12

151 7 1
                                    

DARA'S POV.

Naglalaro ako ng temple run habang nag aantay na may pumasok sa pintuan ko. Sabe kasi ni Manong na bibilhan niya daw ako ng banana cue so... yun yung inaantay ko.

Kaso 30 minutes na nakalipas wala pa din. Odiba?! Baka siya pa mismo nagluto nun. Mahal talaga ko ni Manong.

*Ringing*

Pagtingin ko.. Si Andy pala yung tumatawag. Ang aking future secretary. Oo hindi ko siya kaibigan. Future Secretary..

"Yes Andy. What's up?!"

"Naulanan ka ba ng good mood kaninang umaga?"

"Why?"

"Wala sige.. I was just checking kung okay ka."

"I'm fine. Who told you to check on me?"

"Why? Masama bang icheck ka?"

"Andy. Kung may naguutos sayo, alam ko na kung sino."

"Eh bat mo pa tinanong?"

"Tigilan mo nga ko Andy. Teka nga, can you send me the table i had in my room? Yung sa mansyon?"

"Oh bakit? Anong gagawin mo dun?"

"Gagawin kong surfing board. Hay nako naulanan ka ata ng kabobohan kanina noh?"

"Haha, okay. Heard you're doing great with Mr.Kwon"

"That's it! i'm hanging up."

At binaba ko na ang telepono. Kung pwede lang i-erase ang memory ko sa nangyari kanina edi why not. But that's not the case. Konti na lang talaga mapapagkamalan ko nang may gusto siya sakin eh. But i want to keep myself calm.

Bumukas yung pintuan ng bahay ko. It's not Manong with his banana cue but Kwon Jiyong with a bag of foods.

"Oh, sa sobrang singhot mo ba ng pintura nakalimutan mong kung pano kumatok?"

Nilapag niya yung pagkain na dala niya sa harapan ko. At umupo siya as long as nalagay niya yung plastic bag

"Sabe ni Manong hindi daw aabot yung banana cue kaya inutusan niya kong bilhan ka ng meryenda."

Huminga muna siya ng malalim bago niya sabihin niyan tapos bigla siyang humiga. I know he's tired. Pero aanhin ko ang ganto karaming pagkain?

"Binili mo ba lahat ng tinda sa tindahan?"

"Hindi ko alam kung anong gusto mo so I had no choice."

Nakahiga lang siya sa gilid ko. Sapat na para malaman ko kung nakapikit siya o nakamulat pa din. Ngayon nakapikit siya. He's too perfect but i still hate him.

"Wag ka nga ditong matulog kung matutulog ka."

"Sa pag kaka alam ko, di naman iyo toh."

Aish! Nakakainis talaga! Wala na kong laban dun. Wala na talaga kong laban. Kahit na ipagmalaki ko pa sakanyang may ferrari kami wala pa ding laban kase ako nga naman yung nakikitira.

"Oo na iyo na. Hayaan mo magpapatayo ako ng mansyon dito at sisiguraduhin kong kahit anino mo di makakapasok."

"Grabe. Ganun mo ko kamahal, how sweet."

Kung pwede lang siyang buhusan ng kumukulong tubig kanino ko pa nagawa. Napaka yabang.

"Nasanghap mo ba lahat ng hangin sa labas? Grabe confidence natin ah. To the highest level kung mag feeling?"

.Ride Or Die.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon