1 - Montefalco High

6.6K 140 40
                                    


Katherine.

"tara kath tignan natin yung listahan kung may new student!" sabi sakin ni patricia habang hila hila kamay ko para tumayo sa arm chair.

jusko antok na antok pa ako eh -.-" ang hirap kayang mag adjust ng tulog lalo na't first day ngayon huhu :'( nasanay na kasi akong madaling araw nang matulog nung summer kaya eto puyat ako.

tumayo nalang ako at sinundan ang mga kaibigan ko pababa para tignan ang listahan. By the way si Selena Patricia Cortez nga pala yung humila sakin kanina or pwede ring pat nalang or patricia which is my sister :) dejk bestfriend ko yan sa lahat ng tropa, kambal nga tawagan namin eh kasi sabi ng teachers di na daw kami mapaghiwalay kaya nagiging magkamuka na kami hahaha! sakanya ko lang nasasabi lahat ng problema ko at ganun rin siya. Feeling kasi namin, kami lang talaga nagkakaintindihan.

"John Sean Marquez? shet sana pogi!!" sigaw ni faye habang nakaharap samin.

ayan nga pala si Faye Noelle Gonzales, ang tirador ng lalaki samin :) dejk mahilig lang talaga sa mga pogi yan kaya ganyan haha!

"sana nga pogi! pangalan palang ang macho na eh 😍" sabi ni andrea, hay jusko isa pa 'to!

ayan naman si Andrea Cortez ang pinakafamous saming lahat dahil sa sobrang active sa facebook haha! marami rin kasing likers kaya natawag narin namin pinaka famous ng tropa :)

"jusko ayan nanaman kayo sa mga pogi pogi nayan! wala kayong mapapala jan! di magkakagusto sainyo yan kasi walang poreber!" sabi naman ni trisha hahaha! kahit kelan talaga 'to panira ng moment ng tropa

Si Trisha Barboza, ang pinaka kj sa tropa at sabihin narin nating joker 😂 without her feeling ko ang lonely ng barkada hahaha!

"baka naman kasi mamaya guys muka naman talagang tilapia yang John Sean na yan!" sabat naman ni nathalie kaya tumawa nalang kami sa sinabi niya hahaha!

Nathalie Soriano, ang pinakamatakaw na babae sa balat ng lupa pero cute parin kahit medyo chubby hahaha 😂 lapitin rin ng mga lalaki yan kasi nga diba kahit matakaw sobrang cuteee! HAHAHA

"Grabe naman kayo, di niyo pa nga nakikita mangjujudge na agad?" sabi naman bigla ni allaine na hindi natawa sa sinabi ni nathalie

ayan si Allaine Soriano ang piiiinakamabait saming lahat hahaha! siya lagi ang nagpapaalala ng mali sa grupo namin kaya masasabi narin namin di kami ganun ka bad sa batch namin! HAHAHA

"oo na sige na sorry na sa pagtawa namin okay? anong oras na ba? baka malate na tayo balik na tayo sa classroom!" sabi ni yssa, nagulat kami kasi baka nga late na kami kaya tumakbo kaagad kami paakyat sa classroom namin.

ayan si Ysabel Montez, ang bully sa barkada pero maalalahin samin, yung literal na maalalahin ha? yung laging nakakatanda ng kung ano ano? HAHAHAHA

at ako naman si Katherine Nicole Villafuente, ang pinakatahimik sa tropa :)) good po kasi ako at di bad kaya tahimik ako hahaha! pero masasabi ko ring ako ang pinakamaarte sa lahat kaya minsan kj din sa trip ng tropa hahaha!

pagkaakyat namin ng hagdan at papunta na sa classroom nagulat kami dahil wala nang tao kaya kinabahan na kami dahil nga baka late na kami, edi pumunta na kami sa harap ng classroom.

"kath ikaw magbukas ako kakatok bilis!" at tinutulak nila ako sa harap kaya napapunta na ako sa harap at sila naman ay nasa likod ko

"kayo na nakakahiya ka--" sabi ko ng biglang

*knock knock knock* kumatok si faye! jusko patay na ang lola mo nakakahiyang malate sa first day -,-

may nagbukas ng pintuan at nagulat ako O_O
JUSKO ANG GWAPONG NILALANG!! ang tangkad beh i kennat!! laglag ang panty ng lola niyo shet.

"excuse me?" sabi niya, shet di ko namalayan na natulala na pala ako habang nakatingin lahat ng kaibigan ko sakin at mga kaklase, shet nakakahiyaaa >.<

"uhm ah eh andyan na ba si sir?" sabi ko bigla

"wala pa eh" sabi niya then pinapasok na niya kaming magkakaibigan sa classroom.

"bago ka dito?" sabi ko out of nowhere pero shet siya ba yung john sean?

SHET SIYA NGA KASI SIYA LANG NAMAN NEW NA NAKALISTA DUN EH OMFFF

"uhm oo :)" shet ang gwapo i kennat na

"ah sige" sabi ko sabay alis sa harap niya at punta sa mga kaibigan ko

pagupo ko naman sinalubong na agad ako nila faye ng mga tanong

"siya ba yung new?" - faye
"ano sabi sayo?" - trisha
"bes ano pinagusapan niyo?" - nathalie
"mabango ba hininga?" - yssa

mga abnormal talaga 'tong mga 'to kahit kelan kaya di ko nalang sinagot at yumuko nalang ako. maya maya nung naramdaman kong busy na sila magchikahan bumangon ako at
tinignan si sean. Ang tahimik niya at nakatakip pa sa bibig niya ang panyo niya, wala pa siyang friends sa ngayon kasi first day pero sa tingin ko dun siya mapupunta sa grupo nila blake.

Si Blake Hunter, ang leader ng grupo nila at masasabi mong bully narin ng batch namin, sikat siya kahit sabihin mong di kagwapuhan, mvp ng basketball at president ng student council. Sa ngayon yan, pero alam kong matatalo na siya ni sean 😏

nakita kong nilapitan ni blake si sean para makipag kaibigan, sabi ko na nga ba isasali ni blake yan sa grupo nila e, okay narin para di siya loner.

nung lunch time napagusapan naming tropa si sean habang nakain sa canteen, di namin maitatangging gwapo siya kaya naman nagkagusto ako sakanya :) oo gusto ko siya hahaha gwafu kasi emeghed. so inamin ko sa mga kaibigan ko yun at nalaman kong gusto rin pala siya ni pat. bakit bestfriend ko pa?

----------
A/N wait for sean guys! and uhm trivia lang, yung pagkabasa ng sean ay parang "shan" HAHAHA sa mga di lang po nakakaalam, sorry if medyo boring start pero i promise na pag iigihan ko pa :)

I dedicate this chapter to parfaitazecchi for making my story cover 💕 thank you so much ☺️

Nasaktan, Kaya Ayun, GumandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon