B.N.: PLEASE ANSWER THIS.
-May nagbabasa pa ba nito?
~×~
Celina's POV
Pagkababa namin ng taxi ay agad naming nakita ang kaharian ng mga Millefores. Namangha kaming tatlo dahil malaki pala talaga ito! Halatang mas namangha si Sherina dahil mahilig ito sa kulay blue.
Kulay Light Blue ang kulay ng palasyo. May gate na nakaharang pero nakikita namin ang itaas na bahagi nito.
"Ang taray ng palasyo ng lolo niyo ah!" Sabi ni Kesha at natawa naman ako.
"Tara na." Yaya ni Sherina na halatang excited na makita kung kulay Light Blue lahat ng parte ng palasyo.
"Pangalan?" Tanong ng gwardiya na nagbabantay sa loob.
Nakasilip ang kanyang mukha sa isang maliit na bintana kaya nakikita namin sya.
"Sherina Lazelle Zafra. Celina Aliandrea Valeriano. Kesha Nathalia Edraga." Si Sherina na ang sumagot.
"Paki-scan po yung thumb nyo dun." Tinuro niya sa baba ng bintana niya ang parang maliit na scanner.
'Ang sosyal. May ek ek pa na ganito.'
Matapos namin i-scan yung mga thumb namin ay ipinapasok na kami sa loob.
At.. hindi namin maiwasan mamangha sa aming nakita! Pagkatapak namin sa loob ay nakalatag pala ang Red Carpet may kabila't kanang flash pa ng camera. Feeling taga-showbiz tuloy kami! Smile dito, smile don ganern.
Gaya nga ng tingin namin sa labas palang ay malaki talaga ang palasyo nila. Nasa labas kami at garden ito, maraming iba't ibang halaman at may mga lumilipad pa na alitaptap sa paligid.
"Ang astig naman." Sabi ni Lazelle at tiningnan ko kung ano yung sinasabi niya.
Dahil mahilig talaga ang pinsan ko sa blue, ayun manghang-mangha siya ng makita niya ng malapitan yung kaharian nila Prince Clein.
"Hey. Thanks for coming." Sumalubong sa amin si Clein ng nakangiti pero nakatingin sya kay pinsan.
'My gulay. I smell something fishy talaga e.'
"Salamat nga pala ulit sa mga binigay mo sa amin." Nakangiting sabi ni Sherina at ng tingnan ko si Clein ay halatang nagandahan sya sa pinsan ko! O diba? Ang bongga. Alam niyo, nasa lahi talaga namin ang pagiging maganda. Wahahaha.
"Wala iyon. Btw, ang ganda mo ngayon Rina." Sabi niya pa.
"Salamat." Simpleng sabi naman ni pinsan habang naka poker face. Hindi man lang kiligin!
"Ay siya lang napansin mo? Paano naman kami?" Pabirong sabi ni Kesha at natawa kami.
"Syempre, maganda rin kayong dalawa." Nakangiting sabi nito.
"Mukha ka namang napilitan." Natatawang sabi ni Kesha kaya natawa rin kami. Adik talaga 'to. Hahahaha.
-
Nagsimula na yung party at okay naman sya. Yung tipikal na party ng mayayaman, kainan, kwentuhan at may mga bandang kumakanta.
"Hello Celina!" Nakita ko ang papalapit na si Ferreah habang nakangiti ito kaya nginitian ko sya.
"You're beautiful, Princess Ferreah." Papuri ko sa kanya. Totoo naman talagang maganda si Ferreah at mukha siyang mabait.
Nakasuot siya ng pink gown ngayon na bagay sa kanyang maputi at makinis na kutis. Simple lang ang pagkakamake-up ng mukha niya pero litaw ang kagandahan ng kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
This Vampire Is My Soulmate? [HIATUS AND UNDER REVISION]
VampirKahit na magkalayo kayo, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa. Gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang tadhana para kayo'y magsamang dalawa. Started Date (FOR THE REAL STORY): 05/31/2016 End Date: --- This Vampire Is My Soulmate? ©2016