Katherine.saturday ngayon at buti nalang walang pasok 💖
"mall tayo anak" yaya ni mommy sa akin habang kumakain
"sure mom" sagot ko sa kanya
"bawal kang tumanggi sa mga gagawin natin ha?" sabi niya naman
"huh? ano po ba yun?" tanong ko sa kanya ng may halong pagtataka
"basta. bilisan mo na jan at maligo kana" sagot niya nalang
ano kaya yun? naeexcite tuloy ako huhu
tumayo na ako at nag ayos para sa pag alis namin.
nang maayos na ako ay lumabas na ako
nakita ko si mommy na nagiintay sa sala
"tara na" sabi niya kaya't umalis na kami at dumiretso sa mall
pagdating ng mall ay pumunta kami ni mommy sa isang parlor
"hi mam manicure and pedicure po?" tanong nung lalaki na nag aasist
"yes kaming dalawa" sagot ni mommy
"pero mo--" sagot ko sana ng nakita ko siyang pinanglakihan ako ng mata.
"sabi ko bawal tumanggi diba?" sabi niya
napatahimik nalang ako at sumunod sa mag mamanicure and pedicure sa akin
"anong color po ng nailpolish mam?" tanong nung babae
tinignan ko ang choices nila ng makita ko yung matte na dark blue
"eto ate" turo ko dun sa babae
pwede nailpolish this week sa school kasi intrams naman
"bagay po sa inyo mam, mas pumuti kayo sa kulay" sabi nung babae
"ehehe salamat" sagot ko nalang sa kanya
"ang ganda niyo po" sabi niya muli kaya't nagulat ako
"ikaw palang nagsasabi niyan sa akin" sabi ko sa kanya -_-" kasi totoo naman.
"kulang lang kayo sa ayos mam promise" sabi niya muli sa akin
"bolera ka ha hahahaha" sabi ko nalang muli sa kanya
tapos na pala ako kaya't hinanap ko si mommy. tapos narin pala siya.
nagbayad na si mommy at umalis na kami
nagulat ako ng dumiretso kami sa salon.
"mommy kakapagupit mo lang a?" tanong ko sa kanya.
"di naman ako e, ikaw" nagulat ako sa kanya at magsasalita na sana
"bawal tumanggi"
"kuya irebond niyo yan tas gupitan ng bagay sa kanya"
O_O
MOMMY YUNG TOTOO ANO NANGYAYARI
di nako nakapagsalira dahil hinila na ako nung hair stylist para irebond.
"yan maaam ang ganda mo naaa!! bongga!!" sabi nung hairstylist na nag gupit sa akin at nag rebond.
pag tingin ko sa salamin ay pati ako napanganga
ang ganda nga huhuhu
lumabas ako at pumunta kay mommy
"eto na ba yung anak ko? ang ganda moooo!! mana ka talaga sa akin" sabi niya sa akin na parang nababaliw na atsaka ako niyakap
"mommy nababaliw kana tara na" sabi ko sa kanya at hinila ko na siya palabas ng salon kasi nakakahiya na jusko lord
sunod kami na pumunta ni mommy sa cosmetics store.
BINABASA MO ANG
Nasaktan, Kaya Ayun, Gumanda
RomanceA girl who was betrayed and aiming for revenge 💖 Story Cover By: @parfaitazecchi ❤️