Chapter 30: "Kwento!"

1.3K 20 2
                                    

“So?”

Tinignan ko naman ang masigla kong best friend na enthusiastic kung magtanong. Interesado talaga ‘tong babaeng ‘to. “So ano?”

“Ano’ng pinunta mo dito?” Uminom sya ng softdrinks na galing sa Gulp cup nya.

Tinignan ko naman ulit ang view sa may bintana kung saan kitang-kita ang MOA at ang mga ilaw ng lungsod. Buti pa sya, maganda ang view. Sa condo namin, puro building nakikita ko. Ang baba kasi ng kinuha ni Tita Gretch e. Maganda sana yung mala-55th floor effect. Waaah. Lupit nun. Pero mas malupit yun kapag lumindol. Nakakatakot.

“Ayon, yung view lang. View lang pala trip mo, eh hindi ka na lang kaya lumipat dito ng condo, ano?”

Naging seryoso na naman ako. Naisip ko din yan. Siguro kung yun ang  paraan para mapigilan ko pa yung nararamdaman ko para  sa kanya. Gagawin ko yan.

“Si Gerald-slash-Riq ‘yan ‘no?”

Napalingon naman ako kay Janie-slash-Inna. Nalungkot ako bigla. Ewan ko kung bakit.

“Hay nako, Sarah Adelaida. Wag mo kong tignan ng ganyan. Kwento na lang kasi kaagad.”

Mula sa pagkakaupo ko, nang  sinabi nya yun, parang nanghina ako kaya napahiga ako. Kinuha ko yung unan sa tabi ko pinatong yun sa mukha ko, tsaka ako sumigaw. “WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! He hu he hu he hu. Heeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!!!!” May isang malupit na interval ng paghinga. Sorry abnormal ako huminga e. Hehehe.

“Hoy!” Naramdaman kong tinuktukan nya ako sa tuhod ko. “Sana pala niregaluhan na lang kita ng unan kung unan lang pala ang  kailangan mo. Kesa nagpapakapagod kang pumunta dito sa condo ko, yan lang naman pala ang trip mong kausap.”

Umupo na ako ng maayos at hinampas na ang unan na hawak ko sa kanya. “Napakamatampuhin naman ng best friend ko! Heto na nga!!!” Umusog ako at mas lumapit sa may bintana para makita lalo ang view. Sinandal ko ang ulo ko sa salamin habang mariing pinagmamasdan ang view sa baba. “Jan, eto na yung kinatatakutan ko. Dumating na sya.”

“Sino? May ex ka ba maliban kay Riq at Rayver? May anak ka na ba? Tell me, sis!!!” Hinarap ko sya at tangkang hahampasin ng unan pero she signaled in defense. “Joke lang sis! Ikaw kasi paligoy-ligoy pa e! Daming arte! Pwede namang diretsuhin!”

Niyakap ko na lang ang unan at sinandal na lang ulit ang noo sa salamin. “Waaaaah, Janie. Isa sa mga rason kung bakit ayoko syang pakasalan kasi baka mainlove ulit ako sa kanya. Tapos masaktan ulit ako. Hindi ko alam...” Huminga ako ng malalim.

“Ano ngang problema mo???”

“Eto na yung kinakatakutan ko...”

“Ano ba ‘yung kinakatakutan mo?”

“JANIE!!!”

“Sarah Adelaida, seryoso na ko!!!”

“Na mahalin ko na nga ulit sya!!! Kasi tuwing nakakausap ko sya, nakakasalamuha, parang laging merong flashback na nagaganap. Laging may konek yung mga ganap ngayon sa mga naganap noon. Yung mga ginagawa nya sa akin noon, ginagawa nya ulit sa akin ngayon. Parang, deja vu. Tapos lahat ng ginagawa nya, yun yung mga bagay na nagpafall sa akin sa kanya. Basta!!! Ewan ko ba ‘to sa nakakaabadtrip kong puso!” Tinakpan ko na lang ang mukha ko ng unan.

“So?”

“JANINNA!!!!”

“Lai, I AM dead serious. You know me kung seryoso ako, di ba?”

Dahil sa seryoso na nga ang tono nya, tinignan ko na sya.

“Lai, tama na. You’ve been blocking your emotions. Lagi na lang may pigil factor ka sa lahat. Why? Dahil takot ka sa kalalabasan. Takot ka na masaktan. Wag  puro utak, Lai. Pansin ko kasi sa’yo, your heart and mind always contradict each other. Wag puro mind ang ipapanalo mo. Minsan, kailangan mo ring  gamitin yung puso mo. It’s just the right blend, Lai. Heart and mind. And  don’t ever, ever, ever be afraid. Wag mong pigilan ang nararamdaman mo para kayGe. Lai, you deserve to be treated as a princess by someone who deserves you. You deserve to be happy. You deserve to love and be loved. Kung magpapasakop ka lang sa takot mo, alam mo, lalo ka lang masasaktan. Yang utak mo, napakaparanoid! Hindi yan ang gamot sa mga sakit mo sa puso, okay!”

Napayuko naman ako. May point sya. Ang hirap naman nito, 14 years ko na kasi best friend tong hayop na ‘to e. Kilala nya na ako.

“Eto, para mas maintindihan mo. Alam mo yung larong 2048?” Tumango ako. “Yun ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Eto yung laro na may mga boxes na squares of two ang  pinapalabas di ba? Ang kailangan mong gawin is pagsama-samahin ang mga boes hanggang umabot ka sa 2048. And sa una, madali  lang  sya, mawiwili ka talaga e. Pero soon, makikita mo na may mga trap, hanggang sa makita mong hindi ka umabot sa dapat na score. Pero may mga taong nakagawa na nun. Nakaabot na sila sa 2048. Alam mo kung bakit? Kasi hindi sila nawawalan ng pag-asa na balang araw makakamit rin nila yun. Meron silang hope, pag-asa, na makukuha rin nila yun. Because they took the risk. Wala silang paki kung madalas nauubos ang oras nila dyan, ang effort, ang power, ang baterya ng cellphone, pero ang importante na sa bawat pagkabigo nila, lalaban at lalaban sila. Hindi sila titigil. Lai, yun ang dapat mong gawin.”

I moaned. “Janie... Natatakot ako... Natatakot ako na baka ganun pa rin sya tulad ng dati.”

“Ayan. Eh di lumabas din ang totoo. Natatakot ka dahil ayaw mong mafall sa parehong taong sinaktan ka na noon pa. Ayaw mong mafall sa Riq na binola-bola ka lang. ASA-dong ASA-do ka e, no? Siopao! Eto ha, Lai, everything changes. Everyone changes.”

“Oo nga.” Nagtalumbaba ako. “Nagbago sya. Naging mayabang. Pilyo. Matigas ang ulo. Stupid. Makulit. Mapilit...”

“Mas naging gwapo, mas sexy, mas hot, mas cute, mas okay na kesa dati.” Dugtong nya. “Oh, sa’yo na nanggaling yan na nagbago na nga sya. Eto ang tignan mo. Mas okay na sya kesa kay Riq na may girfriend na nga e nambababae pa. Mas okay kay Riq na mabubulaklak ang salita pero bibitawan ka lang pala. Mas okay kay Riq na puro pangako pero napapako rin. Riq na iiwan ka lang banda sa huli. Oh diba? Mas okay si Ge ngayon kesa kay Riq! Ano pa bang hahanapin mo?”

Huminga ulit ako ng malalim. “Ewan ko, ewan ko talaga!!!” Humiga na lang ulit ako. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko, sinusubukang makatulog. Iwanan ang mga kalokohang ito. Pero hindi. I’m in reality.

“Basta Lai. Tip ko lang talaga sa’yo, take the risk. Okay na rin na sabihin mo sa kanya para malaman mo kung kelan mo pipigilan yung nararamdaman mo when, of course, when he chose to reject you. But if he said he loves you too, then fight for what you feel. Dalawa lang yan, Lai. It’s either you give up your feelings, or better yet, let it stay and share it with him. You don’t have to keep it, yung ikaw lang yung nagmamahal and you don’t ever know if he loves you too. Maging open ka rin dapat sa second chances. Trust me, yang bigat sa loob mo, mawawala. Tignan mo ko.”

Napabangon naman ako dun. “K-Kayo na ulit ni Enchong?!”

She smiled so genuinely and nodded. “I took the risk. And so far, he’s doing well. I swear, Lai. If you do the same, you’ll be contented. Wag mong hayaang ang apprehensions mo at doubts ang kukulob sa puso mo at maghaharang sa’yo na maging masaya. Because I swear, that sucks.”

Napatingin na naman ako sa view sa baba. Mas dumami ang mga ilaw sa paligid. Narinig kong sinabi ni Janie na Enchong will come over at may dala syang mga pagkain for us. Tumango na lang ako at pinagmasdan naman ang mga bituin sa langit. Look at the stars, look how they shine for you. Nakikita ko sa kalangitan ang paraan kung paano kumikislap ang mga mata nya kapag ngumingiti sya, yung mala Milky Way nga ang nasa loob noon dahil sa kintab at liwanag. Hay, naaalala ko na naman sya.

Should I take the risk?

Status: UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon