Chapter 11
I was staring at Sophie and Luke while they were exchanging their vows, I felt my eyes well up. How beautiful it is to fall in love for someone who's willing to love you with the same intensity as yours. Sophie and Luke was crying while saying their vows, kahit pinapakinggan ko lang sila dama ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng simbahan, halos lahat ata ng bisita ay nagpupunas ng mata at di napigilang umiyak. Hindi ako tumigil sa paglibot ng paningin ko hanggat hindi ko nakikita ang gusto kong makita until i saw him. He's staring deeply at Sophie habang buhat buhat niya si Calyx. Hindi ko mabasa ang nasa isip ni Ehan. Blanko ang tingin niya sa harap, pero alam ko tulad ko nasasaktan siyang makita ang taong mahal niya na iba ang minamahal.
Maybe I can say quits lang kami, hindi niya ako kayang mahalin, hindi rin siya kayang mahalin ng mahal niya. Pero hindi ako ganoong kasama para isipin ang bagay na iyon.
"Girl, you've been staring at him for atleast 5 minutes already, baka malusaw naman si Ethan niyan." Nabalik ako sa realidad ng kalabitin ako ni Graciella
"I can't help it. Gusto kong makita kung anong magiging reaction niya at kung paano siya masaktan" Bulong ko
"Para saan pa? Would it change a thing if you'll see his reaction? lalo mo lang sinasaktan yang sarili mo eh." Sermon niya
"Alam mo na sagot ko dyan." I said
"na ano? na sanay ka nang masaktan? That's not n excuse, tino-torture mo lang yang puso mo. maawa ka naman sa sarili mo." Sabi niya sabay irap sa akin
"You may now kiss the bride" Sabi ng pari kaya't di na ako nakasagot kay grace. Nagpalakpakan ang mga bisita sa loob ng simbahan, muli akong lumingon sa pwesto ni Ethan. His eyes are closed habang nakayakap kay Calyx at saka nito ito hinalikan sa pisngi. Nataranta ako ng biglang lumingon din si Ethan sa pwesto ko, hindi agad ako nakabawi ng tingin kaya naman matamlay ko siyang binigyan ng ngiti bago muling humarap sa kila Sophie.
nang matapos ang kasal ay sunod sunod na kaming nag silabasan sa loob ng simbahan kasabay kong lumabas si Grace si renz naman ay mukhang kausap pa ang iba naming mga kaibigan
"Baka naman kinalumutan mo pa yung dress mo para sa party later." Sita ni Grace
"Nope nasa kotse ni Renz. Ang arte kasi bat ba magpapalit pa ng damit okay naman na tong suot natin." Sabi ko
"Duuuh! Di bagay ipang party to no, tingnan mo nga masyado tayong balot na balot." Maarteng sagot ni Grace
"Ewan ko sayo ang arte mo." Tanging sabi ko. "Uy wait, si Robi ba yon? Diba crush mo yon?" I asked habang tinuturo si Robi
"Wag ka ngang magulo, mamaya may makarinig sayo eh." Saway niya sa akin kaya natawa ako. Inasar ko pa siya ng inasar kaya naman halos mamula ang mukha ni Grace sa inis