Chapter 25: Tiger Mode

1.5K 16 1
                                    

What's on your mind?

What's on my mind daw. Eto na naman ang pakielamerong Facebook na nagtatanong kung anong nasa isip ko. Nabibwisit pa man din ako kapag yan lagi ang nakikita ko pagkabukas ko ng FB ko.

At madalas, kung kelan pa ako may problema.

Unang-unang bumalandra sa akin ang isang post, post ni Ray. Raymond Oliver Cruz changed his profile picture. Ang picture ay isang collage kung saan magkasama si Ray at Cristine. Nakita kong recently lang rin 'tong pinalitan. Sa unang picture, hawak nya sa bewang si Cristine at nagtititigan sila sa isa't isa. Sa pangalawa, naghahalikan sila. Agad ko namang pinuntahan ang profile nya at inunfriend sya. Hindi sa nagbibitter ako, pero tingin ko kahit magkaibigan, hindi na kami magiging ganun.

Nakakita naman ako bigla ng friend request alert mula sa notifications button ko. Binuksan ko ito.

Gerald Anderson sent you a friend request

Bigla na namang nagthrowback sa akin yung pangingiliti nya kanina. Tapos yung statement nya kanina na gusto nyang makipagclose ulit sa akin.

No. No no no, just no. Ayokong makipagkaibigan sa kanya. Wala akong balak makipagkaibigan sa kanya. Kaaway ko lang dapat sya. Wala akong pakielam kung mag-asawa kami, pero sa papel lang yun. Sa isang pekeng papel lang. Show off lang 'to. Pagpapanggap.

Napatingala naman ako. Bakit nga ba hindi? Bakit ba ayaw mo, Sarah? What's wrong? What went wrong?

Ang sarap ibagok ng ulo ko sa isang pader kasi paulit-ulit na lang ako. Kasi nga di ba ayaw mong mainlove kay Riq? Ugh! Nakakadepress. Kung alam ko lang na ganito ang kalalabasan ng pinasukan ko.

I closed my eyes at napayuko ako. Tinakpan ko ang aking mukha. Hesitated na hesitated na ko. Ramdam na ramdam kong haggard na haggard na ako. Ang laki ng eyebags ko. Ang dami ko nang wrinkles sa noo. Hindi na ko palangiti. Laging magulo ang buhok ko. Alam kong OA kasi isang araw pa lang kami, perp ganun e. Ayoko na.Makikipagdivorce na ko.

"Sars---"

"Ay peklat!!!!" Nagulat ako nang tinawag nya ko. He was peeking at my door and ngiting-ngiti sya. I twitched at agad namang nagkunwaring nagtatrabaho. "Yeah yeah yeah. Bakit?"

He smiled. "I just passed by to say let's have some lunch right now. Mamaya na muna ang trabaho. Nakakapaghintay yan, ang tyan hindi."

Oh. So he's asking me out? For lunch? Wow. So he IS flirting with me? Wow! No way!

"I'm fine. Kaya kong magpalipas ng gutom. Matibay 'tong sikmura ko."

"Sars, lunch is ready. Wag mo rin paghintayin ang pagkain."

Tinignan ko sya ng masama. "So kinokonsensya mo ko?"

"Kung yun lang naman ang paraan para umoo ka, then I'll do it."

Hay nako. Ayoko pa man din sa mapilit. Pag ako napikon sagad-sagaran e. Pero sige, para manahimik na sya.

"Fine. Let's go?"

******

He led me somewhere pero within the floor lang. Nagulat naman ako. Wala namang resto ni café dito sa floor na 'to e. Lahat nasa ground floor lang. Saan naman kami maglalunch? G na g pa naman na ako. Kumakalam na tyan ko oy.

"San na ba tayo pupunta?" Honestly medyo hindi ko alam kung saan kami pupunta kasi hindi ko gaano pinapansin yung paligid. Nakatingin lang ako sa likod nya. Pero alam kong nasa same floor pa rin kami kasi hindi kami sumakay ng elevator ni bumaba o umakyat gamit ang emergency stairs. Ang gulo ko.

"Building mo 'to, di ba?" Hinila nya ang isang pinto ng isang silid at binuksan. "Alam mo dapat kung saan tayo pupunta. Lady's first." Sabay turo nya sa bukas na kwarto.

Status: UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon