Chapter 26: Big Brother

1.5K 19 4
                                    

Nakasandal kaming dalawa ni Ge sa kitchen counter at pinagmasdan si Kuya na kumakain ng niluto ni Ge. Natatawa ako na naaawa kay Kuya. Para syang bibitayin kung kumain.

“Kuya, sobra ka bang pinahirapan sa set nyo?” Umiling sya habang patuloy na ngumunguya. “Ano ba kasing nangyari?” Pagkabukas ko kasi ng pintuan kanina, nagulat ako dahil may mga maleta syang dala. Parang pagod na pagod rin sya. Ang tangi nya lang sinabi pagpasok nya e ‘pagkain’. Eh di binigay na lang ni Ge yung niluto nya. Di nya pa sinasabi kung anong nangyari, kung bakit sya nandito.

Uminom sya ng tubig tsaka yumuko, tila malaki talaga ang problema nya. Nagkatinginan naman kami ni Ge at sabay na lumapit sa kanya. Umupo kami malapit sa kanya.

“Kakatapos lang ng shoot namin kanina. Pagod na pagod na pagod ako. Pagkasakay ko ng kotse ko, merong mga lalaking nandun na tumutok sa akin ng baril. Dalhin ko raw sila sa condo ko. Dahil pagod na pagod na nga ako at ayoko pang mamatay, sinunod ko na lang sila. Eh wala namang mamahaling gamit sa condo ko kaya kinuha na lang nila yung wallet ko tsaka yung kotse.”

Wala sya emosyong pinapakita nung kinukwento nya yun. Ako, gulat na gulat. Di ko inaasahang mangyayari yun kay Kuya. Napayakap naman ako sa kanya. “Kawawa ka pala Kuya pag pagod ka.”

Natawa naman sya ng mahina. “Wala naman sa akin yung nangyari e. Mapapalitan naman yung pera. Pwede naman akong magtrabaho ulit, ng mas matindi. Pwede naman akong bumili ng bagong kotse. Ang hindi ko lang tiyak, yung buhay ko, yung kaligtasan ko, kayong pamilya ko.” Tinignan nya ko. “Buti na lang nasa iyo pa yung ATM ko.”

“Ay nako, Kuya.” Ginulo ko yung buhok nya.

Napatingin naman si Kuya kay Ge. Napatingin rin ako sa kanya. “Riq, pwedeng favor. Pwede bang makituloy muna ako sa inyo dito? Nag-aalala lang ako kasi baka balikan ako ng mga magnanakaw na ‘yun. Tsaka ,” Napatingin naman sya sa pagkain nya. “Mukhang masarap pagkain nyo dito, ha.”

Napa-smirk naman si Ge sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Hah. The magic of Magic Sarap. Tsaka duh, simple lang yang lutuin no. Tss.

Tinignan ko lang si Kuya. “Sige, Kuya. Dun ka na lang sa isang kwarto. Iaakyat ko lang yung mga maleta mo.”

“Tulungan na kita, baby girl.”

Ugh. Kaderder.

Pareho naman naming kinuha ang mga gamit ni Kuya. Jusko, pag artista talaga maraming damit e.

Inakyat na namin yun. Mas nauna ako sa kanya.

“So, okay lang sa’yo na nasa iisang kwarto lang tayo?”

Nilingon ko sya saglit at tinignan ng masama. “Iba naman higaan natin e.”

“Ako sa kama?”

“Tumutupad ako sa mga pangako.”

“Ba’t parang galit ka?”

“Di ka na nasanay.”

“Ba’t ang sungit mo?”

“Kasi kasungit-sungit ka naman.”

“Kumain ka na?”

“Nakita mo naman di ba? Hindi pa ko nagluluto. Unahan ba naman ako sa pagluluto.”

“Kinain ni Kuya Deng yung niluto ko. Nagugutom na ko.”

Saktong napahinto ako para buksan ang pinto ng magiging kwarto ni Kuya. Tinignan ko sya at nagpapacute sya.

“Oo na, ano bang gusto mong ulam?”

“YES!!!”

Walangya. Second time na ‘to na ipagluluto ko sya. Pag dumating pa kami sa third time, lalagyan ko na ng lason yung ulam nya.

****

“HEAVEN!!!!”

Patalon syang humiga sa kama na parang maliit na bata. Ginawa nyang unan ang dalawa nyang kamay at pumikit.

Nakacross arms lang ako at nakatingin sa kanya. “Hindi mo ba alam na nagmumukhang engot?”

“Hindi mo ba alam kung gaano ka kapanget kapag nagsusungit ka?” Sabi nya ng hindi tumitingin sa akin.

Strike one. “A-Ano naman ngayon sa’yo kung pumapanget ako?”

“Wala. Hindi ka ba concerned sa magiging itsura mo? Di ba gandang-ganda ka sa sarili mo?”

Strike two. Abuso ‘to hayop na ‘to ah. “Mapanglait ka ha!”

“Ganyang-ganyan ang nararamdaman ko tuwing ako ang nilalait mo.” Naging seryoso ang tono nya.

Napatigil naman ako sa sinabi nya. Sige na, konsensyahin nyo na ko! Pero oo nga, baka totoo. Kung nasaktan ako, baka siguro lalo na sya kasi sobra-sobra ko syang nilalait. Pero kasi hindi ko mapigilan e. Matabas na talaga ang dila ko pag sya ang kausap ko. Ang yabang yabang naman nya kasi e! Nakakapikon sya.

Ugh, Sarah, pati sarili mo hindi mo na kilala. Hinahadlangan ka ng leche mong pride. Try mo rin naman manlambot sa kanya e no?

“Good night, Sarah.” Nabalik na lang ako sa kabihasnan nang narinig ko yung boses nya.

Siguro nga, bigyan ko sya ng chance.

Siguro lang.

***

 “Ang aga natin magising ah!”

Nagulat naman ako nang narinig ko ang boses nya. Na naman. Ugh. Ewan ko ba. Late na nga ako natulog sa sofa nang kakaisip sa kanya, tapos first thing in the morning sya pa makikita ko? Anak ng hopia.

Mas ikinagulat ko pa nang naramdaman ko syang yumakap sa akin habang nagluluto ako. Aba’t chancing ‘to ah!

“Good morning baby girl!” Sabi nya. Tapos nilapit nya ang mga labi nya sa tenga ko. “Nandyan si Kuya.”

Kahit sinabi nya yun, hindi pa rin ako makapagrelax. Jusmiyo. Ang init. Ang. I. Nit.

Narinig ko namang natawa si Kuya kaya sabay kaming napalingon sa kanya. “Mali pala desisyon ko na magstay dito. Pero..” Nagfake cough sya, nagcross arms at nagseryoso ang mukha. “Umamin nga kayo sa akin.”

Napahiwalay naman ako sa kanya. Nagkatinginan kami at sabay ulit na napatingin kay Kuya. Naks, lately lagi na kaming sabay ah.

“Sumilip ako sa kwarto nyo dahil may itatanong sana ako sa’yo, Lailai. Pero nakita kong hiwalay kayo ng higaan. Mukhang pareho pang masama yung mga mukha nyo. Sabihin nyo nga sa akin ang totoo.”

“A-Anong totoo, Kuya?”

“Yung totoong-totoo.”

Oh, ooooh, trouble, TROUBLE, TROUBLE.

Status: UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon