Chapter 9
"Sabay na tayo bukas papunta sa simbahan" Ethan suddenly said while we're on the road
"H-huh? Susunduin yata ako ni Renz bukas." I said.
"Tell him that I'm going to fetch you. Easy." Matiim niyang sabi
"Magkikita naman tayo sa simbahan bukas. I don't want to be a burden, along the way naman kila Renz yung hotel na tinutuluyan ko." I insisted
"Wag ka nang makulit, let me do it." Pag pupumilit pa niya.
"You know well that things are not like before right? Na kahit anong sabihin mo para akong tangang susunod, I changed already, Ethan. At sana ikaw din." Hindi ko napigilang sabihin. Nanatili lang siyang tahimik, nakatuon lamang ang mga mata niya sa kalsada. Si Calyx naman ay tulog na tulog.
Hanggang sa makarating kami sa hotel na tinutuluyan namin ay tahimik pa rin kami. It was awkard again. Siguro hindi na mawawala itong awkwardness na nararamdaman namin, things are not that easy for us. Kahit na nagkapatawaran na kami, may parte pa rin na hinding hindi kayang hilumin ng isang sorry lang."Dito nalang kami." I finally said.
"Hatid ko na kayo sa room niyo, ako na bubuhat kay Calyx." Tumango nalang ako, di naman ako shunga. Alam kong di ko ayang buhatin si Calyx pati na ang mga pinamili namin
Nang makarating kami sa tapat ng room namin ay hinanap ko na agad ang keycard ko, the ride in the elevator was awkward. Ano ba? Maghapon ko bang sasabihin ang salitang awkward?
"Hey I'm sorry for what happened earlier." He said after he put Calyx on the bed
"Sana naintindihan mo kung bakit ko nasabi yung kanina." I told him
"Yeah I understand. I feel that I have crossed the line. So see you tomorrow?" He asked
"Yup. Sabihin ko nalang kay Clayx na bukas nalang ulit kayo magkita." Balik kong sabi
"Alright. Bye. Thank you again." Tumango na lamang ako at hinatid na siya palabas sa kwarto
Nakahinga ako ng maluwag nang maisarado ko na ang pinto. This day is such a long day and so exhausting. My legs feels like jelly. Parang hapong hapo ako. The good thing is I handled my emotion well. I heard my phone ring kaya nabalik ako sa ulirat.Graciella Calling...
"Girl! Anong balita?" Agad niyang bungad sa akin ng sagutin ko ang tawag niya
"Pag ikaw Grace nakita ko bukas, kukurutin ko agad yang tingle mo. Tangina, bakit mo hiayaang si Ethan ang sumama sa amin sa mall kanina? Do you know how awkward it is?" Naiinis kong litanya sa kanya
"Alam mo girl. I just did it for your son, para naman ma feel niyang may daddy na siya. Oh eh bakit ka affected? Mahal mo pa kasi no? Kinilig ka no?" Pang asar na tanong niya sa akin
"Ewan ko sayo Grace. Alam mo naman ag sagot diyan." I sighed
"Ina, whatever happens siya ang ama ng anak mo, labas jan ang nararamdaman mo. Lalo ngayon, alam na nila ang totoo malamang niyan mas madalas kayong magkikita ni Ethan. Kaya mo ba? Para naman kay Calyx yan eh." Seryosong sabi ni Graciella
"Alam mo naman ang sagot jan diba? Lahat kaya kong gawin para sa anak ko. Yung nararamdaman ko? Ibabaon ko nalang to." I said
"Mahirap yan 'te pag nabunot. Masakit. Alam naman natin parehas na Ethan doesn't like you. Oh sorry if that's harsh pero iyon ang katotohanan." Straight to the point na sabi niya"Aray hah. Parang ang pangit pangit ko naman sa pagkakasabi mo niyan. Alam ko naman yon, I'm not his type, nagkataon lang na may anak kami kaya siguro pinapakisamahan niya ako ngayon compared dati na halos ihulog niya ako sa bangin. Well pwera nalang kapag nasa kama kami." I smirked at my self after I said that
" Hoy libog nito! So ano gusto mong iparating nasarapan siya sayo? Nako Cristina lubayan mo ako ah. Maghanap ka na kasi ng bago! Dami daming nanliligaw sayo eh." She said. Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Virgin."Alam mo namang di ko priority yon diba? Saka na, pag mejo lumaki na si Calyx." Sagot ko naman
"Girl, walang pinipiling oras yan. Saka ang tino na mag isip ng anak mo no. Ang sabihin mo di ka lang ready, na mahal mo pa rin kasi si Ethan." Agad naman na sumbat niya
"Fine. Think whatever you want. Basta darating yan kung darating. Wag mo ko problemahin." Tanging naisagot ko
"Anyway I just called you to know if you got home already and ask if Renz will pick you up tomorrow. Oh hey, maybe Ethan will pick you up right?" She asked
"Nah. Renz will pick us up. I'll just see you tomorrow I'm tired it's such a long day." I said
"Alright! See you!" I ended the call after she said that
I checked my email before going to sleep, kailangan ko malaman kung ano nang balita sa project ko dito sa pinas at isa pa baka may dagdag na announcement ang boss ko malintikan pa ako kapag di ko nalaman
At tama nga ako, Hans left a message saying that he's on his way here in the Philippines and we'll have a meeting as soon as he gets here and it will be on monday. Monday na agad. Dapat flight ko na non pabalik sa Europe eh.Kailangan ko pa tuloy i-check yung mga designs ko ngayon dahil siguradong bukas late na kami matatapos sa after party ni Sophie.
I wonder, what if nalaman ni Ethan dati na magkakaanak kami papakasalan niya kaya ako? Damn, who am I kidding syempre hindi no. He's so persistent at getting Sophie at that time impossibleng bigyan niya kami ng oras ni Calyx. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako tuwing masasagi sa isip ko ang ideyang iyon. Ano bang wala ako na meron si Sophie? Tangina, tinanong ko pa talaga kahit naman na alam na alam ko ang sagot. She's every man's dream, kita mo nga si Luke ang nabingwit nang gagang yon. She has something that I can't explain but can attract people. Sophisticated, intelligent, beautiful sige na, lahat na nang positive adjectives na pwede nasa kanya na iyon
Unlike me, madaldal, mejo matalino lang, pero funny naman ako ah. Sige iaangat ko pa ang bangko ko. But seriously why am I thinking about this? Pinapalungkot ko lang ang sarili ko eh. Paulit ulit na lang tong mga naiisip ko. Maybe hindi talaga kami ni Ethan, masayado ko lang ipinagpilitan na dapat siya, kasi siya ang unang nagustuhan ko noong college. Dapat nilawakan ko ang mundo ko. Dapat hindi ako nag focus sa kanya. Dapat inuna ko muna ang sarili ko bago siya. Dapat inalam ko kung anong posibleng mangyari.
Eto nanaman, sinisisi ko nanaman ang sarili ko. Ilang beses ko na bang sinisi ang sarili ko? Ilang beses ko na bang tinanong kung paano kung pinili kong mahalin muna ang sarili ko bago ang ibang tao? Ilang beses ko na bang sinabi na hindi ko na siya mamahalin? Ilang beses ko na bang sinubukang humanap ng iba?
Sa dami ng nangyari, may isang bagay siguro akong natutunan kahit papaano.
Hindi naman kasi dapat ginagawang mundo ang dapat ay tao lang. Hindi ko dapat pinaikot ang mundo ko sa taong may ibang mundong iniikutan.
![](https://img.wattpad.com/cover/65791835-288-k328289.jpg)