Chapter 21
"Where's Hans?" Tanong ni Graciella nang makabalik ako sa loob
"May emergency, he needs to go back to England tomorrow morning." Malungkot kong sagot habang nauupong muli sa pwesto ko
"Mommy!! Daddy Hans left us?" Tila maiiyak na sabi nang anak ko. Agad naman itong nilapitan ni Ethan at inalo
"Hey baby, nandito naman daddy mo don't be sad na" Sabat naman nang girlfriend ni Ethan. Hinalikan ni Ethan sa noo si Calyx habang inaalo ito
"He'll be back baby once his daddy is okay na. Don't be sad we'll call him every day okay" Tumango tango naman ang anak ko atipinagpatuloy ang pagkain nya pero mejo tumamlay ang awra nito
"Paano kayo uuwi nyan mamaya?" Tanong ni Sophie
"Ano pa at naging kaibigan ko kayo kung di nyo ako ihahatid diba?" Natatawa kong sagot habang hinihiwa ang steak na kinakain ko
"May date pa ako after this, pass ako" Agad na pag apela ni Grace napalingon naman kaming lahat sa kanya. The great Graciella is on the game again!
"Wow babae ka pala?!" Pang iinis ni Dave kay Grace. Tiningnan lang ito ni Grace nang masama na siyang ikinatawa namin
"I'll take you home, sabay na tayo tutal same building lang naman." Halos maitapon ni Luke ang wine na isinasalin niya nang magsalita si Ethan. Napatingin naman ako kaagad kay Ysabelle na napahinto din sa kanyang ginagawa at tumingin kay Ethan
"Pare ako na maghahatid sa kanila. You told us na may lakad kayo ni Ysabelle after this" Renz butted in. Bakit medyo na konsensya naman ako dito kay Ysabelle. Sobrang gago talaga nitong si Ethan
Natahimik naman si Ethan at agad na nilingon si Ysabelle na hindi kumikibo.
"Calyx come here, ang dungis mo na." Baling ko sa anak namin nang matapos na ang awkward moment sa lamesa namin
Nang matapos ang kwentuhan namin ay nagpasya na kaming umuwi, nag aaya pa nang night out itong sila Dave pero tumanggi nakami. Isa pa may kasama akong bata at may iba't ibang lakad din sila Grace
"That dinner is just so awkward. Feeling ko di ako matutunawan" Bulong sa akin ni Luke nang natatawa habang papalabas kami. Hinampas ko lang siya sa tyan nang tumahimik na
Buhat buhat ni Ethan si Calyx at kasabay niyang naglalakad si Ysabelle na pinipindot pindot ang braso ni Calyx. Mukha naman siyang mabait. I'd give her that
"Hey kunin mo na si Calyx, alis na tayo" Singit ni Renz sa amin
"Ako na lang kaya maghatid sa inyo" Sabat naman nitong si Luke "Wala naman akong gagawin and wala akong date. Kawang gawa lang naman" Si Renz naman ay lumiwanag ang mukha sa sinabi ni Luke
"Thank goodness! I'm saved bro" Binatukan ko si Renz dahil tuwang tuwa siya na di niya ako ihahatid
"Alam mo Renz, kung ayaw mo pwede namang humindi ka" Inirapan ko siya at nagtuloy sa paglalakad
"I'm sorry, I also have a date pa kasi!" Sigaw ni Renz dahil
"Hey hindi ka ihahatid ni Renz?" Agad na tanong ni Ethan nang makalapit ako sa kanya
"Si Luke na lang daw maghahatid samin." Agad kong sagot. "Calyx, let's go? May lakad pa si Daddy mo" Aya ko sa anak kong naka kapit pa sa leeg ni Ethan
![](https://img.wattpad.com/cover/65791835-288-k328289.jpg)