6

170 9 0
                                    

Dara's POV

Nababadtrip talaga ko. Leshugas barabas hestas. Bat ang kakapal na ng muka ng mga mukang paa ngayon??

Tahimik naman akong pumasok at umalis sa classroom na yun. Walanjo, pag ako naging scientist, gagawa ko ng gamot para sa insecurity.

Ganto kase yung nangyari, eh diba nga nag cutting kami? Pagpasok ko sa classroom, tinulak ako nung mukang paang yun kung sino man yun.

<Flashback>

"Malandi ka!"

Nasaktan ako... specially my hands.. pag eto na sprain or nabali, babaliin ko paa neto.

Tumayo ako tsaka ko pinagpagan yung palda ko then off I went to sit on my chair. I don't want to stoop down on her level. I don't even know her.

"Hoy kinakausap pa kita! Di ka lang pala malandi! Mayabang ka din pala!"

OMG.. naalala ko na! siya yung Random girl kanina! Yung sinisigawan yung babae kanina, ano nga bang pangalan nun?

"Ambago bago mo pa lang ang landi landi mo na!"

"Feeling close ka pa sakanila! Kadiri ka!"

Yes may kasama siyang minions niya. Hindi ko alam kung bully talaga siya o nagfefeeling maganda.

Naglabas ako ng libro. Binuksan ko yun.

Nakatingin lahat ng studyante samen. Walang balak umawat. Nako.

"So porket pangit ka, kasalanan ko na na mas maganda ko sayo? Dahil mabaho hininga mo, kaya siguro di sila lumalapit sayo, kasalanan ko na yun? Hindi porket maganda ko at muka kang talaka, malandi na ko. Minsan nagbabago, minsan kahit wala namang maipagmamayabang na kagandahan.. Malandi na. Ano po?"

Nasabi ko yan sa sobrang kainisan ko.

<End Of Flashback>

"Dara! Sabay tayong maglunch mamaya!"

Rinig kong sabi ni Jiyong. Etong lalakeng toh may kasalanan eh. Nako, pero kasalanan ko din naman kase di ako nagtatanong.

"Problema niyo?"

Tanong niya. Lakas pa magtanong kung anong problema. Manhid ata siya eh.

Edi sinagot ko siya. Kase alam kong wala namang sasagot sakanila.

"Pakisabihan nga tong fan mo, na wag siyang intrimitida. Masyadong feeling, muka namang paa"

Binangga ko si Jiyong tsaka ko lumabas. Nakakabadtrip talaga.

Habang naglalakad ako papunta sa library nakita ko yung babaeng kumausap sakin kanina na di ko nakausap dahil dun sa babaeng panget na yun.

Ngumiti siya sakin. Kaya nginitian ko din siya. Di naman talaga ko masama sa ibang tao. Ewan ko ba kung bat takot na takot sila sakin sa school dati. Kaya ko lang naman nagawa yung mga ginawa ko kase badtrip ako, or masama loob ko, or hyper ako.

"Okay ka lang?"

Sabe niya... Nakalimutan ko din pangalan niya -_____-

"Wala sakin yun. Eh ikaw? di ka ba niya inaway kanina?"

"Tumigil naman siya nung umalis ka na. Pagpasensyahan mo na, nakulangan ng turnilyo sa utak yun eh. Kaya may pag ka abnormal."

Napa smile ako sa sinabe niya. Tama naman siya kaso di naman ata abnormal yun.. Baliw.

"Gusto mong sumama sakin sa library?"

Tanong ko sakanya.. Siyempre di pa din nawawala yung smile sa face ko.

.Ride Or Die.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon