Chapter 9: Warning?

2.2K 66 5
                                    

Chapter 9: Warning?

Yui's POV

"Hindi pa tayo tapos. Tandaan mo yan."

I paused for a while. Humarap na sya saakin at ngumiti uli bago umalis.

He's plotting something.

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Meika.

"W-what did you just do? Kinalaban mo ang Dark Kingdom." Nag-aalala ang tono ni Meika. Napalingon naman ako kay Shina nang magsalita sya.

"Will you be alright?"

Nginitian ko lang sila at tumango. Si Honey naman ang nagsalita.

"Lhea, thanks. If it's not because of you...maybe--" Di ko na pinatapos sa pagsasalita si Honey.

"It's not me. Mas magpasalamat ka sa boyfriend mo." Sabi kong mapang-asar at tiningnan si Kashi na namumula na. Napalingon rin si Honey na ikinapula rin. Hala! May lagnat na ba sila?!

"But still, kung hindi dahil sayo baka naparusahan na kami." Pag-iiwas ni Kashi ng topic. Ngumiti ulit ako at umiling naman. Tumango ako kanina eh. De joke.

"It's because I'm moved by your actions. Gusto mong maprotektahan ang mga mahahalaga sayo." I said as I turned my back from them. Di na sya sumagot pa dahil alam kong wala syang comeback. Hehe.

Nagtitinginan na ang mga estudyante saamin kaya umalis na rin kami.

Ah, nasabi ko na ba ang schedule namin? Baka malito kayo so this is our sched.

8:00 am to 9:00 am--Science
9:00 am to 9:30 am--break
9:30 am to 10:30 am--Math
10:30 am to 11:30 am--History
11:30 am to 1:00 pm--lunch
1:00 pm to 2:00 pm--self-study
2:00 pm to 3:00 pm--Diff. Lang. Study.

Every Friday nagiging double period ang Language studies kaya 4 kami nakakauwi. Like yeah, huli na nga kami papasok ang aga pa ng uwian. Tsk. Hayaan na nga. Buti nalang mas advance na ako sa pag-aaral. Sigh.

(Babbit: Ah, gawa-gawa lang po ni Author ang Different Languages Study. Dyan po nila pinag-aaralan ang iba pang lingguwahe para masaulo or something.)

Hm...salamat sa paliwanag.

Anyway, kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang sinabi ni Hakuya saakin. Pero ano ang meaning nun? Declaration of war from the Dark Kingdom-so-whatever?

Should I take it as a joke? Or...a warning?

Hakuya's POV

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad papunta sa secret room namin. Secret kaya di ko muna sasabihin.

Kasama ko ngayon ang dalawang Black Knights: Rey and Ryu Cleinsworth from the East Kingdom.

"Ah~. She got us, she got us." Disappointed na sabi ni Rey habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo nya.

"Meika...scary..." bulong ni Ryu na parang nanginginig pa. Silent type kasi.

"Huwag kayong mag-alala. Makakaganti rin tayo sa kanyang inasal. Hindi ako makakapayag na may mang-insulto saatin." Sabi ko na ikinatawa ni Rey

"Hahahaha! Ayos din yang tono mo, pre. Haha, p-parang yung matandang hari na lalaban. Pfft...hahaha!"

"Hakuya...weird..." Walang expression na sabi ni Ryu.

I don't want to hear that from someone like you.

"But, ano na ang gagawin mo ngayon...Black Prince?" Mapang-asar na tanong ni Rey. I turned my head to look at him with my hands in my pocket.

"Of course, find a way to take down that White Princess."

Yui's POV

*sneezes*

"Ugh..." Inalis ko sa pagkakatakip sa bibig at ilong ang panyo ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Shina. Nasa loob kasi kami ng classroom ngayon nagbabasa ng libro. Busy sina Honey maglaro ng chess kasama si Kashi. Nanonood lang ang iba.

"Oo, ayos lang." Sagot ko. Humarap naman saakin si Michael.

"Mukhang may naka-alala sayo ah." Sabi nya tapos nanood ulit kina Honey.

"Mag-iingat ka, Lhea." Seryosong sabi ni Kashi pagkatapos nyang itira ang white queen.

"Yeah, it's a black prince we're talking about here." Dagdag naman ni Honey pagkatapos igalaw ang black king.

"One wrong move can lead to..." Sabi uli ni Kashi nang itira nya ang white queen.

"Checkmate." Si Honey naman ulit nang maka-checkmate na sya.

Kailangan talaga kasama pa ang chess?

"Mm. I got it." I said with a simple smile. Ngumiti rin silang lahat.

I won't let my guard down. Looks like I have another mission.

Hakuya's POV

"So, ano na'ng gagawin natin?" Tanong ni Rey habang kumakain ng potato chips. Si Ryu naman ay nakasandal sa sofa at natutulog. Nakaupo lang ako ng tahimik dito.

"I still don't know. Kaya nga nag-iisip eh." Pambabara ko sa kanya. Umasim naman ang mukha nya.

"Ang cold naman." Sabi nito. Tsk. Buhusan ko kaya ng yelo? Maramdaman nya ang tunay na cold.
Nabigla kami nang magsalita si Ryu na akala namin natutulog.

"Anyway, did you remember it? That time she said...

'Oh, in that matter, you should be at ease. I'm a very,very best friend of Yui.'

Isn't that right?" Napatahimik kami dahil dun at napaisip. Well, that's true...

"Hmm...so what's her relationship with Princess Yui?" Tanong ni Rey at nakahawak pa sa baba nya. Binatukan ko naman ang tanga.

"Did you not hear us?! Ang sabi nya very, very best friend nya nga daw si Yui! Tanga lang pre?" Sabi ko. Nagpout lang sya at hinimas-himas ang ulo. Tsk. Di naman bagay.

"Kung naiinggit ka sa kagwapuhan ko pre, sabihin mo nalang." Mapang-asar na sabi niya at nagsmirk pa. Batukan ko kaya uli? Ay, nabagok na ba ang ulo sa pagbatok ko? Isa pa kaya?

"Oy, oy. Alam ko na yang iniisip mo!" Sabi nya at nag-ala karate pose pa. Suntukin ko na kaya?! Well, forget it.

"Shut up." I said. Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana na nasa north ko. I glanced at it.

Lhea Alexa Claveria, huh? Mukhang may kumakalaban nanaman saakin ah. But for the first time na gumamit ako ng term na White Princess. She should be grateful.

But I think aatras lang naman sya kaagad. Heh. Wala pang nakakatagal sa pagkalaban saakin 'no.

Maybe even tomorrow, she'll say sorry and then walk out like the other ones.

************************
A/N: Hello! May nakakabasa pa ba?? Hehe. Sorry po kung may errors. May hindi nga tama sa phone ko eh kasi may mga text na 'di ko makita. Anyway, thanks!

Royal Academy: School Of The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon