Katherine.Angelo Dela Cruz.
"HALA" nagulat ako at napatakip bigla ng bibig kasi baka marinig ako ni sean.
"kath bakit?"
sabi ko nga narinig na e -.-"
"ah wala wala" sagot ko sakanya ng maalala ko ulit yung chat sakin.
flashback 2 weeks ago.
naglalakad ako sa hallway nung pauwi ng may naka bangga sakin.
nahulog lahat ng gamit ko pero di man lang ako tinulungan nung nakabangga!! sobrang inis ko nun pero wala akong nagawa.
may lumapit sakin na lalaking matangkad, singkit and maputi tsaka ako tinulungan sa gamit ko.
buti pa 'to may puso e!! e yung naka bangga sakin? nakuha na ata ng alien puso nun.
napansin kong nag thumbs up yung lalaking tumulong sakin habang nakatingin sa likod ko edi tinignan ko din.
pagtingin ko naka thumbs up din yung naka bangga sakin. anong kaanuhan yun?!
pagharap ko sa tumulong sakin nakatingin na pala sakin.
"Angelo Dela Cruz nga pala" sabay abot niya ng kamay niya sa akin.
"ahh hi, im kath thank you nga pala kanina" sagot ko at inabot ko narin yung kamay ko sakanya atsaka kami nag shake hands.
binalik niya sakin yung mga gamit kong pinulot niya ng maalala ko bigla yung nag thumbs up sila nung lalaki kanina na naka bangga sakin.
"kilala mo ba yun?" tanong ko sakanya.
"ahhh ehh" kita ko sa muka niya ang pagka kaba.
"oh?" sagot ko sakanya.
"kaibigan ko hehe" sagot niya naman
"eh ano yung thumbs up thumbs up niyo kanina dun ha?" tanong ko sakanya kasi naman!! binangga nako nung lalaki nakikipag thumbs up pa!
"sorry kath ah, nahihiya kasi ako lumapit sayo e. eto lang yung way para makapag usap tayo. matagal ko narin kasi gusto malaman pangalan mo simula nung nakita kita, pag naman may pinag tatanungan ako di rin nila alam kasi transfer student ka daw dito"
huminto siya bigla sa pagsasalita at tumingin sakin.
"kaya ayun. planned yun. sorry" sabi sakin
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAA" AKO NAMAN SERYOSONG NATAWA.
ang cute kase!!! mag gaganun pa para makausap lang ako 😂😂😂
"okay lang yun ano ka ba hahaha!" sagot ko sakanya.
"hehehe" kita ko na sa muka niya ang pagkahiya, medyo namumula narin siya.
"sige una nako, thank you ulit :) see you around!" sabi ko sakanya sabay ng ngiti ko at umalis na.
- End of flashback -
hindi ko alam ang isasagot kay angelo kasi napaka bait niya.
hindi naman pwedeng busted agad kasi di ko parin naman boyfriend si sean, nanliligaw lang din naman siya.
pano na 'to?
papayag ba ako o hindi?
pag iisipan ko :))
BINABASA MO ANG
Nasaktan, Kaya Ayun, Gumanda
RomanceA girl who was betrayed and aiming for revenge 💖 Story Cover By: @parfaitazecchi ❤️