Gerome's POVNakasuot ako ngayon ng protection barrier. Para kung sakaling sumugod bigla sa akin ang isa sa kanila ay sila rin ang magmumukhang tanga na humahampas sa barrier ko.
At hindi na nga ako nagkamali, bigla akong sinugod ni orange hair pero siya lang din ang nasaktan sa ginawa niya.
Binalot ko siya ng poisonous barrier at hindi sya makawala doon ngayon.
"Nasaan ang kuta niyong mga panget kayo?!" asar na sabi ko sa kanya.
"Wala akong sasabihin na kahit na ano!" sigaw na sabi niya.
"Pero nagsalita ka noh? Tungak!" at tinaasan ko ang poison na nasa barrier dahilan para bawian na siya ng buhay.
"Prinsipe. T-tulungan niyo ako." nagulat ako ng kausapin ako ni Fortune sa isip ko.
"Nasaan ka?"
"Nasa c-cafeteria po." sagot niya at dali dali akong pumunta sa sinabi niya.
-
"Anong kalokohan yon?!" inis na sigaw ko.
Eh paano ba naman! Nakita ko lang sila ni MDSS na kumakain ng ramen at mami dito. Akala ko naman kung anong nangyari sa kanya! >___<
"Gusto ko sana humingi ng tulong kung anong oorderin ko. Eh nagsuggest si Ma'am na pareho nalang bilhin ko. Tara prinsipe! Kain nalang tayo." aya niya at naamoy ko ang iba't ibang pagkain na nanggaling dito.
Dumiretso ako sa counter para tingnan na rin ang mga menu nila at puro masasarap ang nandon!
After 5 minutes ay nakapag decide na rin ako ng kakainin ko. Lengua at kanin tsaka coke. Excited na akong kumain! Mehehehe.
Umupo na ako sa pwesto namin at nakita ko ang kinakain ni MDSS.
"Uy! Fish crackers. Penge naman." at binigyan nya ako.
"Ang saraaaaaaaap! Penge pa nga." kumuha ulit ako.
"Isa pa nga. Last na talaga." sabi ko.
"Kingina. Isa palang nakakain ko. O ayan! Sa'yo na lahat. Tsk." hinagis niya sa akin yung lalagyan ng crackers.
"Grabe naman yung lalaki sa girlfriend niya!"
"Oo nga e. Dapat siya itong manlibre at maging sweet sa babae."
Kung ano ano pang bulungan ang narinig ko at nakonsensya naman ako.
"Aiiiish!" yan nalang ang nasabi ko at napakamot ako sa ulo ko.
-
"Oh, eto na!" abot ko sa kanya ng vegetable at shrimp crackers.
"Wala na kasing fish flavor kaya ayan nalang." sabi ko sa kanya at 'di kona muli siyang tiningnan pa.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng lengua. Ang sarap talaga! °Q°
Lalo na yung dila ng baboy, mushroom at butter. It means, lahat ay masarap!Matapos naming kumain ay umuwi na kami. Dumiretso ako sa kwarto ko. Namimiss ko na si Ferreah.
Alam mo ba ang pakiramdam na miss mo na siya? Yung gusto mo syang yakapin ng walang katapusan para lang maihayag mo sa kanya yung pagmamahal mo sa kanya.
Pero syempre baka 'di mo yun alam. Iniwan at kinalimutan ka na niya diba? Joke (^3^)v
"Ferreah babe?" tinawagan ko sya ngayon. Voice call nalang, sabi niya kasi kanina ay kung tatawag daw ako uli ay 'wag ng mag video pa.
BINABASA MO ANG
This Vampire Is My Soulmate? [HIATUS AND UNDER REVISION]
VampirKahit na magkalayo kayo, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa. Gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang tadhana para kayo'y magsamang dalawa. Started Date (FOR THE REAL STORY): 05/31/2016 End Date: --- This Vampire Is My Soulmate? ©2016