Chapter 23: Kept Pain

1.9K 19 3
                                    

"Laida, ang sarap!"

Ayan. Ganyan yan. Nakatikim lang ng pagkain ko, panigurado, tatamarin na yang magluto. Sasabihin nyan na lagi nyang makakalimutan yung napag-usapan namin. "Ewan ko sa'yo." Sinubo ko yung bacon at kanin mula sa kutsara ko.

"Pwera biro, Adelaida. Nag-Culinary ka ba? Kasi, grabe, unang tikim ko pa lang, unang kagat, shet, ang sarap." Para syang batang sarap na sarap sa pagkain-slash-nagpapakabatang PG.

"Kung paraan mo yan para makumbinsi ako na ako na lang ang magluto ng pagkain natin, pwes, hindi yan effective. Sinasabi ko sa'yo. Kung pampupuri po yan well sinasabi ko sa'yo na ang tanga mo. Kung nag-Culinary ako e di sana wala ako sa Twilight. Nasa kusina ako in case. Business Ad ang kinuha ko, boy. Medyo may workshops din sa Journalism..." Teka, bat ba ko nag-oopen up dito sa siraulong 'to. "Bilisan mo na lang kumain, baka malate tayo." Para kasi syang shunga. Nilalasap nya pa ng sobra yung bawat subo nya.

"Pwede ka nang mag-asawa, Laida." Biro pa nya.

"Sa kasamaang palad." Pinakita ko sa kanya yung ring finger ko na may singsing. "Tsaka pakitandaan, hindi kasama sa napag-usapan natin na magiging cook mo ako. Sa papel lang tayo mag-asawa."

"Alam ko." Sabay subo nya ng malaking kutsarang may maraming kanin at malaking bahagi ng sunny side up na itlog. May tumalsik-talsik pa na kanin mula sa bibig nya.

"Umayos ka nga!!!!!"

"Laida, paabot nung phone ko."

Binaling ko naman ang tingin ko sa kanya sa driver's seat. Nakatingin sya sa kalsada habang patuloy na tumatakbo ang kotse namin. "Boss kita? Utusan ba naman ako. Tss."

"Laida." Saglit nya kong tinignan tsaka nya binalik ang mga mata nya sa kalsada. "Please? Fred would call me anytime. May something daw kasi sa opisina ng Under Zoned. Maybe they need help."

Napakamot na lang ako ng ulo. "Fine. Asan ba yung phone mo?"

"Nasa laptop bag ko. Sa may bulsa. Thank you."

Hesitant ko namang nilingon ang mga laptop bags namin sa likod. Pareho silang nakahilata sa upuan, our laptops ay nakatapat sa amin. Inabot ko naman yung bag nya at inilagay sa lap ko. Napansin ko yung label ng bag.

"MS?" Maja Salvador?

"Hmm?"

Ayan na naman yung chest pain. Hanoba. Bakit ganito. Bakit may chest pain. Alis ka sa puso ko. Dali. Waaaaah. Di 'to pwede.

"Sabi ko MS." Ano ba 'to. Bakit di ko mapigilan yung sarili ko. Ano ba, Sarah. Lumayas ka sa katawan ko. Masama kang espirito.

"Ah. Yang laptop bag? Mark and Spencer yan."

"Laptop bag? Mark and Spencer?" Nakatitig lang ako sa label. Bigla akong bumulong unconciously: "Hindi ba 'yan bigay ni Maja Salvador?"

"Yup."

Nagulat naman ako bigla. Yup? Anong ibig sabihin ng Yup na 'yun? Dahil sa first question o sa second? Narinig nya ba yung second?

Waaaah. Chest pain. Layas. Please.

Sarah. Layas din. Please.

Nataranta na lang bigla nang narinig kong nagring yung cellphone nya. Agad ko naman itong kinuha sa bulsa nga ng bag na iyon at sinilip ang screen. "Oh, si Fred."

Kinapa nya yung chest nya, titignan siguro kung meron syang earphones. Kaso wala. "Bobo naman nito. Alam nang tatawagan sya, hindi pa nag-earphones. Tss."

"Laida, why don't you calm down, answer the call and put it on a loudspeaker. What do you think?" Sarcastic nyang birada.

Bigla namang kumalma ang Sarah feels ko. "Alright." Sinagot ko naman na yung tawag and put it on a loudspeaker mode. "Hi Fred. It's Laida. Gerald's sitting beside me. Go speak."

Status: UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon