Chapter 17: Wedding Preparations

2.5K 26 3
                                    

*Sarah Adelaida’s POV*

Hanggang sa pagligo ko, iniisip ko pa rin yung sinasabi ni Yaya Pits, yung bago naming yaya, tungkol sa pag-uwi sa akin ni Ray. I know she’s not so sure of it, but I know deep inside of me na babalakin yun ni Ray. I know either na he’s desperate to win me back. Meron rin syang pulang kotse. Yes, minsan inglisero din sya. Sus, wag na nating ipagkaila, oo gwapo sya. And of all people, sya lang ang gagawa ng ganoon sa akin.

Oo, aminado ako I thought of Gerald. Pero imposible yun. Alam ko iisa lang ang kotse nya, at yun ay yung black BMW nya na imposible nyang magamit rin dahil nga binasag ko yun salamin. And alam ko rin na he’ll do nothing but flirt with Maja, duh. Tsaka ayoko na rin umasa. As if din naman na gagawin nya yun. That’s impossible. Tsaka GERALD SYA. Hindi RAAAAAAAAAY.

Nagbihis na lang ako ng shorts at white loose shirt. All I wanted to do now is to treat myself by walking around the subdivision or cook my own food or even just take a rest on my bedroom or on the garden. Basta, gusto kong mag-Me Time ngayon.

Paglabas ko ng kwarto ko, pupunta na sana ako ng kusina sa baba ng bigla kong narinig yung doorbell na tumunog. Bisita. Putek. Agad akong pumunta sa may dingding ng katabing kwarto ng terrace, nagtago, at sumilip  sa baba. Maya-maya, bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Shin.

Ano naman ang gagawin ng gaga dito?

 “Good morning po. Si Laida po?” Tanong nya sa isa naming mga katulong. Sa sobrang tahimik ng bahay, nag-echo ang boses ni Shin kaya narinig ko ang pinagsasabi nya.

“HUY!”

“AY PEKLAT!” Tinakpan ko kaagad ang bibig ko. Loko ‘tong si Kuya, nanggugulat pa. Pinalo ko nga sa braso. “Kuyaaaaa!” Bulong ko.

“Eh ano ba naman kasi yang ginagawa mo dyan?” Sumilip sya sa may terrace malapit sa hagdan, kung saan pwede nyang madungaw ang baba. Bumalik naman sya sa akin. “Oh, nandun si Shin sa baba oh. Di mo puntahan?”

Umiling ako. May masama akong pakiramdam: pakiramdam ko masisira lahat ng plano kong maging mapag-isa at marelax ngayong araw. Hay, bakit nga ba ganito ang buhay? Des es zoooo anpeir. “Tinatamad ako.”

Napacrosss arm sya. Oo, bakas sa mukha nya ang pagkayamot dahil ilang beses ko nang nirarason sa kanyang tinatamad ako. “Sarah Adelaida, nakakahalata na ako sa’yo ah. Kahapon mo pa rason  yan. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nag-away ba kayo ni Shin kaya ganyan ka?”

Napakulot naman ang noo ko sa rason nya. “Bakit mo naman naisip yan?”

“Kasi alam kong pinaplastic mo lang si Gerald kahapon. Alam kong nag-away kayo nun. Ayaw mong magkasama kayo ni magbati kaya ginagawa mong rason na tinatamad ka. In the first place Lai, di ka tamad.” Ngayon naman, pumamewang sya.

Napakamot na lang ako sa ulo. “Jusko Kuya. Mga pariwara mong obserbasyon. Hindi, etong ngayon, tinatamad akong makipagsocialize sa iba dahil gusto kong mapag-isa kahit ngayon lang. Yun lang. Promise.”

“Asus.” Ginulo ni Kuya ang buhok ko habang pinapakita na naman nya ang ngti nyang kita lahat ng ngipin nya. Jusko. Pang-asar na pacute. Leshe. “Sige na, bumaba ka na.”

“Ayaw.”

“Lai...”

“Tamad. Ako.” Tumakbo na ako papasok sa kwarto ko, pero dahil medyo mabagal akong tumakbo ngayon at medyo, yun nga, nakakatamad, nahuli ako ni Kuya. Hinawakan nya ang doorknob ko at hinarang nya ang katawan nya sa pinto.

“Laida. Baba.” Sabi nya na parang normal lang.

“Kuya, tabi.”

“Laida...”

Status: UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon