16 - Kundiman

1.7K 53 2
                                    


Katherine.

January naman na ngayon kaya't konting kembot nalang makaka alis na ako sa school na ito at duon makakapag move on ng maayos.

"anong oras na ba?" bulong ko sa sarili ko kasabay ng pagtingin sa wall clock na nasa paanan ng kama ko

"HALA 5:30 NA PALA MALALATE NA AKO" shems nagulat ako dun, hindi pa ako nakakaligo kaya't tumakbo na ako sa banyo at naligo ng mabilis

pagkalabas ko ng banyo ay tinignan ko ang cellphone ko kung may nagtext ba o nagchat. Bigla ko nalang narealize na wala na nga palang mag gogood morning text sakin kasi wala na kami, naramdaman kong may tumakas na luha sa mata ko at napagtantong

"wala na talaga, kailangan ko nang mag move on" sabi ko sa sarili ko

tinignan ko ang orasan kaya't bigla akong nabalik sa sarili kong kinakatayuan, shemay 5:50 na at 6:00 ang dating ng service ko! kailangan ko nang magbihis!

nagbihis na ako ng mabilis at pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko kasabay ang pagbusina at pag dating ng service ko. lumabas na ako agad at sumakay.

pag dating namin sa school ay maaga pa kaya't natulog muna ako sa aking armchair katulad ng palagi kong ginagawa at gigising nalang mamaya.

"huy kath gising na mag faflag cem na tayo sa gym tara" unti unti kong minulat ang mata ko at nakita si faye sa harap ko habang ginigising ako.

tumayo na ako at nagayos para bumaba, habang bumababa.

"narinig niyo ba yung balita? wala na daw sila? hahaha!" rinig ko na sabi ng isang babae na nasa tabi ng hagdanan

"oo nga eh! siguro nagsawa na kaagad sakanya si sean kaya hiniwalayan!" sabi din nung isang babae sa gilid. oo nagsawa na nga siya...

"eh pano banaman kasi, hindi naman talaga siya maganda! ginayuma lang ata niyan si sean eh eww!" sabi pa ng isa nila kasama kaya't napayuko nalang ako at tuloy na naglakad papunta sa gym.

"kath totoo ba yung sinasabi nila?" tanong ni faye out of nowhere

"oo nga kath?" tanong naman ni allaine.

"oo totoo, nung friday lang" sabi ko habang pinipigilan tumulo ang aking luha sa kinakatayuan.

"okay lang yan kath! marami pang lalaki out there na mas deserving sayo kaya wag mong iyakan okay?" pagcocomfort sakin ni faye habang hinihimas ni allaine ang aking likod.

pagkatapos ng flag ceremony ay umakyat na kami kaagad sa classroom.

"asan kaya yun?" bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa pintuan kung nandito na ba siya at sakto ay pumasok siya

"ayiee hinahanap" pangaasar ni nicolo sakin na katabi ko

"che sinong hinahanap ko ha?!" sagot ko

"edi sino pa? edi yung loves mo, ayun yieee" pangaasar ulit ni nicolo

"nicolo tumahimik ka nga! hindi mo ba alam?" tanong ko sakanya ng pabulong.

"alam, inaasar lang kita beast dont worry hahahaha! asar na asar ka naman!" kahit kelan talaga 'to si nicolo

"che hindi kaya!" sabi ko naman sakanya at nanahimik na.

Nasaktan, Kaya Ayun, GumandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon