5 - Getting Closer

2.5K 91 8
                                    


Katherine.

after ng paguusap namin nung gabing yun ay nasundan pa ng napakaraming conversation kaya naman kinikilig na ang lola niyo pero alam ko parin ang aking limits kaya't hindi ako umaasang magkakagusto siya sakin kasi nga sabi niya dati kay nicolo na "she's not my type" at sinabi rin ni nicolo na ako daw yun kaya di na ako umasa pa.

one month na ang lumipas simula nung naging close kami ni sean at july na ngayon. Naghahanda ang lahat para sa GA, event ng school namin na maglalaban laban ang bawat section ng batch namin sa sayawan/pagpapatawa/pagdadrama at kung ano pang gusto naming gawin na talent as section sa harap ng buong montefalco high. Bawat section ay may sariling mga mentors na 4th year high school at naging mentor namin ang ibang kaibigan ni kuya at isang ex girlfriend niya.

habang nagpapractice ay bigla nalang may kumalabit sa likod ko kaya nagulat ako

"AY SHET SINO YAN!" pagulat na sabi ko kaya't lumingon agad ako sa likod ko para lingunin kung sino yun

pagkalingon ko
OMO TELL THIS IS NOT TRUE NAKAKAHIYA BEH SI SEAN PALA YUNG NANGGULAT SAKIN, nanlaki agad ang mata ko pagkakita ko sakanya

"ay sorry kath kung nagulat kita hahaha!" biglang tawa niya aba walang hiya

"bahala ka jan!" pagtataray ko sabay walkout hmp! -.-" nakakainis kasi feeling ko napahiya ako kaya nagwalkout nalang ako dun.

"uy kaaaath!! sorry na :(" paghabol at pagpapabebe niya sakin langya pasalamat siya bumagay sakanya pagpapabebe niya kundi di na kami magkakabati neto

"ano?!" pagpapakipot ko sakanya

"sorry na pleease? :((" pagpapaawa niya

"oo na pasalamat ka" sabi ko

"pasalamat ako gwapo ako?" sabi niya jusko ang hangin

"che!" sabi ko

"aruy na-che pa ako" sabi niya na parang kunwari galit

"sorry na" sabi ko pero di niya ako pinansin

"sorry na tss" sabi ko ulit

"libre mo muna ako" sabi niya, aba ang kapal ng muka neto ah

"bala ka jan tss" sabi ko

"nagbibiro lang eh hahaha! ang cute mo talaga magalit" aba tumawa pa ang hayup sarap sapakin -,-"

"k" sabi ko sabay walkout, di niya narin ako sinundan.

"OKAY ISA PA FROM THE TOP!" sigaw ni ate sarah sa isang group na magsasayaw samin ng problem by ariana grande.

Sarah Concepcion, ang ex-girlfriend ng kuya ko, alam kong di parin siya nakakamove on kay kuya na kahit sinaktan siya ni kuya mabait parin siya sakin :)

"pagkatapos niyo niyan gagawin natin yung final dance niyo, lahat ng st. joan na ang sasayaw" sabi ni kuya johndell

Johndell Sta. Maria, ang katropa ni kuya na mentor namin.

"johndell recess na nila eh, mamaya nalang" sabi ni ate abby

Abby Soriano, ang isa pa sa mga mentor namin pero hindi naman kaclose ni kuya :) ka-service ko siya sa uwian kaya medyo close din kami tulad ng ibang mentors.

"oo nga johndell after recess nalang natin ituro yung final dance nila" sabi ni ate sarah kay kuya johndell

saktong natapos na yung mga kaklase kong babae na sumayaw ng problem kaya pinag recess na kami ng mentors namin.

bumaba kami ni faye sa canteen para bumili lang ng pagkain, bumili kami nila faye at allaine ng cheezy at mountain dew in can as usual, fave kasi namin yun kaya ayun lagi naming binibili pag recess.

Pag akyat namin nagulat kami dahil andun ang tropa ni sean (wala na si blake kaya parang si sean na ang naging leader nila). Ang sad naman kasi akala namin masosolo namin yung room :(( pagpasok namin umupo agad kami sa teachers table para dun tumambay. nakagilid lahat ng upuan kasi nga sa room kami nagpapractice. nandun sila sa pintuan habang nagpapatugtog si ej sa speaker na gamit namin pang practice ng sayaw para sa pararating na GA. nagulat naman sila nung pumasok kami sa classroom na parang nakakita ng multo.

naubos ko na yung mountain dew ko kaya tumayo ako at pumunta sa bag ko para kumuha ng tubig.

"faye, allaine kunin ko lang tubig ko ah wait" sabi ko sabay tayo

"sige kath" sagot ni allaine

pagkaupo ko sa armchair ko habang kinukuha ang tubig, nagulat ako dahil tumabi bigla si sean sakin.

[Now playing, Samson by Regina Spektor]

"bakit?" sabi ko bigla nung tumabi siya sakin shet kilig ang lola niyo

tumayo ako para bumalik kela faye pero hinila ako ni sean pabalik.

pinatugtog bigla ni ej yung samson kaya ang romantic kinikilig me hihi

pagkahatak niya sakin nagulat ako kaya muntik ko na siya mayakap

"kath" sabi niya sakin

"sean" sagot ko

"kath uhm ano kasi.." parang kinakabahan pa siya

samson came to my bed
told me that my haid was red
told I was beautiful
and came to my bed

"hmm?" tanong ko sakanya

"kath?...  may chance ba ako sayo?" what the fuckd skss seryoso ba yun o nagiimagine lang ako?!! OH MY FUCK TOTOO BA TALAGA TO SKDJSNDJ

"ha?" tanong ko jusko antanga ko kusa nalang lumabas sa bibig ko

"may chance ba ako sayo?" omyfuck totoo nga ano sasabihin kooo? >,<

"yes" sabi ko

you are my sweetest downfall,
i loved you first,
i loved you first

and then the first thing i knew, he hugged me ☺️😭❤️ andami na palang nakatingin samin, tapos na pala ang recess kaya andito na silang lahat omg lahat nakakita pati mentors huhu

"so pwede na ba akong manligaw?" sabi ni sean hahah!

"oo?!" sabi ko naman

wtf di ako makapaniwala na di niya pinanindigan yung sabi niya saking "she's not my type" omg talaga tell me this is not happening 😭 kung panaginip man 'to gising niyo na ako kasi ayong umasa :((

akalain niyo yun? isang John Sean Marquez ang manliligaw sakin na kilala at heartrob sa school? omg your otp is coming mga bes HAHAHAHAHA



-------
A/N: so ayun sana kinilig kayo hihi, eto na po ang start ng kilig scenes mga bes HAHHAAHAHA

Comment lang kayo kung kinilig ba kayo para alam ko narin ang naging reaction niyo.

Thank youuu :)

Happy Reading! ❤️

Nasaktan, Kaya Ayun, GumandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon