Katherine.while practicing that spaghetti song sa side nila ate aya kasama yung mga classmate kong girls di ko maiwasan mailang kasi andun lang sa kabilang side ng room sila sean at nagsasayaw ng ice ice baby HAHAHA. Habang tinuturuan sila ni kuya johndell ng steps di ko maiwasang tignan siya sumayaw haha ang cute kasi eh lol.
"katherine nakikinig ka ba?" sabi ni ate abby na ikinagulat ko haha
"uhm opo" sagot ko
"okay girls from the top, 1,2,3 and!" sabay play niya ng music ng spaghetti.
nagstart na kaming sumayaw
"sige lang girls! igiling niyo at wag kayong mahiyang sumayaw! push kung push para manalo tayo!" sabi ni ate sarah samin habang nagsasayaw
nailang ako bigla ng makita ko si sean sa peripheral vision ko na sumasayaw kaya napatingin ako sa kanya at bigla siyang umiwas ng tingin, hahaha ang cute niya talaga!
habang paulit ulit na nagpapractice, nasanay na ako at di na nailang sa tuwing titingin si sean, baka rin kasi mapagalitan ako ng mentors kaya di na ako naginarte pa HAHAHA
"at dahil naituro na namin sainyo ang steps sasayawin niyo na yan sa formation na sinabi namin kanina okay?" sabi ni ate sarah
"sa una uupo muna kayong lahat, girls pag narinig niyo nang iplay ang music tumayo na agad kayo at sundan ang timing bago magsimula ang sayaw okay?" pagpapaliwanag ni ate abby
"at pagkatapos ng sumayaw ng girls upo agad ha girls? at tumayo naman kayong boys para sumayaw okay?" pagpapaliwanag ni kuya johndell kaya tumango nalang kaming lahat
"pagtapos ng boys magsayaw, tumayo na ang girls atsaka namin papatugtugin ang itinuro namin aserehe at tsokolate para sabay sabay niyong sayawin okay?" sabi ni ate abby
"okay try natin ha? lets start!" sabi ni ate sarah
so ginawa na nga namin ang directions na sinabi ng mga mentors namin hanggang sa maperfect namin.
pinractice namin ang buong flow ng performance para sa gaganaping GA bukas.
"okay St. Joan of Arc lets pray para sa okay na performance niyo for tommorrow" sabi ni kuya johndell
lahat naman kami nagform ng circle sa gitna ng classroom at naghawak hawak ng kamay para magpray.
"I'll lead the prayer" sabi ni ate sarah at tumango nalang kami.
"Lord, sana po ay gabayan niyo po ang St. Joan of Arc para sa gaganaping GA nila bukas, naniniwala naman po kaming mga mentors niya na mababait na bata sila kaya wag niyo po silang pababayan, ipaalala niyo po sakanila ang lahat ng napractice namin kasama na po ang lines nila sa ibang part ng performance. In Jesus' name we pray..." pagdadasal ni ate sarah
"Amen" sagot namin lahat sabay hiyawan
"whooo!! bukas na GA guys! goodluck satin! wag niyong kakalimutan mga costumes niyo ha?" sigaw ni ms president.
"magsiuwi na kayo, last day na ng pagpapractice natin 'to guys, mamimiss ko kayoo" sabi ni kuya johndell na parang malungkot haha
"GROUP HUUUG!" sabi ni ate sarah kaya nagsilapitan kami at nag group hug.
"picture tayo guys para remembrance" sabi ni ate abby kaya tumingin na kami sa cellphone niya na naka kabit sa monopod at saka ngumiti.
"Goodluck joan! mamimiss namin kayo :)" sabi ni ate sarah, aww kahit kelan talaga ambait niya ☺️
"bye joaaan! ingat sa paguwi! mananalo pa tayo bukas!" sabi ni kuya johndell na ikinatawa naming lahat hahaha!
as usual sa panliligaw ni sean siya ulit nagdala at naglagay ng books ko sa locker atsaka hinatid ako sa service ko :)
BINABASA MO ANG
Nasaktan, Kaya Ayun, Gumanda
RomantikA girl who was betrayed and aiming for revenge 💖 Story Cover By: @parfaitazecchi ❤️