Chapter 5
"Mooom where are we going?" Paulit ulit na tanong sa akin ni Calyx dahil hindi ko siya nasasagot dahil ka chat ko si mommy para ibalita na maghahanap na kami ng bahay ngayon.
"We're going to find a house baby." I simply said
"Whyyyy? Are we gonna live here? Yaaaay! I like it here! I like to see my ninong and ninang everyday and my dad also." Masayang sabi ni Calyx
"Uhm we'll be staying here for the mean time, be a good boy huh? Mom will be working after your ninang Sophie's wedding." I told him
"Mom I'm always a good boy, lola told me not to give you headache." Nakangiting sabi niya
I just kissed him on his temple and started to get ready, maya maya lamang ay nandito na si Grace. Bibili na din ako ng dress para sa after party ni Sophie bukas pagkatapos naming maghanap ng bahay na malilipatan.
"How are you baby boy?" Magiliw na bati ni Grace kay Calyx nang makasakay kami sa kotse nya
"I'm not a baby anymore ninaaaang, I can protect mommy na nga eh!" Itinaas pa ni Calyx ang braso niya para ipakita ang muscles niya kahit wala naman kaya natawa kami ni Grace
"Ay nag tatagalog pala yang anak mo!""Oo naman no! Anong akala mo? Madalas naman kami mag usap ng tagalog nito ewan ko ba kung bakit english ng english ngayon." Natatawa kong sagot. "Anyway, saan tayo?" I asked
"Dun sa dati naming condo ni Sophie, may kakilala ako don I called her last night kung may available na unit na pwedeng upahan kahit 1 month, she'll tour us today." She answered."Pag nagustuhan ko yon, dun na lang. Ayoko na tumingin pa sa iba nakakatamad mag ikot ikot."
"Okay, maganda naman don magugustuhan mo sigurado tutal tambay ka sa condo namin ni Sophie dati." Grace said
"Kailan nyo nga pala binenta yon? Saka bakit?" I asked curiously
"Wala lang, gusto na din kasi namin mag solo after nung grumaduate, another thing is yung location ng work namin, malayo sa condo kaya we decided to sell it at lumipat sa magkaibang condo." She explained
"Sayang wala ako ng graduation nyo." Malungkot na sabi ko
"Atleast you still manage to graduate after what happened to you. Imagine halos 1 year ka pa lang sa trabaho mo pero you manage to be on the top!" Tila proud na sabi ni Grace
"Yeah, thanks to Calyx. Siguro kung wala siya lugmok pa rin ako." I honestly told her
"Do you still love him?" She asked suddenly kaya napatingin ako sa kanya
"I don't know. Ngayon pain and anger ang nararamdaman ko for him." Kibit balikat kong sabi. "You know the feeling of being used? Pero sinong niloko ko, ako ang may gustong gamitin niya ako." I added"Ano ba yan feeling ko maiiyak ako. Hahaha. Wag na nga natin pag usapan baka naiintindihan tayo ng anak mo." She said
"Mabuti pa nga. Today is a good day, ayokong masira lang dahil sa kanya." I told her
"Grabe I can't imagine, ikakasal na si Sophie bukas." Iiling iling na sabi ni Grace habang diretso ang tingin sa daan"Oo nga eh, imagine sa lahat ng pinag daanan nila simbahan ang ending. Dati rati umiiyak pa si Sophie sa atin dahil kay Luke." Natatawa kong sabi
"Yeah I remember those days, mukha siyang zombie pag lumalabas ng condo halatang broken hearted." Grace said.
"Eh ikaw? Wala ka manlang nababanggit na boyfriend ah or manliligaw manlang." I said
"Wala eh, I let him slip away. Anyway it's a good thing kung sakin naman napunta si Robi malamang he'll be stuck on someone who is a relationship phobe like me. Magkakasakitan lang kami." I see pain in Grace eyes ayoko lang itong pansinin dahil alam kong ayaw nang pag usapan pa ni Grace yon