Lazelle's POV
Naaalala ko ang mga nangyari kanina. Ilang oras pa lang ang lumipas pero masasabi kong masyadong maraming nangyari sa araw na ito.
"Mag iingat ka Lazelle."
Kailangan kong mag-ingat. Ngayon palang na kakarating ko rito sa Fuertuania. Napagtripan pa ako ng isang Fumei. Pero, paano nga ba nakapasok ang isang Fumei sa Prechanesus?
"Hindi lahat ng bampirang nakapaligid sa'yo ay totoo ang pakikitungo sa iyo. May nagpapanggap. May nagkukubli ng totoo niyang pagkatao."
Hindi totoo ang pakikitungo? Nino? Pili lamang ang mga kaibigan ko. Pero, wala naman syang sinabing kaibigan ko iyon.
Maaaring isa lamang iyong kakilala o kaya'y hindi ko masyadong kilala.
Tama Lazelle. Iyon lang yon.
"Hanggang dyaan nalang ang maaari kong sabihin. Paalam, Lazelle hanggang sa muli nating pagkikita."
Bakit iyon lang ang maaari niyang sabihin sa akin? At hanggang sa muling pagkikita raw? Edi ibig sabihin, magkikita pa kami sa susunod?
Pinilig ko ang ulo ko at nagsimula ng buksan ang shower sa banyo. Tumapat ako sa dutsa at hinawakan ang aking sentido.
Ayoko ng masyadong namomroblema. Hindi sa akin bagay at hindi astig tingnan kapag stressed ka.
*tenten tenten tenten
Wag kang ano, message tone ko yan. (- -,)
1 message received.From: 0916*******
Zelle. Namimiss na kita. Patawarin mo na ako. Mahal pa rin kita.
'Kingina.'
Kilala ko na yang nagtext kahit hindi yan magpakilala at kabisado ko rin ang number nya kahit binura ko na.
Si Ethan Luke Subordomes iyon. Dati kong karelasyon. Oo, dati lamang.
Hiniwalayan lang naman nya ako. Siya ang nang iwan sa aming dalawa at siya rin ang may kasalanan kung bakit ayaw ko na syang balikan pa. Pero, matagal naman na iyon. Dalawang taon na rin ang nakakalipas at hindi ko na sya mahal.
Tao si Ethan. 13 sya at 129 years old ako ng maging magkarelasyon kami.
Hindi nya alam na bampira ako, muntik nya na ngang malaman yun e.
Bakit? Ito ang nangyari.
-Flashback-
Ang saya saya ko ngayon dahil anniversary namin ni Ethan! \^___^/
Heto ako sa kusina nila Celina sa mundo ng mga tao. Kasama ko si pinsan ngayon, tinutulungan niya akong gumawa ng chocolate cake na ibibigay ko kay Ethan. ^O^
"Ayan na pinsan, tapos isalang na natin sya sa oven." Sabi ko sa kanya.
"Nakakatuwa kayo ni Ethan, Sherina. Halatang mahal na mahal nyo ang isa't isa. Happy anniversary ulit sa inyo!" Masigla nya na namang bati.
"Hehe. Salamat ulit! Pangsampung beses mo ng bati yan ah?" At tumawa kaming dalawa.
-
"Halika na." Anyaya ko kay Celina. Pupuntahan namin si Ethan sa condo nya. Doon siya, nakatira e. Richkid kasi.
Pagkapasok namin sa condominium ay agad kaming sumakay sa elevator.
*ting!
BINABASA MO ANG
This Vampire Is My Soulmate? [HIATUS AND UNDER REVISION]
VampirKahit na magkalayo kayo, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa. Gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang tadhana para kayo'y magsamang dalawa. Started Date (FOR THE REAL STORY): 05/31/2016 End Date: --- This Vampire Is My Soulmate? ©2016