Chapter 6

767 22 0
                                        

Chapter 6

"C-Calyx" tanging nasambit ko matapos niyang itanong iyon

"N-naku t-tara na nga si Ethan na magluluto mukhang gutom na talaga tong anak nyo, Ayy este a-anak mo!" Tila natatarantang sabi ni Grace. Tiningnan ko siya nang masama dahil sa sinabi niya pero nabasa ko sa mukha niya na pumayag na lang ako

"Please Cristina just this one." Pakiusap ni Ethan. Wala akong nagawa kung hindi tumango na lamang

Habang naglalakad kami papuntang unit niya ay wala naman siyang tigil sa pag lingon kay Calyx na hawak hawak ko ang kamay.

"Ethan kailan ka pa lumipat dito?" Graciella asked when we stepped in the elevator

"After graduation. Akala ko dito pa rin kayo ni Sophie kaya lumipat ako." I felt pain striking in my chest. Hindi ko na lamang ito pinansin, para namang di pa ako sanay this is just a little thing.

"O-oh I won't ask why cause I know the answer already." Grace just said

"Anyway that's only in the past. I'm happy for Sophie and Luke kaya wag na kayong mag alala na gagawa pa ko ng paraan para makuha si Sophie." He said

I just shrugged. Hindi ako kumikibo pero ang gusto ko ay makarating na agad kami sa unit niya para matapos na ang araw na ito.

When we arrived at the 12th floor ay agad naman na kaming naglakad papunta sa unit niya. Mejo nakahinga ako ng maluwag na sa 12th floor siya. Kahit papaano at malayo layo sa 15th floor kung saan namin balak tumira.

"Woow! Houses! Mommy look there's a lot of toys!!" Hangang hanga si Calyx sa mga miniature houses na sigurado akong si Ethan ang may gawa, yun agad ang unang napansin ni Calyx nang makapasok kami sa unit ni Ethan. No wonder why he's good at making these tiny houses he's a great architect kahit pa man nung nag aaral pa lang siya. I know cause I was his number 1 fan.

"Those are not toys Calyx. Don't touch them." Simpleng sabi ko

"No it's okay. You want to play with it Calyx? Come here." Kinuha naman ni Ethan ang atensyon ni Calyx at pinakita ang isang magarang bahay na gawa niya na umiilaw pa ang loob tuwang tuwa naman ang anak ko sa akala niya ay laruan.

"You can watch tv here, I'll just cook." Paalam niya sa amin. Tinanguan lamang siya ni Grace samantalang ako ay hinarap ko si Calyx

"Jusko ano bang nangyari?" Agad na tanong ni Grace nang mawala na sa paningin namin si Ethan

"God. I think I'm going out of my mind. Grace di ko alam kung maiiyak ba ako o matutuwa na may pakialam siya sa anak ko." Pabulong kong sabi. Si Calyx naman ay busy pa rin sa pagkalikot sa mga gamit ni Ethan

"I think this is the right time for the both of you to talk." Grace said

"You think? Naisip ko din kasi yan habang nasa elevator tayo eh. Di ko kaya yung para akong laging kabado kapag nakikita ko siya." I said

"Yeah and Ina, kailangan nyo ng closure." Medyo natawa naman ako matapos sabihin ni Grace ang salitang closure

"Wow, parang naging kami kung maka closure ka jan. Ay ewan, sige na pupunta ko sa kusina kakausapin ko siya." I said

"Hindi porket di naging kayo eh di nyo kailangan ng closure no, pero seryoso? Agad agad kakausapin mo na?" Tanong niya

"Lalo lang mahihirapan loob ko kapag tumagal pa to. At least if ever maganda ang kalabasan ng pag uusap namin ngayon, pwede ko nang sabihin kay Calyx ang totoo." I said

For The Love Of EthanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon