Chapter 22
Third Person's POV
"Tuturuan na mapalabas at magamit mo ang mga nakatago mo pang KAPANGYARIHAN."
'Ano daw? Bukod sa invisibility. May powers pa ako na iba?'
"Paanong nangyari yun?" tanong ni Lazelle at nagkatinginan silang lahat. Tila sa tinginan nilang iyon ay nakapag usap usap sila at nagkakaunawaan sa isang bagay. Bagay na hindi niya pa alam.
"Malalaman mo rin sa susunod." sagot ni Ka-Hara.
"Rio, baka hanapin ako nila Gerome sa amin." biglang sabi ni Lazelle ng maalala nya ang monggoloid na prinsipe.
"I smell something fishy." sabi naman ni Tsuchi Eriniella.
"Huh? Ang ganda nga ng amoy ng hangin e." mukhang hindi nagets ni Kazeria ang panunukso ng kapwa Dyosa.
"Tsaka ang mga alaga kong isda ay hindi malansa! Amoy vanilla sila." sabi naman ni Kayc Sui.
'Para silang bata.' isip ni Lazelle at aware siya sa kung anong kahulugan ng sinabi ni Kazeria.
"Ang ingay niyo. Hindi man lang kayo mahiya sa mga nandirito." matabang na sabi ni Ka-Hara at pinalibutan nghan nna of Fire ang tatlong Dyosa. Dahilan para matigil sila.
"Waaah! Abnormal ka talaga Ka-Hara." naiinis na sabi ni Tsuchi Eriniella.
"Oo na nga. Tumigil ka nga Kazeria." asar na sabi naman ni Kayc Sui.
"Wag kang mag alala Lazelle. Pinaalam ka ni Kayc Sui kay Queen Gerrah kaya walang maghahanap sa'yo sa inyo." paliwanang ni Rio.
"Bukas na bukas rin ay simula na ng pag eensayo mo. Sa ngayon, mag enjoy ka muna at sasamahan ka nilang apat." turo ni Fern (ang lalaking kasama ni Rio) sa apat na dyosa.
Pagkaalis ng dalawa ay ginamitan ng pinagsama samang kapangyarihan ng apat ang damit na suot niya. Isa itong summer dress na may iba't ibang kulay. Ang pula, asul, tsokolate at berde. Simple mang tingnan ay makapangyarihan ito.
"Tara! At magswimming nalang tayo." aya ni Tsuchi Eriniella at pumayag naman silang lahat.
"Dolphins!" tawag ni Kayc Sui sa mga alaga niya at lumabas ang higit sa sampung mga dolphins na may mga ngiti sa kanilang labi.
"Ang pinsan ko.. Mga dyosa. Hindi ko kayang maging masaya ng may mangyaring masama sa kanya." nababahalang sabi ni Lazelle. Dahilan para matahimik sila.
Nakaunawa rin ang mga dolphins sa sinabi niya dahilan para mag create sila ng sound ng malungkot.
"Wag kang mag alala Lazelle. Kaya ka namin pinapunta rito ay nabasa na namin ang lahat ng mangyayari sa hinaharap. At ang pinsan mo, maliligtas siya. Pati ang batang oracle na kasama niya."
-
"Mahal na reyna. Nakatanggap ako ng balita mula sa mga ibang bampira sa ibang bansa. Nakauwi na raw po ang Lady Raviola." sabi ng isa sa mga tauhan ng palasyo.
"Mabuti na rin iyon. At magkakaroon tayo ng dagdag na proteksyon laban sa mga Fumei." ani ni Queen Gerrah. Inutusan niya na rin ang tauhan na lumabas sa kwartong kinaroroonan nila.
"Ngayon, medyo mapapanatag na ang aking kalooban. Nandito na ang pinakamakapangyarihan sa ating lahat na good vampires." kausap sa kanya ng kanyang asawa na si Queen Sherbio.
"Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, mahal. Parang may hindi tamang nangyayari." paliwanag ni Queen Gerrah.
"Ganoon naman talaga sa ating buhay. May hindi tama na magdadaan pero masasa ayos rin sa huli."
BINABASA MO ANG
This Vampire Is My Soulmate? [HIATUS AND UNDER REVISION]
VampirKahit na magkalayo kayo, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa. Gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang tadhana para kayo'y magsamang dalawa. Started Date (FOR THE REAL STORY): 05/31/2016 End Date: --- This Vampire Is My Soulmate? ©2016