Katherine.habang naglalakad sa papasok ng school ay naaninang ko si nicole na parang may kausap na lalaki
may iniabot sakanya ang lalaki na parang mga pictures at binigyan siya ni nicole ng pera
ano kaya yun?
hindi kaya siya yung nagkakalat ng kung ano ano tungkol sakin?
nagtago muna ako sa isang pader para marinig ang pinag uusapan nila
"sigurado ka bang masisira image ni kath dito?" rinig kong tanong ni nicole sa lalaki
"siguradong sigurado mam"
"siguraduhin mo lang, kundi ikaw isusunod ko" sagot ni nicole dun sa lalaki
"umalis kana, baka may makakita pa sayo dito" utos sakanya ni nicole
ng umalis sa harap niya si nicole ay nakita ko ang itsura niya
siya yung humalik sa akin noong isang gabi nung pauwi ako.
kailangan nang tumigil ni nicole.
nakakasakit na siya.
kakausapin ko na sana siya ngunit ng pag tingin ko sa lugar kung nasan siya kanina ay wala na pala.
naglakad na muli ako at pumasok ng school.
as usual...
same scene...
naglalakad ako sa hallway ngayon at ang karamihan ay nakatingin sa akin.
ano nanaman kayang kinalat ng nicole na yun?
bwisit talaga yon.
di na ako makatiis kaya't hinanap ko siya
pagpasok ko ng banyo ay nakita ko siya.
kailangan niya na talaga tumigil.
"nicole kung ano mang ginagawa mo tigilan mo na" paninimula ko
"tigilan ang alin?" tanong niya
kailangan ko na maging straight
"paninira mo sa akin."
"wow kapal ba't naman kita sisiraan? maganda ka ba?" sagot niya
"siguro oo, sinisiraan mo nga e" sagot ko sakanya
"kung gusto mong tumigil ako tigilan mo din si angelo." sabi niya
"kasalanan ko ba kung may gusto siya sakin?" tanong ko muli sa kanya.
"grabe ka talaga e 'no? malandi na feelingera pa" sabi niya sa akin
"atleast hindi tulad mo na asal demonyo" sagot ko kasabay ng pag irap
"maganda naman" sagot niya
"maganda nga, mas malala naman sa skwarte ugali" sabi ko sakanya kasabay ng pagtaas ko ng kilay at ngisi
nakita kong nagbago ang itsura niya at nagalit
"arghh!! atribida ka talaga!!!" sigaw niya sa akin atsaka ako sinugod at sinabunutan
kath wag kang gaganti hindi ka skwater tulad niya.
kath wag kang gaganti
natumba na ako sa sahig dahil sa lakas niya habang sinasabunutan ako.
BINABASA MO ANG
Nasaktan, Kaya Ayun, Gumanda
RomanceA girl who was betrayed and aiming for revenge 💖 Story Cover By: @parfaitazecchi ❤️