Chapter 22: First Morning as Andersons

1.9K 23 4
                                    

"Hmnmnh."

Nag-unat-unat na ako at kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Kinuha ko ito at sinilip ang oras.

3:30 A.M.

Just in time.

Agad akong bumangon sa higaan ko and did some quick exercise, tsaka lumabas ng kwarto para magluto.

Kumakanta-kanta pa ako habang pababa. Nagtaka ako dahil wala pang sumisita at nagsusungit sa akin.

Tulog pa sya?

Mula sa baba, agad ko namang nilipat ang paningin ko sa pintuan ng kwarto nya, umaasang anytime lalabas na sya. Pero dahil nakakatamad maghintay, ako na ang pumunta sa kwarto nya.

Pagkabukas ko ng pinto nya, bumalandra sa akin ang nakahilatang hubad na Gerald Randolph sa ilalim ng kumot. Ewan ko ba sa mga lalaki, ang lakas maka-aircon pero ang lakas rin makahubad ng pantaas. Tss.

Dahan-dahan kong sinara ang pinto and tiptoed palapit sa kanya. Nakaharap sya sa other side so hindi nya ako agad makikita in case magising sya bigla.

Sinilip ko muna sya saglit, at nakita kong peaceful ang pagtulog nya. Sinilip ko yung bedside clock nya: 3:35 na. Malelate na kami.

Kaya dahan-dahan akong sumampa ng kama at tumayo roon habang hindi inaalis ang paningin ko sa kanya.

At tumalon-talon ako.

"HOY GUMISING KA NA MALELATE TAYO TAMA NA MUNA YANG BEAUTY REST MO KAILANGAN MAGSABAY TAYO PUMUNTA DUN SA KUMPANYA"

Unang bounce ko pa lang, nagising sya. Tinakpan nya ang tenga nya at ginulo gulo ang buhok nya. Tumingin sya sa akin ng bwisit na bwisit.

Natawa naman ako at tumalon na pababa ng kama. "Oh, kamahalan, bangon na."

Napaupo sya at napatakip ng mukha. Tapos tinignan nya ko with his face na inis na inis. "Iniinis mo talaga ako e, no?!"

Ngumiting pang-asar ako at umiling na painosente. "Ang gusto ko lang, magising ka na. Kasi tignan mo yung oras o." Tumingin naman sya. "3:36 na. Malelate na tayo."

"3:36?"

Tumango ako.

"Anong oras ulit yung pasok natin?"

"7."

"Laida!!! 8! 8 A.M. yung pasok natin! Hindi 7!"

"Tsk tsk tsk." Napailing naman ako at nagcross arms. "Ang mga boss, dapat maagang pumapasok kasi dapat sila ang mga huwaran ng bawat taong nagtatrabaho sa kumpanya mo. And marami kang nakikita sa kumpanya ng maaga. Palibhasa ikaw, happy-go-lucky ka at mukhang wala kang paki sa kumpanya mo. Kaya kayo lumulubog e."

"OKAY FINE!" Tumayo na sya sa kama nya. Napapalakpak na lang ako.

"Good dog."

Kinuha nya ang twalya nya sa headboard ng kama tsaka kami lumabas. Nauna na akong bumaba para maligo na sa CR malapit sa kusina. Nandun na yung twalya ko. Nanghihinayang pa ko sa CR ko sa kwarto e. Parang tanga lang.

Patalon-talon pa ko habang mabilis na bumababa at dumiretso na sa tapat ng pintuan ng kusina. Hinawakan ko na yung pihitan, pero hinawakan nya rin ito. Napatingin ako sa kanya, at sya rin sa akin. Nasa balikat nya yung twalya nya.

"What are you doing?"

Hinawakan ng free hand nya yung twalya nya. "I'll take a bath...?"

"Hindi ba't may C.R. ka?"

"Hindi ba't dapat ako ang nagtatanong sa'yo nyan?"

Oo nga naman. "P-pero, may C.R. ka di ba?"

"Nanghihinayang pa kong gamitin, besides, naligo na ko dito kagabi."

Status: UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon