Katherine.ilang months narin ang nakalipas simula nung makipaghiwalay siya. Aminin ko man o hindi sa sarili ko pero alam kong hindi parin ako nakaka move on.
"huy! okay ka lang?" sabi sakin bigla ni faye habang nag lalakad kami sa sm para mamasyal dahil last day na
"oo okay lang bakit?" sabi ko
"kanina ka pa nakatulala jan eh! makikipag kita pa tayo kela sean sa serenitea tas magbibilliards kaya tara na!" sabi ni faye na sinangayunan naman ni allaine
"kath napapansin kong lagi kang nakatulala at tahimik pag kasama natin ang tropa" panimula ni allaine
"UMAMIN KA, DI KA PA NAKAKA MOVE ON 'NO?" okay great sabay pa sila ni faye
"hala sila, ilang months na ang nakalipas 'no? nakamove on na ako!" oo deny lang ng deny dahil alam kong mang aasar yang mga yan
"feeling ko naman may chance pa eh..." sabi bigla ni allaine
"oo nga girl" sabi ni naman ni faye
"pinagsasabi niyo ha? gusto niyong masampal?" sabi ko naman sa kanila hahaha
"tss kung alam mo lang" sabi ni allaine na ikinagulat ni faye kaya pinanlakihan niya ng mata si allaine
"ang alin?" syempre di ako papatinag
"wala" pagtatanggi ni faye
"ano nga?" pagpupumilit ko
"wala sabi ko tara bilisan na natin baka nasa serenitea na sila" sabi ni faye kaya't hinayaan ko nalang at binilisan ang lakad papuntang serenitea.
serenitea...
naalala ko tuloy nung nilibre ko si sean dito nung nagdate kami kasi siya nagbayad ng ticket namin sa movie, yung time na sobrang dami naming pictures na kinuha na nasakin parin at hindi pa dinedelete... grabe sobrang nakakamiss siya, naiiyak nanaman ako pero hindi pwede argh
pigil na pigil akong pumatak ang luha ko ng pumasok kami sa serenitea at nakita silang nakaupo dun sa isang side ng tables. Si ej, daniel, sean at nicolo, kumpleto sila, ng makita ko si sean naalala kong dun nga pala kami umupo sa side na yun nung nagdate kami tas sobrang saya pa namin, di ko na mapigilan mapaluha
"faye saglit lang ah cr lang ako" sabi ko
"huh? sige bilisan mo" nakita kong tumingin si sean sakin at napakunot ang noo na para bang nagtataka
pagkalabas ko ng serenitea ay tuluyan nang lumabas ang mga luha kong kanina pa gustong tumakas, dumiretso ako sa cr at naghilamos pagkatapos ay bumalik na sa serenitea
pagkabalik ko ay nagulat silang lahat ng makita ako
"bakit? anmeron?" tanong ko sakanila na natatawa
"antagal mo" sabi ni nicolo
napansin kong wala si sean
"asan si sean?" tanong ko
"sinundan ka" sabi ni ej
"huh?" tanong ko ng bigla silang napalingon sa likod ko kaya napalingon narin ako
"sean?" tanong ko
"oh?" sagot niya
"san ka galing?" tanong ko
"nag cr lang rin" sabi niya
"ahh" sabi ko nalang rin
"sus pre sinundan mo lang si kath" sabi ni ej, hala anong nangyayari
napakunot ng noo si sean kaya't natawa sila
"sus sean, muling ibalik naba?" pangaasar nila faye hahaha
"nag cr lang rin ako sinundan na?" sabi ni sean
"bahala kayo jan oorder nalang ako" sabi ni sean at naalala kong di parin pala ako nakaka order
"sabay nako sayo" sabi ko
"ayieeee" pangaasar nila
"lah, anong masama?" sabi ko sabay talikod sakanila sabay pila sa likod ni sean sa cashier
"isa nga pong wintermelon milktea large with 75% sugar and pearl for sinkers" rinig kong sabi ni sean sa babae na nasa cashier
ayun parin pala ang inoorder niya hanggang ngayon...
"next mam whats your order?" tanong ng kahera
"okinawa milktea large, 50% sugar and pearl for sinkers" sabi ko sa kahera
"ayun parin pala gusto mo" sabi bigla ni sean na nasa tabi ko
"ah oo" sabi ko nalang
"wintermelon milktea for sean and okinawa for kath?" tanong ng kahera kaya't kinuha na kaagad namin iyon at bumalik sa upuan
pagkabalik namin sa upuan ay ang natitirang bakante nalang ay ang nasa dulo na magkatabi. Nakatingin samin ang tropa habang nakangiti hala
"upo na" sabi ni daniel
"ano masama kung magkatabi kayo? tropa naman kayo diba? past na yun?" sabi ni faye
"kaya nga, may sinabi ba ako?" sabi ko at tuluyan nang umupo kaya't sumunod nalang si sean
madami kaming napagkwentuhan at nasabing mamimiss namin ang isa't isa dahil lilipat na ako ng school next year.
Sean.
nakita kong ang lungkot ni kath pagkapasok ng serenitea kaya't nag alala kaagad ako. kilala ko siya kaya't alam kong paiyak na siya sa lagay na yan
"cr lang ako" sabi niya kay faye kaya't dun palang ay alam ko na talagang may problema dahil dati nung kami pa ay pag nalulungkot yan magpapaalam kaagad na mag ccr
napagisipan kong sundan kaya't nag excuse ako sa tropa na mag ccr lang din ako.
"guys cr lang ako" pagpapaalam ko sa kanila
"cr ha? hindi sunod?" tanong ni faye na para bang may naiisip
hay nako kath kung alam mo lang kung gaano ako nagseselos sa tuwing nakikita ko kayo na ni nicolo na nagtatawanan, gustong gusto ko na suntukin si nicolo sa tuwing nakikita ko kayong masaya pero bawal dahil wala naman na nga palang tayo at alam kong magkaibigan kayo.
pagkalabas ko ay nakita ko kaagad si kath na nagpupunas ng luha habang naglalakad papunta sa cr, nang nasa cr na siya ay nagtago muna ako bago lumabas si kath para di ako makita, nasa isip ko parin at takang taka habang sinusundan ka pabalik ng serenitea
"kath ko ba't ka umiiyak?" bulong ko sa sarili ko
kath sana ganun lang kadaling bumalik sayo...
-------------
A/N: Update today because it's saturday!! sorry guys kung hindi na ako madalas makapag update, nagstart na kasi ang school and always pagod pagdating sa bahay.btw im losing hope na to finish this story kasi di kayo active sa comments huhu.
but still thank you sa nagbabasa nito ngayon💖
Happy Reading guys!
BINABASA MO ANG
Nasaktan, Kaya Ayun, Gumanda
RomanceA girl who was betrayed and aiming for revenge 💖 Story Cover By: @parfaitazecchi ❤️