"Ano na naman toh Dara! Bagsak na naman?! Tapos kung di ka pinapalabas ng classroom, you go cutting classes! Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo ha?!"
Galit na naman si daddy as usual. Galit na naman siya kase hindi ko na naman nagawa ang gusto niya.
"I'm warning you. Pag hindi ka umayos, i'll send you to where your mom is."
Yes, broken family kami. Mom left daddy for the reason na, pinabayaan kami neto when i was in her womb. Dad was a playboy that's why i don't know up to now if i'm the only child or i have so many brothers or sisters somewhere else.
"Dad.. I'll just go to mom's house. Just send me there."
Pang ilang beses ko na kasing nadinig ang mga pananakot niya na hindi naman natutuloy. In short, hanggang takot lang. Pero patawad, nawala na sa vocabulary ko ang salitang takot.
Dad is a businessman. Mom is a fashion designer. Sutil akong studyante, basagulera, i am the cause of every problem na mangyayari sa school. Sometimes naiisip ko din na hanggang dito na lang ako. I can't be like them.
"I won't send you there, Sa probinsiya ang punta mo, no questions asked."
Pinalabas na niya ko ng office niya. And as usual everybody's looking at me. Paglabas ko ng company sumakay ako ng kotse papunta sa bahay and guess what..
Nakaimpake na lahat ng gamit ko.
"Manong Kev!! Ano toh?! i'm not going anywhere!!"
"Princess, sabe po ng dad niyo eh."
I didn't think na totohanin niya talaga. Hindi na ko nakapalag kase sinakay na ang mga maleta sa likod ng kotse.
Hindi na ko nakababa dahil umandar na bigla ang sasakyan.
"Manong Kev, san tayo pupunta?"
"Kung san po lumaki daddy niyo. Masarap po hangin dun. Masarap din po ang mga pagkain kase sariwa. Wag po kayong mag alala, ako po bahala sainyo."
"Ehh san ako mag aaral? Tsaka may internet ba don? Malakas ba signal dun?"
Nakita kong umiling iling si Manong Kev.
"May paaaralan naman po dun. Hindi nga lang po katulad ng school niyo sa Manila. Kailangan niyo pong pumunta sa bayan bago po kayo mag ka internet."
Napa face palm ako sa sinabe niya. I don't know kung pano ko makakasurvive without internet. Paniguradong mabobore ako dun or palagi akong nasa bayan.
"How long am i going to be there po?"
"sabe po ng daddy niyo. 3 months daw po."
Wow! Just... WOW!
3 Months to pay for everything i did. Time passes by so fast... So fast that you won't even notice it.. I can do this. I am Sandara Park and Sandara Park does not give up.
BINABASA MO ANG
.Ride Or Die.
Teen FictionSandara Park, a lady who gets what she wants, a girl who can ruin everything she wants to ruin will meet her number one rival Kwon Jiyong, a man that cares about everybody, the perfect definition of kindess, and the person who is not Sandara Park. B...