Chapter 18
"Bakit ka busangot na busangot? san si Calyx?" Bungad ni Renz nang makapasok ako sa unit ko.
"Iniwan ko muna kay Ethan, natutulog eh" Halos nag dadabog kong sagot habang inaayos ang ilang gamit na pinamili namin
"Bat ba ang init nang ulo mo sasandali ka lang na nawala" Pag uusisa pa ni Renz.
"Ethan" Tanging sagot ko
"What it is now? Kakapuri ko lang sa inyo na you are getting along well tapos may ganyan na agad?" Kunot noo na tanong ni Renz
"He's telling me that I can't date anyone because I already have a son. What a bullshit right?" Reklamo ko
"Maybe he's jealous?" Nakangising sagot niya
"Siguro mamatay na tayong lahat pero hindi niya yon mararmdaman sakin" Simpleng sagot ko habang nag aayos nang kusina.
"Sobra ka, dinamay mo pa kami. Baka pwedeng ikaw nalang mamatay" Biro pa niya kaya hinampas ko siya nang sandok. "Seriously speaking, may chance Ina. Wag ka magpabulag sa galit na nararamdaman mo." Seryosong dugtong niya
"I thought you are "Anti-Ethan" what happen Renz?" Nagtataka kong tanong.
"And I still am. I hate him to the bones but I am just stating facts here Ina because that's what I see." Nag tuloy tuloy ang usapan namin ni Renz tungkol sa bagay na yon pero naputol lang iyon nang may tumawag sa kanya para pumunta nang opisina.
Hanggang sumapit ang gabi bumalik ako sa condo ni Ethan para makapag ayos at mag bihis. naabutan kong nakahiga sa tabi ni Calyx si Ethan habang nag cecellphone nang pumasok ako. Dirediretso lang akong kumuha nang damit at twalya. Hindi ako maliligo sa kwarto kung saan parehas kaming nandoon ni Ethan. Mahirap na, alam kong isang haplos lang niya sa akin ay maari akong bumigay.
Hanggang sa matapos akong maligo ay sa banyo na ako nag bihis. I wore a black sleeveless maxi dress. Nag aayos na ako sa sala nang lumabas si Calyx at si Ethan sa kwarto. kinukusot kusot pa ni Calyx ang mata niya bago lumapit sakin. Si Ethan naman ay naupo sa kabilang upuan. Ramdam na ramdam ko ang paninitig nito sa akin.
"Mommy are you going out without me and daddy?" Tanong ni Calyx habang nakasiksik siya sa akin
"I'm going to meet your Uncle Hans baby but I'll come home early." Hinalikan ko ito sa noo. Ramdam na ramdam ko pa rin ang paninitig ni Ethan sa gilid.
"But mommy I wanna go with youuuu" Nakangusong sabi ni Calyx
"Next time baby I promise. But for now you go with Daddy okay?" Tumango naman ang anak ko ngunit naka nguso itong pumunta sa Daddy nya habang ako ay itinuloy ko lamang ang pag ayos
"I told you, you should stay here." Diretsong sabi ni Ethan bago pa man ako lumabas nang pinto. Hindi ko alam na nakalapit na si Ethan sa akin. Si Calyx naman ay nag lalaro sa sala