Chapter 27: Saved

1.5K 25 3
                                    

“Akala nyo ba hindi ko napapansin na palihim kayo laging nag-iirapan? Na kagabi, nagbubulungan kayo pero alam kong pabulong kayong nagsisigawan.” Humarap sya sa amin ng pabigla na syang ikinagulat namin. Pareho na lang kami ni Ge na napasandal sa sofa kung saan kami pinaupo ni Kuya. “Alam nyo rin ba na kapansin-pansin yang pagiging sweet nyo kunwari?”

“Ang galing mo namang artista, Kuya. Pati yung kunwari, nahahalata mo.”

“Oo, Lai.” Napacross arms sya at napatingin sa akin. “Sino pa bang hindi makakaalam sa totoo kundi ako rin, di ba, na kapatid mo, Lai, DI BA?”

Ugh. Nakakakonsensya naman ‘tong si Kuya. Eh malay ko ba? Mas maganda naman kasing sa aming dalawa lang ni Ge yung sikretong ‘to e. Kahit ano namang mangyari, hindi ako matutulungan ni Kuya sa matter na ‘to. Mas mabuting sinasarili na lang yung mga ganung bagay.

Kada step ni Kuya papunta sa sofa sa harapan namin ay naririnig ko ang puso ko na tumitibok ng malaks. Malakas na malakas. Yung tipong nakakabingi. Na yun lang yung naririnig ko. Tas nung nasettle down na sya, tinignan nya kami. Matagal na tingin kay Ge, tapos sa akin, tapos sa aming dalawa.

Kahit alam ko na yung sasabihin ni Kuya, kinakabahan pa rin ako sa magiging tingin nya sa akin. Ugh, ang sama sama kong tao para hindi man lang ishare yun sa kanya. Ang tunay na Kuya kasi, sinasamahan ka sa mga problema mo. Hindi ka hinahayaang mag-isa. Nilabag ko ang Family Code huhuhu. Shocks drama.

“Laida?”

“Kuya.” Sagot ko kaagad.

“Hindi mo na naman ba binababa ang pride mo, ha?”

“Kuya, sorry.... Kaya ko lang naman—“

“Hindi ka dapat sa akin nagsosorry.”

“H-Ha? D-Diba dapat sa’yo kasi...”

Tinuro nya si Ge. “Dyan. Dyan ka kay Riq magsorry.”

Wait. What?

“Alam ko ang totoo, Lai. Na lagi kayong nag-aaway. At dahil yan sa pride mo. Sa katigasan ng ulo mo. Sa pagiging closeminded mo.”

“Wait Kuya—“

“Alam nyo, matatanda na kayo. Kasal na nga kayo, oh. Kaya kung may problema kayo, pag-usapan nyo. Wag na kayong magpakaisip-bata. Kasi ang pangit tignan.” Tumingin sya sa akin. “O, ikaw, Laida. Babaan mo yang pride mo. Baka dyan pa kayo maghiwalay. Tignan mo yung nangyari noon. Hindi ka nagtake the risk na tanungin dito kay Riq yung tungkol sa kanila ni—“

“Suy.” Sinignal ko si Kuya na wag nang ituloy yung sasabihin nya kasi nakakahiya. Lakas makathrowback nito.

Natawa naman sya. “At ikaw naman Riq,” Tingin naman sya dun. “Wag mo nang patulan ‘to pag nag-aaway kayo. Kasi lalo lang lalaki ang gulo. Hayaan mo, soon enough, manlalambot rin yan sa’yo.”

Narinig ko naman syang natawa. Tinignan ko sya ng masama, yung tipong abot sa dulo ng itim nyang kaluluwa. Ayun, nanahimik sya.

“Sige na, magbati na kayo.”

Nagkatinginan kaming dalawa. Nag-aabang kung sinong mauunang gumawa ng move. Pero biglang hindi ko na maintindihan kung nasa anong planeta na ako nang pinagmasdan ko ang mga mata nya. Parang ang kinang nun, na tipong makikita ko na dun ang Milky Way. Ang lalim nyang tumingin, pero unlike yung sa akin, yung kanya, parang full of sincerity. Parang kahit titignan mo lang sya sa mata, makikita mo ang lahat ng saya at lungkot na napagdaanan nya, lahat ng sakit, kung paano naproduce ang mga luha nyang piniga ng panahon, ng... Teka. Ano ba ‘to. ANONG KAHIBANGAN ‘TO?!?!?

“Sorry baby girl.” Bumalik na lang ako sa kabihasnan ulit nang nagsalita sya at hinawakan ang pisngi ko. He cupped me and enveloped me into a hug. I hugged him back. Oy, Kuyang naging Best Actor ng ilang beses na, mas best actors kami kesa sa’yo. Bwahahahahaha.

Status: UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon