Chapter 2

255 8 1
                                        

ELIJAH GONZALEZ' POINT OF VIEW

~KINABUKASAN

Nandito na 'ko sa tapat ng bahay ni Denver, dala-dala ko ngayon 'tong sasakyan ko. Pinark ko na 'tong sasakyan ko sa tapat ng bahay nila.

Napansin ko pagkababa ko ng sasakyan ko, marami nang sasakyan ang naka-park sa tapat ng bahay nila Denver. Siguro naandito na ang tropa.

Naglakad ako patungo sa gate nila at nag-doorbell. Pagka-doorbell ko bumukas maya-maya yung gate nila. Pagkabukas nung gate, sumalubong kagad saakin si Denver.

Naka-suot siya ng isang black shirt na may skull sa gitna at naka pantalon. Habang ako, naka-suot lang na plain white shirt at pantalon din. Simple lang kaming tao ni Denver, pati narin ang tropa. Samin, okay lang ang naka t-shirt lang at pantalon. Mga GWAPO naman kami, kaya okay lang ang naka-shirt.

Nakatingin siya saakin with shocked face. Anong nakain neto't gulat na gulat na nakita ako?

"'Kaw ba yan, Elijah? O, picture mo lang 'yan? Himala! Si Elijah Gonzalez naandito sa tapat ng bahay ko!" He's overreacting. Kailan ba ako hindi pumunta sa bahay nya tuwing may pag-uusapan kaming mag kaka-tropa?

"Oo naman! Ako 'to, na nakatayo sa gate ng bahay ng isang ubo't ng yabang na si Denver Palmeiro!" ganti ko naman sakanya.

"Sira ka talaga! Oh sige, pasok!" sabi nya nalang.

Pumasok na nga ako sa bahay nila. Isinara na nya ang gate at sinamahan ako papasok sa bahay nila. Pagkarating namin sa living room nila, nakita ko kaagad ang tropa.

"Oh El, musta na? May girlfriend ka na ba? Salamat naman at meron ka ng GF!" bati saakin ng isa naming ka-tropa na si Nathaniel, Nathaniel Canavan. Niel for short. Ayaw nya ng Nathan kasi mukhang pang-bata DAW. Ayaw nya rin ng Nathaniel kasi masyadong mahaba daw at baka mapagod ka pa.

"Wala pa akong GF! Atsaka isa pa, okay lang naman saakin kahit mag-isa lang ako." sagot ko naman sakanya.

"Weeehh? Eh pano kung mag-aasawa kana? Mahirap na. tsk. tsk." sabat naman ni Karl Reyes. Siya lang naman ang pinaka-mature mag-isip saaming magkakatropa. Masyadong kasing advance at iniisip nya muna ang future bago ang present.

"Eh di dun palang ako maghahanap. Atsaka, matagal pa naman yung panahon na 'yun." sagot ko kay Karl. Tama naman diba? Matagal pa yung panahon na 'yon. Mga bata pa lang naman kami, eh.

"Oo tama, matagal pa 'yon. Basta, Live While We're Young muna. Sulitin yung mga araw na mga single tayo, o di kaya bata pa, bago mag-asawa." pagsang-ayon naman sakin ng isa namin ka-tropa na nagngangalang Jeremy Paredes. Mahilig talaga 'tong si Jeremy kumuha ng mga linya o di kaya title ng kanta tuwing nagsasalita. In short, music lover.

"Live While We're Young? Diba kanta yun ng One Direction? Yung bandang galing sa United Kingdom, na sumali sa X Factor? Tapos may movie na ang title ay This Is Us?" tanong naman ng palaging updated saaming tropa na si Jaycee Abarca.

Don't Let Me Go // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon