Chapter 20: Wed-di-nga

1.8K 21 2
                                    

“What was that show for?”

Ngayon naman, it’s his time to ask after his meeting with the model. Bigla-bigla na nga lang yang pumapasok, padabog pa. Kung kelan busy ako kumain. Tss.

Tinignan ko sya at nginitian. “Payback for your show.”

“Laida, para kang bata! Alam mo, if looks could kill, matagal ka nang patay.”

“Aba’t hinahamon mo ‘ko ha.” Napatayo ako at nagcross arms. “Alam mo, if words could kill, Ge, matagal na panahon na akong nakasuhan ng murder at nakakailang saksak ka na sa puso na syang dahilan ng pagkamatay mo. Patigasan kung patigasan tayong dalawa. Hindi ako magpapatalo.”

Alam kong parehong nanggagalaitiang mga mukha namin. Ako, ewan ko ba. Bakit biglang uminit lalo yug ulo ko dyan samantalang noon noon naman nakocontrol ko. Ang gulo ko.

Nang sumuko na sya sa pagtititigan namin ng masama, biglang nanlambot ang mukha nya at napayuko sya.

At tumingala ng may nakakalokong ngiti.

“Ano yan?” Matigas kong sabi.

“Are you sure it’s just a payback for my show? Or...” Dahan-dahan syang naglakad papunta sa tapat ng table ko.

“Payback lang ‘yon, ulol. Feeling mo.”

Pagkarating nya sa tapat ko, he leaned closer to me, nasa pagitan pa rin namin ang table ko. “Hindi kaya...” Seducing ang tinig nya.

“Ang landi ng boses mo. Ayus-ayusin mo nga!”

He chuckled. Ano bang trip nito at lumalabas ang pagkahaliparot nya? Nahawa ba sya kay Maja? Teka, chicks nya nga ba talaga ‘yon? Baka naman yung model kanina? Chicks nya din ‘yon? Walangya. Ang daming chicks! Ibang klase! Chickboy talaga e!

“Laida, nagseselos ka ba?”

“Gago ka ba? Aba’t hindi lang ang pagiging chickboy mo ang pinaiiral mo e! Pati kakapalan ng mukha mo! Nako, naiirita na ko ha!” Umupo na lang ako sa upuan at nagcross arms.

“Aba, suko ka na ba? Pikon na ang prinsesa? Aww.”

“Wag mo kong tawaging prinsesa.” Inirapan ko sya. Wala naman talaga syang karapatag tawagin akong prinsesa, eh. Si Riq lang ang may karapatang tawagin ako ng ganun. Yung batang Riq. Hindi si Riq na niloko ako. Definitely, hindi rin si Gerald, na si dating Riq ko. Bigla na lang parang may kumpirot sa puso ko uit. Memories. Burahin mo na yan, Laida. Memories na lang ‘yan, alalahanin mo.

Nakita kong nanlambot ang mukha nya. Naaawa sya sa akin, dama ko. Pero hindi dapat. Hindi nya dapat ako alalahanin. Matatag ako. Kaya ‘ko ang sarili ko. Pero teka, baka nag-aassume lang ako na iniisip nya ang damdamin ko. Hindi. Wag.

“What is happening here?”

Nanlambot rin ang mukha ko nang nakita ko si Mommy at Daddy na pumasok sa opisina ko at napatingin sa aming dalwa ni Ge.

“Nag-aaaway na naman ba kayo?” Tanong ni Mommy.

Napayuko naman kami ni Ge.

“Aw. My dears, magbati na kayo. Hindi pa man kayo kasal, ganyan na kayo? Papaano na yan kapag magkasama kayo sa iisang bahay?”

Nagkatinginan kaming dalawa at di alam kung anong gagawin.

“C’mon, Lai.” Nakapamewang si Daddy. “Say sorry.”

Nagpacute ako. Kunwari sorryng-sorry ako. “Sorry, babe.” EWWWWWWWWW. Ano ba naman kasing kabantutan ‘tong babe. Kadiri talaga!

“Riq?”

Status: UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon