"No Limit gon' touch the sky"
Dara's POV.
Oh yeash.. Dinala ko ni jiyong sa cafeteria ng school na toh.. well hindi siya as in cafeteria talaga, to explain it shortly.. para siyang carinderia.
"O? Anong kakainin mo? Libre ko na."
Sabe ni Jiyong na naglabas ng wallet..
"Ako na magbabayad ng kakainin ko!"
"Ako na!"
"Ako na nga sabe!"
"Dara, Ako na."
"Bat ba ang kulit mo?! Akala mo ba di ko afford yan?"
"Bat ang kulit mo din? Di mo ba alam yung word na LIBRE?!"
"Ahh ganon?!"
"Ako na nga kase!"
"Tigilan mo ko Kwon Jiyong! Ako magbabayad."
Nagulat kami ng may biglang naglagay ng isang libo sa parang lamesa kung san kailangan mong magbayad.
Pagtingin namin kung sino.. Si Bae lang pala.
"Nagugutom nako. Kunin niyo kung anong gusto niyo. Daming nakapila tas nag aaway pa kayo diyan."
Napatingin kami ni Jiyong sa likod ni Bae.. tama nga siya, madami ngang nakapila.
"Isa nga pong biscuit tas coke. Ikaw dara ano sayo?"
tanong ni Bae. Tiningnan ko muna si Jiyong and made a face.
"Gusto ko ng brownies tsaka apple juice."
"Sayo Jiyong?"
"Sandwich tsaka tubig."
Sinabe ni Bae lahat ng sinabe namin kay manang at umupo na kami sa lamesa.
"Bobo mo talaga Jiyong. Si bae pa tuloy nagbayad."
"Ehh kase Ms.Matalino! Ang kulit mo. Kung hinayaan mo na sana ko edi sana di na naabala si Bae."
"Lolo mo."
"Oh tumigil na kayo!"
Dumating si bae na hawak hawak yung mga pagkain namin at umupo siya sa tabi ni Jiyong.
"Kamusta ka Dara?"
Sabay bigay sakin nung brownies at apple juice ko.
"Balita ko binubully ka daw ng number one fan ni Jiyong."
"Oo nga! Grabe! Ang bully talaga ni kaycee!"
Nagulat ako ng may biglang umakbay sakin at tumabi sakin. Si Vic lang pala.
"Hindi naman kagandahan noh?"
At may umakbay na naman uli sakin.. as expected.. tumabi siya sakin.. Dae.
Ang gaan gaan ng braso nila grabe.. hindi tuloy ako makakain.
"Alisin niyo nga kamay niyo. Hindi nakakakain yung babae oh."
Inalis nila kase si Jiyong yung nagsalita. Kinamot ni Vic yung ulo niya at si Dae naman kinamot yung muka niya.
"Lumayo kayo ng onti. Wag niyong siksikin. Di ba kayo naiinitan?!"
Lumayo sila ng mga 2 inches. Hahaha sunod sunuran kay Jiyong. Ang cute nila..
"Grabe ka naman Boss! Nakikipagclose lang naman kami!" -Dae
"Pangmamanyak yang ginagawa niyo." -Jiyong
"Okay stop.. pwede naman siguro tayong kumain in peace diba?"
BINABASA MO ANG
.Ride Or Die.
Teen FictionSandara Park, a lady who gets what she wants, a girl who can ruin everything she wants to ruin will meet her number one rival Kwon Jiyong, a man that cares about everybody, the perfect definition of kindess, and the person who is not Sandara Park. B...