Chapter 22
"Can Calyx sleep here tonight?" He asked after a long silence. He's still standing near his door
"Baka hanapin niya ako pag gising bukas, iiyak yan" Simpleng sagot ko
"Edi pumunta ka agad dito bukas nang umaga, or you can sleep here also just like the old times" Tila ba hindi big deal na sagot nya.
"Are you kidding me?" Masungit na balik ko dito "Ano nalang sasabihin nang girlfriend mo pag nalaman niyang pinatulog mo ako dito" Dagdag ko pa
"Since when did you think of somebody else's feelings pag dating sa akin?" Naupo siya sa maliit na mesa kaharap nang sofa na inuupuan ko. He leaned infront kaya napasandal ako sa sofa
"Ano nanaman to Ethan?" Tinatagan ko ang boses ko dahil kung hindi ay manginginig ito
"Is this because of your boy toy?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong
"Hans is not my boy toy. I am serious about him." Balik kong sagot
"Ganon kabilis, Ina? Kaya mo akong palitan nang ganon kabilis?" Tanong niya ulit
"Ethan, please I already told you. I. AM. FUCKING. TIRED of loving you. Tapos na, ayoko na" Nagulat ako nang siilin niya ako nang halik. Nakakapang hina. Nakakalunod. Pero sa pag kakataong ito hindi ko hinayaan ang sarili kong magpadala sa ginagawa niya. Buong lakas ko siyang tinulak at lumayo sa kanya
"This is the last time that you can do that to me Ethan. Tama na. Hindi na ito katulad nang dati na isang halik mo lang tatakbo ako pabalik sayo at luluhod para mahalin mo." Nakatingin lang si Ethan sa akin mukhang nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig ko. "I'll go get my keys sa reception, pupuntahan ko nalang si Calyx bukas nang umaga." Hindi ko na siya hinitay na makasagot. Tumayo na ako kaagad at kinuha ang bag ko sabay labas sa pinto na hindi manlang siya nilingon
Mabilis ang tibok nang puso ko habang papalabas nang condo ni Ethan. Kahit naman anong tago ko ay alam ko pa rin sa sarili ko ang epekto niya.
Sinabihan ko nalang ang receptionist dito sa condo na dito nalang dalhin sa kanya nang admin ang susi nang condo ko dahil hindi ko na kayang mag hintay kasama si Ethan
Nang makapasok ako sa condo ko ay agad kong tinawagan si Hans. Kahit papaano ay dapat niyang malaman kung ano ang nangyari. I may not give him my heart but atleast he can trust me
"Hey" Bati ko
"Hey, babe, is there a problem? Ang tamlay nang boses mo" Sagot niya sa kabilang linya
"Natagalan ako makapasok dito sa bahay. Naiwan ko sa loob yung susi ko" Natatawa tawa ko pang sabi
"And?" Patanong niyang sagot
"I stayed at Ethan's condo for a while..." Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin bago ako nagsalitang muli "H-he kissed me" Dugtong ko. Narinig ko ang bayolenteng pag buntong hininga ni Hans sa kabilang linya "But I pushed him agad... are you mad?" I asked
"Babe... I won't, I won't lie. I am fucking mad right now, but I trust you. You pushed him away right? That's enough for me, atleast I know, I know that you are trying to make this work" tila hirap niyang sabi
"I-i'm so sorry, you have t-to experience this, ayaw kong masaktan ka, Hans" Naiiyak ko nang sabi
"No no. Stop crying, Ina. We'll do this step by step. Mabagal lang. HIndi kita minamadali. Learn to love yourself first, kahit yun lang muna, Ina. It's enough for me." Lalo naman akong naiyak sa sinabi niyang iyon