Chapter 8
"Kung gusto nyo intayin nyo na lang ako ni Calyx sa may playground sa labas baka mainip lang kayo." Agad kong sabi nang makarating kami sa mall.
"Nope samahan ka na namin, baka hanapin ka ni Calyx mahirap na." Sagot naman niya
"baka kasi matagalan ako, you know you'll get bored." I said
"Nope it's okay. I'm used to that." Kaagad niyang sagot.
"Oh... I should know. Malamang you date girls who loves to shop." I blurted
"That's not what I meant. I occasionally go with my mom when she shops." He simply said. Tumango na lang ako, damn I sounded like a jealous freak.
"Daddy I want a toy car. Can you buy meeeee?" Pa cute na sabi ni Calyx kay Ethan.
"Sure little man, anything for you." Masuyong hinalikan ni Ethan sa noo si Calyx
Nakita ko ang mga tingin ng ilang sales lady habang naglalakad kami sa loob ng mall. No, they are not looking at me, they're all looking at Ethan who's holding Calyx. What is it with guys who's good with kids? It makes them extra attractive you know, kaya di ko din masisi ang nga tingin ng mga babaeng to sa paligid namin. They are looking at Ethan with adoration na para bang hindi nila nakikita na nandito ako. Siguro naman kahit sinong makakakita sa amin ay iisipin na isang buong pamilya kami, Ethan, Clayx plus me pero mukhang wala iyon sa isip nila. Sabagay di naman talaga kami pamilya.
Nang pumasok kami sa isang boutique ay agad na lumapit ang isang sales lady sa amin, ang sarap lang salaksakin sa eyeballs tong gurl na to, ako yung bibili si Ethan ang kinausap. Walangya.
"Excuse me miss, I was the one who's gonna buy." Masungit kong sabi. Mukhang natauhan naman ang babae dahil hinarap na niya ako agad at inasikaso
"Wait for me here. Mamimili lang ako. Saglit lang to." I said to Ethan. "Calyx be a good boy huh?" Paalala ko naman kay Calyx
"Take your time, wala naman akong ibang lakad." Agad naman na sabi ni Ethan. Tumango na lamang ako at umalis. Nabubwisit na kasi ako sa katabi kong sales lady na panay ang hawi sa buhok at pa cute kay Ethan. Di naman pretty kainis. Lol
"Miss may small ba kayo nito?" I asked when I found a nude fitted dress. I just picked a simple above the knee dress, I like nude colors kaya ko nagustuhan yung dress na yon. Ayoko ng maraming arte sa pamimili ng damit. I'm not like Sophie and Grace na halos halughugin ang buong mall eh wala pa ring mapili. Kapag may nagustuhan ako I pick it right away. Kaya nga ako nasaktan eh, pinili ko yung taong di para sa akin. Char!
"Ma'am meron po, kunin ko lang po." She said. Nag hintay lang ako malapit sa fitting room para hintayin si ate girl na pa cute.
"Ma'am eto na po. Small po." Sabi niya habang inaabot sa akin ang damit
"Thanks." I just said and went inside the fitting room.
Damn, mababa pala ang neckline nito. Wala pa naman akong cleavage loljk. Actually, it looks pretty good on me, the fit is just right to show my curves. Damn, I look sexy in this dress. Haha! Agad naman akong nagbihis matapos kong mag fit. Di na ko bibili ng heels dahil may nadala naman akong heels na babagay sa damit na bibilin ko. Paglabas ko ng fitting room ay nagulat ako nang makitang nagiintay si Ethan sa labas buhat si Calyx na mukhang nakatulog na.
"oh dapat hinintay nyo nalang ako don." Tinuro ko pa ang upuan na pinag iwanan ko sa kanila kanina.
"It's kinda awkward right there you know." He said. I know what he's saying, akala ko ako lang ang nakapansin na panay ang pa cute sa kanya ng mga babae dito
