"It's too late to stop pretending. Too late for a new beginning. Later than a never to love you again."
Dara's POV
Finally, nakarating na kami ni Jiyong sa AMING mansyon.. di ko pa natatanong sakanya kung bakit siya nakatira sa mansyon NAMIN. Baka close sila ni daddy or.... or ako yung mali, or biglang may magsasabi sakin na bahay talaga toh ni Jiyong at hindi talaga ito amin. lol. ayoko. baka makasapak ako.
"Hoy! bitawan mo na kamay ko, nandito na tayo!"
Pero eto na naman tayo kase di na naman siya nakikinig. Binuksan niya yung gate, tapos pumasok na kami. Hanggang sa pagpasok sa mismong pinto ng bahay hawak niya kamay ko.
"Kuyaaa!!"
Nagulat ako kase biglang sumigaw yung bata, ang tining pa naman ng boses niya. sakit sa tenga..
Napatingin siya sa kamay ko, na of course, nakahawak kay Jiyong..
"OMG! BITAWAN MO NGA KAMAY NG KUYA KO! MALINIS ANG KUYA KO TAPOS DUDUMIHAN MO LANG!"
aba.
iba na talaga generation ng mga bata ngayon noh? naalog ba tiyan ng nanay neto bago siya ipanganak.
Tapos eto namang KUYA ngiting ngiti... sarap bungiin.
"Sister ko nga pala si Carmina.."
Pagkasabe niya nun binitawan na niya yung kamay ko. Tapos lumapit sakanya yung sister niya na ang sama sama ng tingin sakin tapos binuhat siya ni Jiyong..
Cutie patootie si Carmina, nakikita ko na na pagkakaguluhan siya ng mga boys in the future. Kaso sana ayusin niya ugali niya. Nasan ba kase magulang neto..
"I hate her kuya! I want her out."
"Mina! You are not allowed to say that to this creature cause she is kuya's friend"
AKO CREATURE?!
"But kuya! I don't like her."
"Mina please, go to the dining room na susunod na si kuya!"
BInaba niya yung kapatid niya tapos yung bata naman tumakbo papunta sa dining table dala dala yung teddy bear niya.
Tumingin sakin si Jiyong..
"pasensya ka na sa kapatid ko ah, di kase siya sanay na nagdadala ko ng babae dito."
Tiningnan ko siya sa mata. As in sa mata talaga tapos inirapan ko siya. Nilagay ko yung bag ko sa sofa na nasa gilid ko tsaka ko naglakad kung san lumiko yung bata.
Pagdating ko ng Dining room nagulantang ako..
"Hello anak, kamusta stay mo dito?!"
H-E-L-L N-O AS IN NO! ANONG GINAGAWA NG TATAY KO DITO?! TEKA NGA, WHAT KIND OF SORCERY IS THIS?!
"What are you doing here? Don't you have work in manila?!"
"Masama bang bisitahin ang anak ko?"
Is this really my dad or... hindi ito daddy ko, di siya ganyan magsalita kahit na sa kanino pang harap ng kung sino mang tao madami man o onti.
"well, may trabaho ako dito kaya ako nandito. eh nandiyan na pala siya eh, Good afternoon Jiyong."
Napatingin ako sa likod ko..
Perfection is standing in front of me..
wearing blue long sleeves, black slacks, and a necktie.. with polished black shoes.. and a perfect hair style.. matutunaw ang mga uod pag nagkita sila.. i hear the angels singing~~~
Is this really Kwon Jiyong?! At ang sinasabe niyang aasikasuhin niya is.. work with my... DAD?!
"Good afternoon Mr. Park, sorry to keep you waiting."
Tapos nag bow pa siya.
Is this really the man who was holding my hand.. just a while ago?
Eto ba talaga yung umamo sa kapatid niya kanina?!
He looks so.... Mature.... and... elegant.... and.... Ahh basta!
"Ano Dara, are you gonna stand there forever?!"
Sabe sakin ni Jiyong na nakaupo na sa tabi ni daddy.
Ngayon lang nag sink in sakin ang mga nangyayari..
Si Jiyong tsaka si Daddy...
Umupo na ko sa tabi ni daddy so bali kaharap ko si Jiyong.. Si daddy yung nakaupo sa upuan ng padre de pamilya.. and Carmina is beside Jiyong..
"So how is it going Mr.Park?"
"Everything's well. Ikaw? kamusta ka? Yung business niyo how is it?"
Naguusap lang sila habang ako kinakain ko ng tahimik ang mga bagay na nakalagay sa plato ko. As in, wala akong tinitingnan sakanilang dalawa. Hindi ko nga alam kung dapat ba talagang kasama ko dito o dapat eh umayaw na lang ako sa sinabe ni manong. I'm blaming Manong.
Wala pa sigurong 10 minutes ubos na pagkain ko kase super duper kinakabahan ako at pagkain ko lang tinitingnan ko.
"I'm Done."
Tapos tiningnan ko sila. I wasn't surprised nung nakatingin sila sakin but i was surprised kase di pa nila nababawasan kinakain nila and i am here already done with everything.
"Nagugutom ka pa ba! Gusto mo pa?"
Sabe sakin ni Carmina. Tiningnan ko siya tsaka ko nagsmile.
"I'm full."
Tapos tumayo nako. Ugh, i feel like puking anytime. Hindi ko kase masyadong nanguya yung kinain ko sa sobrang kaba.
"Uhm, yun, babalik na ko sa school. See you around dad, Jiyong, and You carmina, nice meeting you."
Todo smile ang ginawa ko tsaka ko naglakad pabalik sa living room of course para kunin yung bag ko.
Pagkakuha ko ng bag ko, lumabas na ko. But instead of going to school, pumasok ako sa bahay ko. Sinarado ko yung pintuan, umupo at sumandal ako.
Binuksan ko yung bag ko at nilabas yung ipod ko. I played the voice record of a stranger.. I don't know how it ended up in my ipod, hindi ko talaga alam kung san ko napulot toh or i inserted it here by mistake. Hindi ko naalala kung san ko siya nakuha basta pag shuffle ko, eto kaagad ang narinig ko.
"Ya! Dara! Hello.. This is your Guardian Angel! Are you smiling? Hahahaha You are beautiful when you do that! I hope to see you someday.. Sana by that time, may maipapakita na ko sayo, at sana, maalala mo pa ko. I love you! Always keep that smile!"
I always listen to this whenever i feel bad, down or ganto, kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. And now i'm calm.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin netong record na toh, kung kanino bang boses galing ito but... sana ipakilala na siya sakin ni God.
Nagring yung cellphone ko.
"Hello?"
"Dara, Si Jiyong toh."
Errr, pano niya nalaman number ko? Ayan na naman tuloy, creature pala ko ah.
"Anong kailangan mo?"
"Magbihis ka. I'll bring you with me."
"Utut mo blue! Ayoko. Papasok ako."
"Sabe ng daddy mo samahan mo daw ako."
"Eh anong paki ko kung sabe ni daddy? Pag ayaw ko, ayaw ko. Tsaka duuuuh~ Kalalaki mong tao magpapasama ka pa."
"Kailangan ka nga dun."
"Your lame excuses and your unknown purposes doesn't make me curious at all. Hindi ako sasama and that's final! Bleh!"
Binabaan ko siya ng telepono. Pero wala pang 3 minutes tumawag na uli siya. Bahala siya diyan sa buhay niya.
Nilatag ko yung banig. Inoff ko yung cellphone ko, nilock ko yung pintuan, and wala nang bihis bihis, natulog ako. As if namang papasok ako ng panghapon. Sayang sa energy.
BINABASA MO ANG
.Ride Or Die.
Teen FictionSandara Park, a lady who gets what she wants, a girl who can ruin everything she wants to ruin will meet her number one rival Kwon Jiyong, a man that cares about everybody, the perfect definition of kindess, and the person who is not Sandara Park. B...