Normal day. Normal weather. Normal me. Normal everything.
Kinuha ko yung cellphone ko, 7:30 na pala.. at tadtad na naman ang messages ko T.T Binasa ko yun isa isa and to summarize it,
"Dara. Wake up. Sabay tayong mag break fast. See you mamaya."
Yes, 50 messages at ganyan lang ang laman. Siya na mayaman sa load. Hindi po marunong mag unli si Jiyong~ at ang alam niya lang gawin sa cellphone niya ay mag facebook, twitter at mag text at tumawag.
Nagring bigla yung cellphone ko at nabasa kong ito ay from Chaerin. I picked up.
"Hello~"
"Dara, sabay tayong maglunch mamaya.."
May hesitation sa boses niya, parang hindi nga siya masaya. Baka problemado toh.
"Sure sure~ San tayo kakain?"
"Pwede ka bang lumabas ng school? Let's go dun sa malapit na carinderia mula sa school."
"Okay sige, tawagin mo na lang ako mamaya."
"Gotcha, byee"
Binilisan ko nang magbihis para di na pumasok dito si Jiyong. Pagkabihis ko lumabas na at nagulat ako ng makita ko si Manong.
"Good morning Manong. Si Jiyong?!"
Tinuro niya yung gate.
"Nasa loob pa?"
"Inuubo, ayaw siyang paalisin ni Mina. Umiiyak yung bata dahil alalang alala sa kuya niya."
Inabot ko kay manong yung bag ko at pumasok ako sa bahay nila Jiyong ng agad agad walang katok katok. Sa pintuan pa lang naririnig ko na ang matining na boses ni Mina. Pumasok na ko at muntik na kong matawa sa nakita ko. Si Jiyong nakahiga sa sofa at nakapatong sakanya si Mina habang pinagpapalo siya neto.
"Kuya kase don't go to school and just rest!! Baka lumalala pa yan eh kuya!!"
"Aray ko Mina masakit! Tumigil ka na ng kapapalo sakin!"
Hindi ko na inantay na manahimik silang dalawa kaya nagsalita na ko.
"Excuse me po.. papasok po ba si Jiyong ngayon?"
Nagulat silang dalawa sakin at biglang inalis ni Jiyong si Mina sa taas niya at umupo silang dalawa ng maayos. Tiningnan naman ako ni Mina ng masama.
"What are you doing here na naman?!"
Tinakpan ni Jiyong yung bunganga niya. Napaka conyo talaga netong batang toh.
"Yep. I'm going." Tapos biglang ubo. yung ubo na may kasamang plema.
"Wag ka nang pumasok. Baka lagnatin ka pa." sabe ko nung kukunin na niya yung bag niya.
Nilabas ko yung cellphone ko at tinext si Chaerin na di ako makakapasok. I need to pay this man back. Bago pa siya lagnatin.
"Oo nga kuya!! Don't go to school, ako na lang mag take care sayo!" sabe ni Mina sakanya na nakayakap na sa bewang niya.
"Okay okay. Wag ka na din pumasok *coughs* Dara." sabe naman ni Jiyong sabay upo sa sofa.
He looks pale at higit sa lahat, hinang hina na siya.
Lumapit ako kung nasan yung magkapatid at umupo sa tabi ni Jiyong. Bigla namang pumagitna si Mina, kaya tumayo ako at chineck ang temperature ni Jiyong by touching his forehead. May sinat siya.
BINABASA MO ANG
.Ride Or Die.
Teen FictionSandara Park, a lady who gets what she wants, a girl who can ruin everything she wants to ruin will meet her number one rival Kwon Jiyong, a man that cares about everybody, the perfect definition of kindess, and the person who is not Sandara Park. B...