Chapter 12

162 9 6
                                    

SABINE ADLER's POINT OF VIEW

"Hayy.. salamat!" napangiti naman ako pati nadin sila. Naandito na kasi yung susi ng kwarto ni Mara. Not to mention, pero halos abutin na kami ng gabi para lang makuha yung susi! Paano kasi pinagpapasa-pasa pa kasi nila yung cell phone ni Niel. 

So, ayun nga.. naandito na nga yung susi. Nagtalo-talo pa kaya kami kung sino ang kukuha sa office ni Kuya Brian. Yung iba kasi tinatamad, yung iba naman nahihiyang pumasok doon sa loob ng office ni Kuya! Kung alam lang nila.. kung alam lang talaga nila.. 

PARE-PAREHAS LANG KAMING TINATAMAD AT NAHIHIYANG PUMASOK SA OFFICE NI KUYA BRIAN!

Ang sakit sa ulo, grabe! Idagdag pa yung sinabi ni Karl.

"Guys, asaan si Elijah? Parang kanina pa siya doon sa kwarto ni Kaitlyn. Hindi kaya kung ano na ang nangyari dun sa dalawa? Hindi kaya nag-away na din sila?"

"Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan, Karl! Paano sila mag-aaway kung hindi nga sila mapaghiwalay?" saway ko naman sakanya. 

"Buksan mo na nga yung pinto Jane. Kanina mo pa kasi hawak-hawak yung susi, eh." utos ni Yhaz kay Jane. Inilusot naman kaagad ni Jane yung susi sa door knob ng pinto ng kwarto ni Mara.

Nung nabuksan na yung pinto, pumasok kaagad kami. Nahanap kaagad namin si Mara. Nakahiga lang siya sa kama niya. Natutulog.

Nga pala, sabi ni Kuya Brian saamin, sabi daw sakanya ni Ate Aine nagpa-order daw sakanya si Mara ng eleven tickets pauwing Pilipinas. So baka sooner or later, uuwi na kami. 

Balik kay Mara, ayun nga natutulog lang pala siya. Pero imposible naman na hindi sya magising sa lakas ng pagkakakatok namin sa pintuan ng kwarto nya. Muntikan pa ata namin ipasira sa mga boys eh! Tapos yung mukha nya habang natutulog, mapayapang-mapayapa. Kahit nga ako naawa na sa kanya, sa sitwasyon namin. 

NAPAKA-COMPLICATED!

~~

KARL REYES' POINT OF VIEW

"Kanina pa kayo nandyan?" tanong saamin ni Mara. Napabalikwas kaagad sya ng bangon nung mapansin nya na naandito kami sa loob ng kwarto nya.

Ngayon, anong sasabihin namin sakanya? Hindi naman namin pwedeng sabihin na..

"Alam mo ba Mara, muntikan pa naming ipa-demolish 'yang pintuan ng kwarto mo para makarating lang dito?"

"Mara, hindi mo ba alam kung gaano ka-hirap makapasok dito?"

"Ay, hindi Mara, hindi. Sa katunayan nga kakarating lang namin dito. Ang HIRAP kasing buksan ng pinto. Sa sobrang HIRAP pihitin ng door knob, naka-pasok kaagad kami."

"A-ah.. Si Karl!" turo naman nila saakin. Ang layo ng sagot nila ah. Atsaka bakit ako? Anong meron saakin?

"Anong si Karl?" tanong ni Mara sa kanila. Tignan mo, pati sya naguluhan din. Ang layo nga naman kasi ng sagot nila.

"S-si Karl yung may kasalanan--" pinutol ko na sila. Choir ba 'to? Sabay-sabay kasi sila eh.

"Hooy! Anong ako? Kayo kaya dyan. Tumawag lang si--" tinakpan naman kaagad ni Niel yung bibig ko. Ano ba?! Hindi pa ako tapos magsalita. Magsusumbong pa ako kay Mara! "Hmm..mmp!"

Don't Let Me Go // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon