40 - Ex?

1.2K 53 29
                                    

Katherine.

Natapos din ang intrams at bumalik ang lahat sa normal

pagkatapos ko tapunan si nicole ay hindi niya na ulit ako ginalaw o pinansin

nadala na ata

"kath" oops mukang nagkakamali ata ako.

"oh baket may pakulo ka nanaman ba ha nicole?" sagot ko sakanya habang papalapit sakanya sa gitna ng hallway ng school

"bakit di mo na ba ko kaya?" sagot niya naman sa akin

"yan pang pagmumuka mo di ko kaya? hay nako awa nalang" sabi ko kasabay ng aking ngisi

"alam mo ikaw gumanda ka lang kala mo kung sino kana!!" kasabay ng pagsugod niya sakin at sinabunutan ako

nabigla lahat ng tao sa amin paligid kaya't inawat nila si nicole

"atleast may pinagmamayabang na ganda, e ikaw kundi ka pa maputi walang maganda sayo e" sagot ko sakanya habang nakangisi

"sumosobra kana talaga!!!" sigaw niya sakin at akmang susugurin nanaman ako ng may dumating

"nicole tigilan mo nga yan!" sigaw ng dumating

"owwww" reaction ng mga taong nakapaligid sa amin.

"hello? ako kaya yung kawawa dito tas siya nanaman ipagtatanggol mo?" sagot nito kay angelo

umalis nalang ako habang patuloy silang nag aaway ng may marinig akong pahabol

"napakalandi mo talaga kath!!" sigaw niya habang inis na inis

"kung malandi ako edi pinatulan ko yan? sayo na yan magsama kayo!" sagot ko kay nicole at tuluyan nang umalis.

hirap talaga pag maganda...

sabi ko nalang habang naglalakad palayo



————————————————

naglalakad ako ngayon papunta sa locker para ibalik ang mga libro ko dahil mag uuwian naman na

pero may napansin ako...

"si angelo ba yun?" nang makita kong may binubugbog sa may bandang garden

"si angelo nga" binitawan ko muna sa lamesa ang aking mga libro at agad na pinuntahan si angelo

"HOY TIGILAN NIYO NGA YAN!" pang aawat ko sa mga lalaki na gumalos kay angelo

laking gulat nila nang inawat ko sila

"bakit? alam mo ba kung ano kasalanan nito?" sagot ng isang lalaki na bumugbog kay angelo

"hindi pero tama ba na ganyan iganti niyo?" tumingin ako kay angelo at sumenyas na tumayo at umalis na

"sa susunod na makita ko kayong ginagalaw si angelo ipapa guidance ko na kayo" banta ko sa kanila at umalis na kasama si angelo

habang naglalakad ay di ko maiwasan mag isip kung bakit ba to ginawa sa kanya

"ano bang kasalanan mo sa mga yun?" tanong ko kay angelo ng mahinahon habang naglalakad kami papunta sa locker ko

Nasaktan, Kaya Ayun, GumandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon