Chapter 4

209 16 6
                                    

Lazelle's POV

Nandito ako sa isang lugar na kung saan napapalibutan ng mga iba't ibang kulay ng mga bulaklak at paru-paro.

Maririnig mo rin ang mga huni ng mga ibong lumilipad na tila ka'y saya at malaya na kung saan saan nakakarating.

May mga puno ring matatayog ang nakatayo sa lugar na ito. Berdeng berde ang mga dahon nito at ang iba'y napapalibutan ng bulaklak o may bungang mga prutas.

Tumingin ako sa harapan ko. May isang talon akong nakita. Lumapit ako roon at tiningnan ang tubig nito.

Wala itong kasing linaw sa mga napuntahan kong Anyong Tubig sa mundo ng mga mortal. Tila ba hindi pa ito napapaliguan ng kahit sino.

"Lazelle." Napahakbang ako palayo ng may nakita akong isang pigura na nasa tubig.

"Huwag kang matakot." Sabi niya.

'Sino bang nagsabing natakot ako? Hindi ba pwedeng nagulat lang ako?'

"Mag iingat ka Lazelle." Ani niya. Base sa pagmamasid ko sa kanyang itsura, maganda ito.

Nagliliwanag ang kanyang paligid kahit nasa tubig siya. Nakasuot siya ng isang kwintas na talagang kapansin-pansin dahil umiilaw ito. Kulay asul at talagang ka-akit akit tingnan. Nakasuot rin siya ng mga flowers sa ulo.

Isa ba siyang diwata? Pambihira ang ganda niya at makikita ko pa sya sa lugar na ganito, lugar na tila para bang paraiso.

"Hindi lahat ng bampirang nakapaligid sa'yo ay totoo ang pakikitungo sa iyo. May nagpapanggap. May nagkukubli ng totoo niyang pagkatao."

"A-ano? Paanong may nagpapanggap? Sino sya? Sabihin mo!" Medyo naiinis na sabi ko.

"Hanggang dyaan nalang ang maaari kong sabihin. Paalam, Lazelle hanggang sa muli nating pagkikita."

-

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nakita ko sina Kesha, Dylan, Queen Gerrah pati yung anak niyang tinawag akong 'tanga', isang babaeng nakasuot ng pang Doctor at si... Celina?!!

"Ano insan? Okay ka na ba?" Halata sa mukha niya na nag-aalala siya. Tumango ako bilang sagot tsaka ako umupo.

Teka, nasaan ba ako? "Nandito ka sa clinic Iha. Cinast ka ng isang Fumei sa isang sleeping spell. Maayos na ba ang lagay mo?" Queen Gerrah asked.

Ano? Cinast ako ng isang Fumei sa isang sleeping spell? Bakit niya naman ginawa yun? Trip nya lang atang patulugin ako. -___- Wala naman silang mapapala sa akin.

Pero, seryoso. Anong trip ng mga Fumei na iyon? Kingina. Ako pa ang napagdiskitahan.

'Humanda kayo. Kapag ako ay naging malakas na bampira, papatulugin ko kayong lahat. Yung tulog na hindi na kayo magigising.'

"Hoy babae! Tinatanong ng mahal na Reyna kung ayos ka na raw ba!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Kesha.

"Tsk. Kaya naa-under ng spell dahil tanga na bingi pa. Psh." Sabi na naman nung anak ni Queen Gerrah.

'Hanep. Pwede bang malalim lang ang iniisip ko kaya hindi agad ako nakasagot? Tss.'

"Gerome. Hindi ka nakakatulong kaya manahimik ka." Halatang galit na ang Mahal na Reyna sa kanyang anak.

Gerome ang pangalan ng lalaking 'to? Hindi bagay sa kanya. Dapat Tobas.

Dahil iba ang 'Tobas' ng dila niya. -__- Tumawa nalang kayo.

This Vampire Is My Soulmate?  [HIATUS AND UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon