Third Person's POV"Matagal na Cellan. Bakit?" takang tanong ni Celina rito.
"Wag kang magugulat Mommy, isa siyang.. FUMEI."
"Huh? Malabong mangyari yun baby." pagtatanggol ni Celina rito.
"Hindi mommy. Makinig ka. Naririnig niya tayo at nasa pinto siya ngayon." Biglang nanlaki ang mata ni Celina sa sinabi ni Cellan.
Kinumpas ni Cellan ang kanyang kamay at may lumabas na kuryente roon.
"Electricity wave!" sigaw niya pero nag bounce pabalik sa kanya ang powers niya.
"Cellan!" sigaw ni Celina ng makita na tumalsik ang oracle na bata.
"Masyado kayong mahina. Hindi nyo talaga ako kayang labanan." sabi nito.
"Waaaaaaaaaaaah!" pinilit gamitin ni Celina ang pagsigaw dahil ito ang kanyang kapangyarihan pero wala ring itong naging pakinabang.
Napangisi si Kesha at gumawa ng kulay itim na bilog sa kanyang kamay.
"Anong gagawin mo?!" naiiyak na tanong ni Celina dahil hindi siya makapaniwala na magagawa niya ito sa kanila.
"Simple lang. Ipapadala ko kayo upang maging isa sa amin.'
"Hayop ka! Paano mo nagawa sa amin 'to?!"
"Ang dami mong satsat. Mabuti ng manahimik ka na muna." at pinalaki niya ang itim na bilog na magsisilbing portal patungo sa pinagtataguan ng mga Fumei.
Kinontrol niya si Celina at Cellan na kahit anong pigil nila na pasukin ang portal ay wala silang laban.
'Mga mahihinang tanga.' isip ni Kesha at 'di mapigilang tumawa.
-
"Kesha, nakita mo ba sila Celina at Cellan?" tanong ni Dylan sa kanya.
"Ay hindi e. Kanina ko pa nga rin sila 'di masight." sagot naman niya na talagang parang walang alam.
Mapagkakamalan mo pa syang nag aalala dahil sa expression ng kanyang mukha at pananalita.
"Kinakabahan ako. Parang may hindi tama." sabi nito sa kanya at yumuko sya tsaka ngumisi.
'Ang bobo talaga nila.'
"Sige, I'll help you find them. Pagkatapos nitong kinakain ko. Nag aalala na rin ako sa kanila." sabi ni Kesha taas ng chicken drumstick na hawak niya.
-
"Dylan.." mahinang pagtawag ni Lazelle kay Dylan na umiiyak ngayon.
"Abril na ngayon Lazelle. Dumaan na ang Valentines, ang birthday ni Gerome. Pero hanggang ngayon ay 'di pa rin sila nahahanap." Mukha ng wala sa sarili si Dylan. Gulo gulo ang buhok, malaki na ang eyebags at mugtong mugto na ang mga mata.
Hindi maiwasan na maluha si Lazelle. Simula ng mawala ang kanyang pinsan at ang tinuturing nilang anak ay hindi huminto si Dylan sa paghahanap sa kanila. Mahal din niya ang kanyang pinsan at hindi niya maiwasan mag alala at kung kamusta kaya ang lagay nito.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Dylan sa palasyo. Pumasok dito si Queen Anathalia.
"Anak.." lumuluhang sabi ng kanyang ina.
"May balita na ba kayo sa kanila, ma?!" biglang tayo at tanong nito.
"Oo. Kaso, masama ito. Anak.. wag kang mabibigla. Ang pumatay sa limampung katao kagabi sa mundo ng mga tao ay si Celina at Cellan."
BINABASA MO ANG
This Vampire Is My Soulmate? [HIATUS AND UNDER REVISION]
VampirKahit na magkalayo kayo, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa. Gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang tadhana para kayo'y magsamang dalawa. Started Date (FOR THE REAL STORY): 05/31/2016 End Date: --- This Vampire Is My Soulmate? ©2016