Katherine.*beep beep*
hala anjan na pala yung service lagot di pa ako nakakapagbihis oh nooo
"kuya saglit lang" sabi ko sa driver namin sabay takbo sa kwarto para makapagbihis ng mabilis.
grabe naman kasi 5:30 palang susunduin na ako? antamad naman kasi ng driver eh, pag malayo bahay mo isasabay ka sa mga CAT na 6:00 ang pasok jusko pamatay. Di panaman ako sanay matulog ng maaga kaya parati nalang rin akong nalalate gumising.
"kaaath?!" tawag ni kuya roy na driver ng service namin, tapos narin ako magbihis kaya lumabas na ako.
"kuya eto na!" kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng bahay.
pagdating ko sa school ang aga pa jusko ako palang nasa classroom kaya naman natulog muna ako, dahil rin sa antok ko dahil puyat ako kagabi ay nakatulog narin ako agad.
"kath gising na! flag magfaflag cem na" pang gigising ni faye saakin kaya't nagising narin ako
andami naring tao sa classroom kaya nagulat ako, eh bakit parang 10 mins lang ako natulog? pagkatingin ko sa relo ko 7:00 na, hala isang oras na ako natulog nun e parang 10 mins lang?
*ring ring ring ring*
nagring na yung bell kaya bumaba na kaming lahat sa gym para mag flag ceremony, di ko alam kung anong sumagi sa isip ko pero hinahanap ko siya. Asan na yun eh anong oras na?
"huy! nakalimutan mo na bang laging late pumasok yun?" sabi sakin ni faye nung nahalata niyang hinahanap ko si sean
"bakit? hinahanap ko ba siya?" sabi ko
"tignan mo palusot ka pa halata naman hahahah!" tas tumawa siya, shet oo nga 'no antanga ng sagot ko amp -.-"
nung paakyat na ang mga grade 7 sa classrooms nakita ko na siyang naglalakad, jusko kahit kelan talaga 'to badboy -,-" lagi nalang late kaya panigurado akong may late slip nanaman yan.
"kahit kelan talaga si sean eh 'no? di pa ata nakaka attend ng flag cem yan eh, buti pa sila ej maaga pumasok unlike him"
nung kami na ang pinapass para umakyat sa room nakita ko na siya sa pila ng boys namin.
"good morning kath!! :))" aba ang ganda ng umaga ah? napatingin ako sa kanya at sa hawak niya.
"good morning, ano yang hawak mo? morning love letter?" sabi ko sakanya
"oo binigyan ako ng principal, crush ako nun e, ang gwapo ko daw kasi :))" sabay tawa niya aba ang hangin naman talaga.
"if i know binigyan ka nanaman ni ms. lorrie ng late slip tss"
"sorry na babe, bawal na ba malate ngayon? :((" sabi niya at ano? babe?! wth ang jeje mga bes HAHAHAHAH
"babe ka jan? pwe! di ako nakikipagjowa sa mga taga skwater!" sabi ko naman sakanya
"ano gusto mo baby? ayieee baby!" pangaasar niya aba ew may tawag na agad sakin eh di ko panaman sinasagot jusko
"baby ka jan? di pa tayo kaya tumigil ka jan!"
sabi ko naman."di pa? edi magiging?" sabi niya ng nakangisi aba sumosobra na 'to, pasalamat siya gusto ko rin siya kundi napakain ko na kay tabora yan
"tumigil ka jan parating na si ms. fatima" tas bumalik na siya dun sa upuan niya sa bandang pintuan dito rin sa likod, karow ko din siya.
>> Fastforward <<
Recess.
nagulat ako kasi biglang tumabi si sean sakin.
BINABASA MO ANG
Nasaktan, Kaya Ayun, Gumanda
RomansaA girl who was betrayed and aiming for revenge 💖 Story Cover By: @parfaitazecchi ❤️