phoenix, Tsuchi Eriniella's snake at Kayc Sui's lion. Dahil sa nakainvisible form ako ay hindi rin makita ng mga Fumei na aatake ang mga ito sa kanila.
Naglabas ang fox ng matutulis na air blades. Ang Phoenix ay nagbuga ng maraming nagbabagang crystals. Samantalang ang snake ay nagkakalat ng poisonous na laway nito na may kasamang mga poisonous rocks. At ang, lion ay naglalabas ng mga water bombs.
Napadali ang pagkapatay ng maraming fumei na naroroon. Pinalibutan ako ng mga hayop na ginawa ko at sumusunod rin sila sa paglalakad ko.
'Ang problema ko ngayon.. Saan ko hahanapin ang mga bampira na nakatira rito?'
Bago pa ako makalabas ng tuluyan sa pasilyo ng palasyo ay marami pa akong fumei na nakita. Masyadong maraming enerhiya ang mauubos sa akin kapag nilabanan ko pa sila kaya nilagpasan ko nalang sila.
Nagulat ako na sa buomg Fuertuania ay puro Fumei ang nakatira, umikot pa ako sa kung saan saan pero wala talaga akong makita na ibang bampira.
At tsaka ko napansin na hindi pala talaga Fuertuania ang kinalulugaran ko. Kamukhang kamukha lang ng mundo namin ang lugar na ito.
Pero imposible na ito yun. Bakit ako napunta sa kuta ng mga Fumei? at paano ako aalis rito?
BINABASA MO ANG
This Vampire Is My Soulmate? [HIATUS AND UNDER REVISION]
WampiryKahit na magkalayo kayo, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa. Gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang tadhana para kayo'y magsamang dalawa. Started Date (FOR THE REAL STORY): 05/31/2016 End Date: --- This Vampire Is My Soulmate? ©2016