14 - Cold

1.5K 55 4
                                    


Katherine.

3 months na kami ngayon ni sean, grabe ang bilis talaga ng panahon, parang kelan lang kami sinabuyan ni nicolo ng petals nung sinagot ko siya tapos ngayon 3 months na? mahal na mahal namin ang isa't isa kaya umaasa akong tatagal kami ng taon dahil ganun din ang paniniwala niya sa relasyon namin, hindi namin sinasabing forever kami dahil lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan at ayaw naming mapaasa sa salitang forever pag nangyari man ang araw na bitawan na namin ang isa't isa. Ayaw namin makigaya sa mga isinisigaw ng kabataan ngayon na "akala ko forever na kami, hindi pala" "sabi niya siya ang forever ko? pero ba't siya bumitaw?" at ang pinakasikat na linya nga mga taong bitter at iniwan ang "WALANG FOREVER!!" actually kahit nga hindi broken nakikihugot narin eh, mema lang hahaha!

nasa classroom ako ngayon habang nakikinig sa discussion ni sir alfred, haha! nakikinig nga ba eh kung ano ano iniisip ko hahaa!

"katherine! are you listening?!" ay shaks lagot na

"ay sorry po sir" sagot ko nalang dahil narin sa pagkagulat sa kanya

"okay class you may now have your recess" pagpaparecess ni sir alfred sa amin.

bumaba na kami nila faye at allaine sa canteen para bumili ng snacks.

"kath pansin ko lang ah, bakit parang di ka pa kinakausap ni sean sa araw na 'to?" sabi ni faye

"oo nga kath" pagsasang ayon ni allaine

napaisip ako ng mga ginawa ko kaninang umaga hanggang ngayon at napansin ko rin ngang hindi niya pa ako kinakausap, ano kayang meron? may problema ba? kagabi rin nung magkatext kami parang ang plain niya sumagot at hindi tulad ng dati na puro kiss at heart emoji. Goodnight, loveyou lang rin ang sinabi niya sa akin kagabi bago magend ang pagchachat namin.

"huy kath! okay ka lang ba?" sabi bigla ni faye ma ikinagulat ko, nawala na pala ako sa sarili sa kakaisip ng nangyari.

"naisip ko lang yung sinabi niyo, tama nga kayo, kagabi rin ang plain niya na sumagot eh" pagpapaliwanag ko

"cold ganern?" tanong ni faye

cold nga ba tawag dun? wag naman sana kasi sa mga pinapanood kong teleserye pag nagiging cold ang isa sa magkarelasyon, Kasunod nun ay ang pakikipaghiwalay na ng cold huhu wag naman sana please

"huy kath tulala ka nanaman jan!" sabi ni allaine

"wala may naisip lang ako, tara balik na tayo sa room" sabi ko

pagbalik namin sa room ay nakita ko sean sa tapat ng aircon at alam kong alam niya na nagkasalubong ang tingin namin sa isa't isa. pero bakit ganun? umiwas siya ng tingin? dati naman pag nagkatinginan kami nginingitian niya ako eh, pero ba't ganun?

napagisipan kong obserbahan siya kung hanggang uwian ay hindi niya ako papansinin


>> Fastforward <<

*kring kring*

"okay class dissmissed" sabi ni miss joan at pinalabas na kami ng room

"teka asan na yung taga buhat ng books mo?" tanong ni faye saakin.

"kath!!" tawag ni nicolo sakin

"pinapasabi ni sean na nagmamadali na siya kasi mag training daw sila" sabi ni nicolo na ikinalungkot ko

"ahh okay sige thanks" sabi ko nalang

"kaya naman palaaa" sabi ni allaine sabay tingin kay faye na para bang naguusap sila sa mata

"tara baba na tayo! kaya ko naman na to" sabi ko nalang

uwian na at di niya parin ako pinapansin, di niya man lang rin ako tinulungan sa books ko na palagi niyang ginagawa dati. pagbaba namin sa first floor nakita namin nila faye ang mga varsity at mga naka uniform naman sila at walang training

"training pala ha?" sabi ni faye at tumingin nanaman kay allaine sabay taas baba ng kilay sa isa't isa

"baka naman akala lang may training sila kaya hindi na ako natulungan" sabi ko

"woshoo dati naman kapag may training nasasabi niya sayo eh ngayon ano? nga nga?" sabi naman ni faye

napaisip ako sa sinabi ni faye habang naglalakad papuntang locker room, oo nga 'no? tama siya

inilagay ko na ang mga libro ko sa locker atsaka nagpaalam kayla faye

"faye, allaine! una na ako ha! see you on monday byee!" pagpapaalam ko at tuluyan nang lumabas ng school

habang naglalakad sa service ay nakita ko siya sa gilid kasama ang tropa niya

"hi kath!" bati ni ej sakin

"uy hi!" sagot ko naman sa kanya at tumingin kay sean pero di niya parin ako tinitignan

ang awkward...

"sige bye!" sabi ko nalang sabay alis

nakita ko na kaagad kung saan nakapark ang aking servive kaya sumakay na kaagad ako, pagkaupo ko ay napaisip nanaman ako sa mga nangyayari. Bakit kaya di man lang siya nag bye at nagsabi ng ingat ako? samantalang si ej nagawa pang mag hello saakin. Hindi man lang siya tumingin sakin. kanina naman sa classroom di niya ako kinakausap, anong nangyayari? bakit pinasabi niya pa kay nicolo na may training eh may training din naman si nicolo at dati kapag may training siya, siya naman nagsasabi saakin tapos may kasamang sorry pa pero bakit ganun? ngayon hindi na siya ganun? pati sa messages namin nagbago na siya...

"huy kath andito na tayo sa bahay niyo!" ay shaks di ko man lang namalayan na nandito na pala kami sa sobrang pagiisip

"ay sorry kuya roy eto na bababa na!" sabi ko naman sa driver namin

pagdating ko sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto para magpalit ng
damit. Pagkatapos kong magpalit ng damit at binuksan ko ang cellphone ko para tignan ang messages.

nanlaki bigla ang mata ko at nag kusang mapangiti ng makita ko ang pangalan ni sean sa phone ko na nag message sa messenger, binuksan ko kaagad ang aking cellphone para mabasa na agad ang message.

pagkabukas ko ay nagulat ako dahil ang haba kaya nag scroll up ako para mabasa ang pinaka simula ng message niya sa akin.

Sean: kath, ikaw ang nagparamdam ng true love sa akin, maniwala ka man sa hindi pero sobrang special mo para sakin, diba nga sabi ko sayo "you're the only one that I keep and cared for"? at totoo yun kath. Lahat nasayo na, maganda ka, mabait, cute, matalino, gentle, caring, at minsan weirdo at baliw pa kaso kath sa tingin ko, mas makakabuti kung maghihiwalay na tayo, nakakaiyak kasi sinayang ko lang ang memories na meron tayo pero hindi talaga tayo para sa isa't isa kath. Maniwala ka nasasaktan rin ako ngayon pero kath hindi ako ang para sayo at hindi ako worth it sa pagmamahal ko, humanap ka nalang ng ibang mas magmamahal sayo at hindi tulad kong gago na iniwan ka lang. Nakakasawa narin kasi na lagi nalang may naninira sa atin. Sorry kath pero wala na talaga akong feelings sa iyo at hindi na magbabago iyon. Salamat sa lahat.

tumigil bigla ang mundo ko at automatic nalang na tumulo ang luha ko sa nabasa ko at napatanong...

"bakit?"


---------
A/N: hi guuuys! sorry kung hindi ako nakapag update kagabi.

ano kaya ang magiging reaksyon ni kath? subaybayan sa susunod na chapter! ❤️

and guys comment naman kayo sa story ko haha! babasahin ko naman eh, salamaaat! :))

Happy Reading!

Nasaktan, Kaya Ayun, GumandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon