44 - Garden

542 12 10
                                    



Katherine.



anim na buwan na din ang nakalipas mula nang mag break kami ni sean

at si nicole? ayun tuluyan naring nag laho kasabay ni sean after a month nung nag break kami. Sa pag huling pag kaka alala ko, nag migrate ata sila sa ibang bansa para dun na siya mag aral kaya ayun wala nang epal sa buhay ko, malungkot din naman kasi wala na si sean

"lamo minsan kelangan mo din mag enjoy" pag sisimula ni angelo habang tinatabihan ako sa garden ng school

"nagulat naman ako sayo, nanjan ka pala" kasabay ng tawa ko

"e anlalim kasi ng iniisip mo e, ano ba ginagawa mo dito mag isa?" tanong ni angelo sa akin habang nakatingin sa langit

"wala, naisip ko lang si sean. anim na buwan na rin yung nakalipas simula nung mag hiwalay kami, di ko lang ineexpect na magiging sila din pala agad nung fiancé niya in 2 months" sagot ko ng malungkot kay angelo

"ayun nga yun e, masaya na siya sa iba kaya oras na din para mag saya ka, wag kana magpaka stuck sa past at mag move on na" advice sa akin ni angelo na may pagka seryoso sa muka

hindi ako umimik at napa ngisi na lang kasabay ng pag tingin ko sa mga ulap

"ang ganda ng langit 'no?" tanong ni angelo

hindi ako umimik at tumingin lang sa kanya

"kasing ganda mo" sagot ni angelo habang naka ngiti at naka titig sa aking mga mata

napa isip nalang ako

dapat ba talagang kalimutan ko na si sean?

6 months na din ang nakalipas

araw ngayon ng ika anim na buwan na nag break kami

183 days

183 days na kaming wala pero hindi ko parin matanggap na may iba na siya ngayon...

di ko parin matanggap na...

iba na yung pinapa saya niya

iba na yung binabanatan niya ng corny pick up lines niya

nasa ibang babae na siya

at higit sa lahat...

iba na yung papakasalan niya

at hindi ako yun

iba na yung makakasama niya pang habang buhay...

hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko

bigla nalang akong nakaramdam ng yakap mula sa likod ko

tumalikod ako para tignan kung sino ba 'to

"angelo??" gulat ko nung makita ko siya

"shhhhh, iiyak mo lang yan para mawala na"  kasabay ng pag tapik niya sa likod ko

at sa puntong yon, mas naiyak ako lalo

niyakap ko si angelo at di na maiwasang humagulgol

tama si angelo, anim na buwan na ang nakalipas.

kailangan ko nang mag move forward at kalimutan lahat ng nangyari

kahit masakit, kakayanin ko.

tumigil ako sa pag iyak at pinunasan ang muka

"okay ka na?" tanong ni angelo

"okay na haha" at pinilit kong tumawa

Nasaktan, Kaya Ayun, GumandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon