Chapter 16: Dati

2.3K 25 2
                                    

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang shattered pieces ng front window ko sa loob at labas ng sasakyan ko.

“WHAT THE ACTUAL FVCK!!!”

Napalapit na lang ako dit at buinuksan ang driver’s seat. Puro bubog na ang sasakyan ko, at may nakita akong isang malaking tipak ng bato sa may likod, sa passengers’ seat. Sinara ko ng walang pakundangan ang driver’s seat, binuksan ang pinto sa likod, at kinuha ang batong iyon.

“Pucha. PUCHA LANG. Dapat magbayad ang gumawa nito. SHT!” Napasipa na lang ako sa sasakyan ko. At pangasar pa, nag-alarm ito.

So, how the actual fvck am I going home? Balik commute? Leche. Sayang pera ko sa pagbili nito. Sayang ang gasolina nito, pinafull tank ko pa naman. SAYANG LAHAT. PUTEK.

Kapag nalaman ko lang kung sino ang gumawa nito, MALALAGOT SYA SA AKIN. HE DOESN’T KNOW WHO HE’S MESSING UP WITH.

Or if she yun....

HUMANDA KA SA KUMUKULONG DUGO NI GERALD ANDERSON.

*Sarah Adelaida’s POV*

“Isang kaliwa pa then ta-daaaa.” Sabi ko kay Chong while elaborating the directions papunta sa bahay. Ang tahimik namin buong byahe, maliban na lang nung pumasok na kami sa subdivision namin dahil I have to give him the directions towards my house.

Nung lumiko naman sya ay agad kong nakita ang bahay namin. Halos lahat ng ilaw ay sarado na, well except sa may labas dahil lagi nilang iniiwang bukas yan para kay Manong Dodong at Kuyang Kulas, mga security guards namin. Waah, sosyal di ba? Charot.

Prumeno na si Chong na syang saktong naitapat nya sa may gate ng bahay. Nagpaalam na ako sa kanila then bumaba na ako ng sasakyan. Agad naman akong pumunta ng kwarto ko upang magpalit ng pantulog. Pagkashower ko, nagulat ako sa sarili ko dahil hindi pantulog ang kinuha ko. Kumuha ako ng maluwag na shirt at jogging pants. Pakay kong lumabas kung saan man ako dalhin ng sasakyan ko.

And unexpectedly, my mind is very odd. Dinala nya ako rito sa playground ng subdivision kung saan kami usual na naglalaro noon ni Riq. Actualy, lumipat lang kami ng bahay pero never ng subdivision. This play has been always in my heart and mind. Kahit anong mangyari, mahal ko pa rin ang lugar na ‘to.

And for the longest time, ngayon lang ulit ako nakarating dito. Dahil busy, ngayon lang ako nakapagdrive papunta dito dahil ga random flashbacks lang ang nakakapag-alala sa akin tungkol sa mga napagdaanan namin noon ni Riq. But right now, my body and mind voluntarily lead me to this place. And there were so much memories.

Pagkababa ko ng sasakyan ko, parang bigla kong nakitang tumakbo papalapit sa akin si Riq, yung kababata kong cute at makulit. Bigla nyang inialok sa akin ang kamay nya. Tinignan ko lang iyon, hanggang a few moments later, may hinihila na syang batang babae. At ako yun.

Status: UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon