Inaantok na naman ako. As usual. 2 days na nakalipas since that effin "party" happened. Umuwi kami ng madaling araw na. Wala namang nangyari. Binato lang naman ni Vic si Choi ng wine glass sa sobrang kalasingan niya. Buti nga di nasugatan si Choi, tumawa tawa pa nga siya.
"Dara. Papasok ka ba? Di ka pa nakabihis."
Tumambad sa harapan ko si Jiyong na ready na para pumasok samantalang ako naka pajama pa din. Gusto kong pumasok sa tanghali kase tinatamad talaga ko.
"Mamayang hapon na lang ako papasok. Mauna ka na."
I waved at him but he just sat in front of me. Nagtitigan kami for 10 seconds. Alam kong gusto niya kong papasukin. Ayaw niyang nawawala ako sa paningin niya eh di ko naman siya boyfriend.
"Oo na oo na! Lumabas ka na don! Magbibihis na ko."
Nakita ko naman yung gummy smile niya na sobra kung magpatibok ng puso ko. His smile is starting to become my vitamin for no reason. Masyadong nakakagoodvibes.
Paglabas niya, binilisan ko nang magbihis. Sinuklay ko yung buhok ko at lumabas na.
"Asan si Manong?" Tanong ko sakanya.
Wala kasi yung pedicab. Ngumiti na naman si Jiyong na parang okay lang sakanya.
"Day off ni Manong ngayon. Pero may kotseng nag aantay sa labasan. We'll go by car."
Ladies and gentlemen, lumelevel up po si Kwon Jiyong at nagkokotse na siya papuntang school.
"Bat ikaw nagbibigay ng day off kay Manong ha? Ikaw ba nag papa suweldo sakanya?"
Sinimulan na naming maglakad. As usual wala na naman siyang dala dala kung di isang ballpen lang at ang katawan niya.
"Alangan namang di mo pagpahingahin si Manong. Kasamaan ang tawag diyan Dara. Change that."
There he goes again. Being bossy and all..
"Kung maka "change that" toh. Bakit boyfriend ba kita?"
Ngumisi siya at sinabeng
"Soon to be."
"Alam mo Kwon Jiyong.. Mas makapal pa sa pagmumuka mo yung benteng encyclopedia na pinagpatong patong."
Kinalabog na naman niya yung puso ko nung bigla niya kong inakbayan.
"Mabigat yang kamay mo." Sabe ko at tsaka ko tinanggal yung kamay niya sa braso ko.
"Dara, may regla ka ba? Ang sungit mo."
Tiningnan ko siya ng masama. Ang aga aga ang manyakis. Napaka manyakis.
"Kapervertan ang tawag diyan Jiyong. Change that"
I said that while imitating his voice. Bigla siyang nagpoker face. Namalayan na lang namin nasa may labasan na kami.
Natanaw ko na kaagad yung kotse niya. Skyline.. Not that expensive.
"Buti pa yung kotse mas gwapo pa sayo." Sabe ko saka ko sumakay sa likod.
Pagpasok ko nagulat ako nung nakita ko si Bae na nasa Driver's seat.
Umusog ako kase pumasok din si Jiyong.
"Hindi akin tong kotse kay Bae toh. Sabe niya Bae mas gwapo pa daw yung kotse kesa sayo."
Tumawa bigla si Bae at sinabeng,
BINABASA MO ANG
.Ride Or Die.
Teen FictionSandara Park, a lady who gets what she wants, a girl who can ruin everything she wants to ruin will meet her number one rival Kwon Jiyong, a man that cares about everybody, the perfect definition of kindess, and the person who is not Sandara Park. B...