Chapter 7

181 15 14
                                    


Dylan's POV

Nandito pa rin kami sa dorm nila Lazelle. Napatingin ako kay Celina, nakatawa sya ngayon habang kwento ng kwento si Kesha.

"Naaalala ko nga noon eh, pagkapasok ni Lazelle sa room ay binati sya lahat ng mga kaklase namin ng 'Happy Birthday!' Tapos ang sabi niya nun ay 'Birthday ko pala?' WAHAHAHA." at nagtawanan na naman kami.

Hindi maalis ang paningin ko kay Celina at nagulat nalang ako ng bigla syang tumingin sa akin at ngumiti.

Napaiwas ako ng tingin.

'Gegu ka talaga Dylan! Ambakla ng ginagawa mo, pasulyap sulyap ka lang.' Kinakausap ko ang sarili ko.

Noon, iba ang naramdaman ko ng makita ko sya. Parang ang gaan ng pakiramdam ko at natatandaan nyo ba ang nangyaring pag alis ko kahapon? Yung kakain dapat kaming tatlo nila Gerome at Lazelle sa cafeteria?

Pinatawag ako ni mama nun. Si Inang Reyna Anathalia. Kinausap nya ako at ito ang napag usapan namin.

-Flashback-

"Pinapatawag nyo daw po ako, Ma?" Bungad ko pagkapasok ko sa Nordell's Palace.

"Oo, anak. May nalaman ako tungkol sa'yo. Hihi." Bumungisngis siya at kinilabutan ako.

'Eto yung tawa ni mama na para siyang nasisiraan ng ulo.' Iiling iling na sabi ko sa isip ko.

Nga pala, hindi nababasa ni mama o ng kung sino man ang laman ng isipan ko dahil hinarangan ko ang kung sino mang babasa ng iniisip ko.

Bilang isang bampira at royalty. Abilidad ko ang pigilan kung sino man ang magtatangkang basahin ang laman ng utak ko.

Hindi ko pa alam ang ibang abilidad ko kasi hindi ko pa ito nadidiscover.

Sabi nila kapag tapos ka na mag aral sa tatlong uri ng kailangang tapusin sa pag-aaral (Ang elementary, high school at college) ay makukuha mo na ang lahat ng iyong kakayahan at abilidad.

Kaya sa ngayon, isa pa lang ang nalalaman kong kakayahanan ko dahil elementarya palang ang natatapos ko.

"Ano ang nalaman nyo, ma?" tanong ko sa kanya at humalakhak na naman sya.

'Nakakapangilabot.' =___=

"Nalaman ko na kung sino ang soulmate mo!" Tuwang tuwang sabi nya at nanlaki ang mata ko.

'Isang daang taon na naming hinahanap kung sinong nilalang ang nararapat sa akin at makakasama ko panghabang buhay, mabuti naman na nahanap na sya.'

"Okay. Alam kong excited ka. Halika puntahan na natin si Kireo."

-

"Humawak ka sa aking kamay." Utos ni Kireo. Ang bampirang may kakayahan na makakita kung sino ang nakalaan na nilalang para sa'yo.

Kasing edad ko lang sya at isa sya sa mga kawal dito sa Nordell's Palace, pinaaral sya ni Queen Gerrah dahil may potensyal din sya sa pakikipaglaban.

'Kawal nga e.'

Sinunod ko ang utos ni Kireo at inutusang nya akong pumikit, agad ko iyong ginawa.

This Vampire Is My Soulmate?  [HIATUS AND UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon